Chapter 16

210K 1.8K 272
                                    


 Nagpalakad lakad nalang ako sa campus at talagang wala na kong gana pumasok sa klase. Cutting na kung cutting. I don't really care. Galit na galit ako at kailangan kong lumayo sa tao before I could see red lines.

"It's class hours, isn't it? Why are you wandering around?" a stern voice of a woman questioned kaya napalingon ako.

Only to see the girl who was with Chad yesterday.

"Who the hell are you and why do you care?" mataray kong tanong sa kanya pero pinipigilan ko lang talaga yung sarili ko na sugurin sya.

Tumawa ito,"I'm the school director so I think I have the right to care about the students' behavior. You should go to your class before I give you a sanction."

I scoffed, "Ayoko pumasok. Gusto mo ikaw na ang pumalit sa upuan ko. Tamang tama, katabi ko si Chad doon baka ma-enjoy mo pa." I replied with full sarcasm saka ko nagpatuloy sa paglalakad. Pero di pa ko nakakalayo ng marinig kong tumawa itong muli at tinawag ako sa pangalan ko. Napalingon ako.

Bakit nya ko kilala?

Naglakad ito papunta sakin at nakangiti pa ito. "Come with me." aya nya sakin.

"Ano bang kailangan mo?" medyo naiinis na tanong ko.

"Don't ask! Just come with me!" sigaw nya sakin sabay hinila ang kamay ko. Nagpakaladkad nalang ako bago pa ko tuluyang maasar.

Isinakay ako nito sa kotse nya at ninala ako sa isang restaurant. Pagka-order namin dun sya nagsimulang magsalita.

"So, kamusta kayo ni Chad? Did he say something?" tanong nya.

"He was with you, right? Gusto mo bang ikaw ang tanungin ko kung kamusta na kayo?"

Tumawa na naman ito. "Hahaha! No wonder na napatino mo sya." She said and sipped on her drink.

"What do you mean by that?" I asked but she ignored my question.

"You know A'ishah. Chad loves you very much. Everyday he would call then he'll tell me everything that's happening between the two of you. Ang saya saya nya sayo. Hindi ka nawawala sa kwento nya at proud na proud sya kasi ikaw ang girlfriend nya. You even changed him. Hindi naman kasi sya ganun." kwento nya sakin.

"Why are you telling me those things?" tanong ko. Ano 'to pampalubag loob?

"It's because I like you." sagot nya.

"What?" kunot noong tanong ko. Leche. Ano ba 'to?

"Hahaha! I like you for my little brother silly! Hindi ako lesbian okay?" natatawang sabi nya at natanga ako.

Brother?

It means.. sya yung ate ni Chad?

*insert late reaction here*

"Hahaha! What's with your face? Para kang nakakita ng dyosa. Alam ko namang maganda ako e. Hahaha! Hi. I'm Czarina Abigail Gomez. Chad's sister. You can call me 'Ate Cza'." sabay abot sakin ng kamay nya.

Holy Mother of cheese!

Dammit! All those times ate nya pala yung pinagseselosan ko! God! I'm really such an idiot!

Yumuko ako bigla sa harap nya. "Hala! Ate, sorry po! Hindi ko po talaga alam! Sorry! Sorry! Pasensya na po!"

Nakakahiya talaga as in! Pinag-isipan ko pa sya ng masama at nagpaka-bitch pa ko. Ugh. Grabe. Ang tanga tanga ko! Dapat nga hindi ako nagconclude agad!

Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon