Chapter 40

172K 1.4K 93
                                    

A'ISHAH'S POV

"Huwag mo na kong gaguhin!" sigaw nya saken. "Alam kong nagsisinungaling ka kaya tapatin mo ko!" desperadong sabi nya sakin.

Gusto kong matawa.

Gusto ko ng matawa sa katangahan ko na hindi ko malaman kung bakit umabot sa ganito.

"Patunay? Yun ba ang gusto mo?" tanong ko sakanya at tsaka ko kinuha sa bulsa ko ang kwintas na ibinigay nya sa akin nung unang beses nyang inamin sakin na mahal nya ako.

Masakit man, inilahad ko ang palad nya tsaka inilagay doon ang kwintas.

"Naalala mo ba meaning nyan?" tanong ko sa kanya at bakas na bakas sa mukha nya ang pagkagulat sa ginawa ko. "Pasensya na kung natagalan ang pagbalik nyan sayo. Ayan, umasa ka pa tuloy." sabi ko at ngumisi ako para itago ang sakit na nararamdaman ko.

"Matagal na kitang kinalimutan kaya sana matuto ka na ding kalimutan ako. Kawawa naman ang fiancee mo." pagtapos kong sabihin iyon ay umalis na ko sa harap nila at dumirecho sa kwarto. Pagdating doon, for the nth time umiyak na naman ako.

Eto na naman ako.

Putangina.


*


Hindi na ko lumabas pa ng kwarto after nun. Hindi na din ako nagdinner at ni isa sa kanila wala din akong kinausap. Masyado ng mabigat ang mga nangyayari saken kaya hindi ko na alam ang dapat na gawin. Halos gusto ko ng magbigti para lang makatakas sa katangan na 'to. Pero ayun, nakatulog nalang din ako dahil sa iyak. Mugto mata, mukhang tanga. Ewan ko. Gusto ko ng tumigil. Pagod na ko magpanggap.

Kinabukasan na ko nagising sa tulog kong iyon. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko lumabas ng kwarto at pagbaba ko, lahat sila tahimik na nakaupo sa sala. At si Christine sobrang sama ng tingin sakin, as always.

"Did anything happen?" I asked them.

Tumawa ng pagak si Christine. "Anything happen? Sana ikaw nalang ang umalis hayop ka! Kahit kailan panira ka! Wala ka ng ginawang tama! Bakit ba kasi bumalik ka pa? Para ano? Pahirapan si Chad? Pahirapan ako? Sirain ang relasyon namin!? Okay na kami e! Okay na kami nung mga panahong wala ka! Bakit ba kasi bumalik ka pa?!" galit na sigaw nya sakin habang umiiyak at habang hawak hawak sya ni Franz.

Tagos-tagusan man ang mga sinabe nya hindi ko pinakitang naaapektuhan ako. Doon naman ako magaling e. Ang magpanggap.

Tumingin lang ako kay Franz na parang nagtatanong 'anong sinasabe nya?' at mukhang naintindihan nya naman yun kaya sumagot sya.

"Chad left. Hindi namin alam kung kagabe o kaninang madaling araw. Wala na lahat ng gamit nya ng tingnan naming ang kwarto nya. Tinatawagan at tinetext namin sya pero mukhang nakapatay ang phone nya. Sinubukan naming tawagan sila Tita Marian pero hindi din daw nila alam."

I felt my whole body stiffen.

Why did he left?

Ako na naman ba ang dahilan?

Bakit ba umaabot pa sa ganito 'to? Bakit ba nangyayari sakin ang bagay na'to?

Anong bang ginawa ko sa D'yos para pahirapan ako ng ganito?

God, bakit po? Bakit ako pa?

"Masaya ka na A'ishah? Masaya ka na sa ginawa mo? Hanggang kelan mo ba balak saktan yung tao? Hindi ka pa ba nakuntento? Ano bang gusto mong gawin nya? Lumuhod sya sayo? Magmakaawa? Ang kapal ng mukha mo! Sana masunog kaluluwa mo sa impyerno hayop ka!" sunod sunod na banat ni Christine at masyado ng masakit.

Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko na nakayang kontrolin pa ang emosyon ko,

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko para sabihan mo ko ng ganyan! Hindi mo alam ang mga bagay na tiniis ko para lang sa kanya! Hindi mo alam lahat ng pinagdaan ko para ganyanin mo ko! Kung gaano kasakit ang nararamdaman ni Chad triple dun ang sakit na tinitiis ko!"

"Akala mo ba madali lang lahat saken? Akala mo ba gusto ko syang ibigay sayo? Akala mo ba masaya akong makita syang hawak ka? Akala mo ba tuwang tuwa akong magpretend na wala lang sakin lahat? Apat na taon Christine! Pinilit ko mag-move on ng apat na taon! Dahil akala ko pag hindi ko na sya nakita magiging okay din ako!"

"Pinilit kong kalimutan lahat ng pagmamahal ko sa kanya! Tiniis ko lahat sa apat na taon na yun para lang sumaya sya! Halos mabaliw ako kakaisip kung tama ba yung ginawa ko! Feeling ko anytime sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko! Oo ako may kasalanan! Oo ako yung nanakit! Pero ni minsan ba naisip mo kung nasaktan din ba ako? Kung masaya ba ko sa nagawa ko?

Naisip mo ba kung hanggang ngayon ba umiiyak ako ng dahil sa kanya? Naisip mo ba nung panahong binitawan ko sya kulang nalang patayin ko na din ang sarili ko dahil sa hindi ko kaya!? Hindi di ba!? At hindi mo naman din alam lahat ng yun dahil hindi naman ikaw ang nasa pwesto ko!"

Sa pagsagot kong iyon, umagos na naman lahat ng dinadala ko. Natahimik lahat sila at hindi na nakasagot pa si Christine.

Ngayon pareho na kaming umiiyak.

Ngayon alam na nila lahat.


*


Nang mahimasmasan ako, nagdesisyon na sila na umuwi na kami. Wala na din kasing mangyayari kung mag-stay pa kami dun. Masyado ng mabigat ang mga naganap kaya mabuting umalis na kami. Si Zack na ang naghatid sakin pauwi habang si Franz naman ang umakay kay Christine.

Ilang araw pagtapos nung pangyayaring iyon ay inihatid na din ako ng mga kaibigan sa airport. Naisip ko kasi na hindi na maganda para saken ang mag-stay dito sa Pilipinas at ayoko ng bumalik pa.

"Mag-iingat ka dun ha? Bibisita nalang din kami dun. Basta tatawag ka ha?" umiiyak na sabi ni Taisha. Ngayon ko lang syang nakitang ganyan sa ilang taon naming mag-kaibigan. Mas madalas na inaasar ako nito o di kaya'y sisimpleng banat ng pang-aasar. Pero siguro nagbago ang tingin nito sakin pagtapos kong umamin sa kanilang lahat.

"Oo. Kayo din. Mag-iingat kayo." sagot ko at isa-isa na nila kong niyakap.

At nung pagdating kay Franz, "Hindi na ba talaga magbabago isip mo?" tanong nya saken at umiling ako. Tumango sya at niyakap nya ko ulit. "Pag may problema ka, tawagan mo lang ako. Kahit nasa France ka pa o kahit nasang lupalop ka pa ng mundo, pupunta ako." ngumiti at tumango ako sa sinabe nya at pagtapos noon ay nagpaalam na ko at umalis.

Siguro nga masyado ng late para ayusin ko pa lahat.

Siguro nga hanggang dito nalang kami.


Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon