A'ISHAH'S POV
Kinabukasan, inagahan kong gumising para naman makalabas na ko sa kwartong 'to. Pero pagkagising ko, gising na din pala si Chad.
"Morning." bati nya. Tumango naman ako at mahinang binati din sya.
"Morning." sabi ko at napangiti naman sya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Pero pansin kong parang namamaga yung mga mata nya, hindi dahil sa puyat kundi para syang.. umiyak.
"Chad," I called out. Tumingin naman ito sakin at naduwag na naman ako. "Ah, labas na tayo." aya ko nalang at sumunod naman ito. Pero sa totoo lang gusto ko syang yakapin man lang bago lumabas sa kwartong 'to, kahit sandali lang.
Pagkalabas namin sa kwarto ay nagkanya kanaya na kaming punta sa mga kwarto namin. Naligo at inayos ko na ang sarili ko bago ko bumaba. At buti nalang pagbaba ko, nakapagluto na sila ng breakfast at nakahanda na din ang mga ito sa mesa.
"Oy, b-tch! Ano? Magkakapamangkin na ba ko?" bungad sakin ni Taisha ng makita nya ko sa dining room. Nakangisi pa ito. Ramdam kong nag-init agad ang mukha ko. Syete lang! Napatingin tuloy sakin lahat pati na sina Chad at Christine.
"G-ga ka! Ang aga aga yan ang bungad mo sakin!"
"Hahaha! Joke lang naman e!" sagot nya pero if I know, inaaasar nya lang si Christine. Siraulo talaga.
Nung nasa hapagkainan na kami lahat nag-umpisa na silang magkwentuhan ng kung anu-ano. Habang ako ay nanatiling nakatahimik. Naalala ko na naman kasi yung ginawa ko kagabi. Alam kong mali iyon dahil sa engaged na yung tao, pero tulog naman sya. Hindi naman siguro nya malalaman pa yun.
Habang kumakain na, pansin kong pinapatay na ko sa titig ni Christine na parang akala mo may ginawa kaming masama ni Chad. Ako lang oy! Hahaha! Inismiran ko nalang sya at tumingin naman sya sa iba.
Pero totoo nga, pinag-iinitan nya nga ako.Kada magkakatinginan kami, naniningkit ang mga mata nya, kada magkakasalubong kami sinasadya nyang banggain ako. At every time na mapapalapit na kami ni Chad, agad itong gagawa ng scheme para madivert ang atensyon ni Chad sa kanya. Wew. Hahahaha!
Hindi ko nalang sya pinapansin o pinapatulan, hindi naman sa naduduwag ako dahil alam nyo din namang hindi ako nagpapatalo, ang akin lang hahayaan ko syang problemahin ang kagandahan ko. Maiyak sya sa inggit. Hahahaha!
We all decided to watch a movie in the living room pero nakaramdam ako ng uhaw kaya naman dumiretso na ko sa kusina. At nang matapos ako, nagulat nalang ako dahil pagtalikod ko andun sya at ang sama sama na naman ng tingin nya.
"Baka nakakalimutan mo? Hindi na sya sayo." nanggigigil na sabi nya.
Tumawa ako ng mapang-asar, "Bakit? Natatakot ka nab a nab aka maagaw ko sya sayo? Na baka balikan nya ako?"
"Baka balikan? Hahaha! Walang wala ka naman kumpara sakin e. At kayang kaya ko din namang gawin ang lahat ng ginagawa mo. Isa pa, engaged na kami. Paano ka na?"
Natawa akong muli, "And it's coming from someone like you? Hahaha! Kung ang mag-asawa nga naghihiwalay pa, kayo pa kayang hindi pa kasal? Hahaha!"
Mas lalong sumama ang tingin nya sakin. "Layuan mo na sya or else!" nanggigigil na sabi nya.
"Or else what? Magsusumbong ka sa matanda? Hahaha! Pathetic. Sayong sayo na sya. Kahit isaksak mo pa sya sa baga mo, wala na akong pakialam. Still, I pity you. Kinailangan mo pang gawin lahat ng mga ginagawa ko para lang mahalin ka nya. But you know what? Sa katangahang ginagawa mo, lalo ka lang nyang hindi mamahalin. Why? Dahil ako at ako lang ang maaalala nya. At in the first place, sinisiksik mo lang naman ang sarili mo sa kanya. Hindi naman ikaw yung mahal nya e. I feel sorry for you, girl." sagot ko at saka ko sya binangga bago ko tuluyang umalis.
It was below the belt at alam kong manggigigil sya lalo. Pero maganda nga yun e. May taong nagpapamukha sa kanya na baliw na sya. Kawawang nilalang.
*
Days passed and almost five days na kaming nandito. Ang bilis talaga ng araw. At habang bumibilis iyon ay mas lalong naninikip ang dibdib ko. Dahil pagkatapos ng bakasyon na ito, aalis na din ako. Babalik na ko sa France at hindi na ko muling babalik pa dito. Nagpapasalamat din ako kay Zack for making this vacation possible. Atleast nakasama ko sya kahit na sa ganitong set up lang.
Naglakad lakad ako sa sea side at nang mapagod ako ay naupo ako sa isang batuhan habang nakatingin sa kawalan. Pa-sunset na din kaya naman mas gumaganda ang repleksyon ng dagat.
"A'ishah." someone called at agad naman akong napalingon.
"Franz."
"Lalim ng iniisip mo ah. Okay ka lang?"
"Oo naman." sagot ko at umupo ito sa tabi ko.
"What are your plans after this? Hindi ko pa kayo nakikitang nag-usap." biglang tanong nya.
"Plans? I don't have anything in mind yet." pagsisinungaling ko. Ayoko kasing may makaalam ng plano ko. "Kayo din naman ah?" baling ko sa kanya. Napatawa sya at nailing.
"Hindi na kailangan. Ayoko na syang guluhin kasi alam kong masaya na sya." Malungkot na ngumiti nalang ako sa sinabi nya.
"Tara, ice cream." aya ko at agad naman syang pumayag. Umalis kami at malayo layo ang napagbilhan namin ng ice cream mula sa Villa kaya gabi na kami nakauwi. Naglakad lakad kami ulit sa seaside dahil sa ayoko pang bumalik sa bahay at nang mapagod, naupo na kami sa buhanginan.
"Problema?" tanong nya.
"Wala naman, bakit?"
"C'mon, A'ishah. Akala mo hindi ko napansin? And you also used my trick to make your problems go away. Magtatago ka pa ba?"
Napayuko ako, "Fine. Nahuli mo na ko." napahinga ako ng malalim. "Aalis na ko after neto at hindi na ko babalik."
"Why?" seryosong tanong nya.
Malungkot akong ngumiti sa kanya saka ko sinabing, "I'm letting go of him. Kailangan ko ng harapin ang realidad na wala ng kami."
Natahimik kaming dalawa pagkatapos kong sabihin iyon. Nakatitig lang sya sakin, at nang hindi ko na kinaya, napaiyak na ko. Niyakap nya ako. Eton a yung pangatlong beses na umiyak ako sa kanya. At lahat ng iyon ay dahil kay, Chad.
"I guess, may reason ka nga talaga kung bakit nakipaghiwalay ka sa kanya. Pwede ko bang malaman?"
And there, I told him the truth...
BINABASA MO ANG
Brat Girl Meets Bad Boy
Fiksi UmumA'ishah is not your typical spoiled-brat princess. She's mean, she fights a lot, she says whatever she wants but deep inside she's just fragile, she don't want anyone hurting her or any of her loved ones and yes, she do have a heart. Chad is not the...