TAISHA'S POV
Several months later..
That day na hinatid namin si A'ishah sa airport we never heard anything from her again. Halatang pinilit mag-move on. At yung abnormal ex naman nya, ayun! Isa pa yun, parang gago at hindi na din nagparamdam pa samin.
Nakakapanghinayang lang e. Sa sobrang gustong mag-move on umalis lang din basta, di nya tuloy narinig mismo kay A'ishah yung mga gusto nyang malaman. Nakakainis! Parang mga tanga. Sila lang ang nagpakomplikado sa sitwasyon nila.
But here we are..
"Ano ba naman yan! Ang bagal bagal nyo!" sigaw ko sa kanila.
"Huwag ka kasing magmadali! Ang bigat kaya ng mga bag nyo! Ilang araw lang naman tayo dun pero ang mga gamit nyo pang-isang taon. Mga babae talaga. Tss." sagot ni Alex saken.
"Aba, aba! Sumasagot ka pa! Gusto mo-" di ko natapos sasabihin ko dahil sinaway kami ni Cody.
"Oy oy oy! Tama na yan."
"Wag ka kasi magmadali. Taisha. Makakarating tayo dun." sabi naman ni Kayla sakin pero inirapan ko lang sya.
Ewan ko hindi ako mapakali. Basta nagising nalang ako isang araw na gusto kong puntahan si A'ishah. Para kasing may mali.
*
Almost 14 hours din kami nakatunganga sa plane and my body was aching all over. Hindi pa man din ako mapakali sa upuan ko simula pa lang ng flight. At kulang nalang talaga lumipad na ko papunta dito. But when we got here, kahit kating kati na ko makita ang babaeng yun mas pinili ko pa din ang magpahinga. Aba, sira na beauty ko sa flight no! Kaya ayun, dumiretso na kami sa Main House ng family ko.
And the next day, tsaka na kami umalis at pumunta sa kanila. One and a half hour lang naman ang byahe mula sa bahay ko papunta sa Rivera State. Yes, State iyon at hindi basta bastang residence lang. There are somethings na hindi pa nila alam tungkol kay A'ishah.
Hindi naman na kami nahirapan pumasok doon kahit pa napakaraming bantay sa labas. Kilala naman na kasi ako ng mga bantay na iyon. Halos bahay ko na din 'to dati dahil palagi akong nandito.
"Imba." rinig kong sabi ni Zack ng makapasok na kami sa loob.
"Is this for real?" amazed na tanong naman ni Hailey.
Kitang kita sa mga mukha nila ang word na 'surprised'.
Alam kong hindi nila alam 'to but A'ishah came from a very elite and well-known family. Kaya nga sya lumaking bratinella. Everything was spoon-fed to her. Isang sabi nya lang andyan na. Idagdag mo pa na sobrang mahal na mahal sya ng parents nya. Oh di ba perfect life?
Hindi lang sya ipinakilala agad sa business world dahil sa pag-uugali nya. Lagi ding edited ang papers nito sa tuwing ie-enroll sya sa school. At kahit i-search mo ang family background nya, wala kang makikita dahil sa restricted ang isang yun.
Maaari kasing pagtangkaan ang buhay nya kapag nalaman ng lahat kung sino sya. Yun ang pinaka-main reason kung bakit sya ipinadala sa Pilipinas nung highschool palang kami. Ginawang excuse ng mga Kuya nya ang pagkaka-drop nya sa school para lang hindi nya malaman na sinusubukan na syang kilalanin ng media that time. And it was not true that she was black-listed in all of the schools here in France.
BINABASA MO ANG
Brat Girl Meets Bad Boy
Ficción GeneralA'ishah is not your typical spoiled-brat princess. She's mean, she fights a lot, she says whatever she wants but deep inside she's just fragile, she don't want anyone hurting her or any of her loved ones and yes, she do have a heart. Chad is not the...