Chapter 36

172K 1.3K 252
                                    

Ang tagal bago nag-process sa utak ko ang lahat ng sinabe nila. Pero nung marealize ko na, "WHAT?! HOY HINDI MAKATARUNGAN YAN HA!" react ko. Si Chad naman halatang nagulat din pero mas pinili netong hindi magsalita.

"Makareact ka naman, b-tch kala mo gagawa kayo ng baby! Wag masyadong pavirgin ha? Hahahaha! Hoy! Ang sabi matutulog lang kaya wag kang maarte dyan!" nakangising sagot ni Taisha sakin. Ang sasama talaga!

"Eh? Paano kayo? May usapan tayo!" palusot ko.

"Jusko naman! Dalawang lingo tayo dito te! Ang dami dami pang araw na natitira okay? Hahaha! Naturingang Summa Cum Laude pero tanga sa lucky 9!"

"Oo nga! Hahahaha!" pagsang-ayon ni Kayla.

"Dare lang naman, b-tch.. Nagpatalo talo ka e. Ayan tuloy. Hahaha! Ayieee. Kinikilig ako!" pang-aasar naman ni Hailey.

Wow ha. Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to? Bakit parang hindi man lang mga nagbago? Tss.

Masayang masaya pa silang asar asarin kami ni Chad ng biglang nagreact si Christine, "AYOKO! HINDI AKO PAPAYAG!"

"Walang humihingi ng opinion mo." Sagot sa kanya ni Taisha. Hashtag, medyo basag.

"Shut up, Taisha! Fiance ko si Chad kaya ako lang ang dapat na makatabi nya!"

"Bobita lang, Christine? Fiance mo, hindi asawa! At pwede ba manahimik ka? Wag kang epal! Hindi ka naman kasi kasali sa barkadahan tapos nandito ka! Tsaka,wag tanga okay? Dare lang iyon. Para kang tanga maka-react dyan at feeling mo mag-aanuhan sila!" inis na sabi ni Taisha pero bigla itong ngumisi, "Pero pwede din naman. Para sila makasal at mawala ka na sa mga buhay namin."

Sasagot sana si Christine pero bigla syang hinawakan ni Chad at sinabing wag na sumagot. Inis man sya ay sinunod nya si Chad at sinamaan nalang ng tingin si Taisha. Pero subukan nya lang din sumagot at may kalalagyan na sya.

Syete, sana mabiyak na yung lupa at kainin ako.


*


Mga quarter to 12 na ng matapos kami. Iniligpit nalang namin yung mga kalat na sticks at bote, pati na din yung mga ibang ginamit namin. Pansamantala muna naming iniwan yung mga hugasin dahil sa pagod na din kaming lahat.

Pasimple na nga kong humiga sa kama ko ng bigla akong hilahin ng mga babaita papunta sa kwartong tutulugan naming ni Chad. At pagdating naman namin doon, nandun na si Chad. Itinulak nila ako papasok sa loob na dahilan para masubsob ako sa sahig at saka nila ni-lock yung pinto.

OO. MAY LOCK SA LABAS NG KWARTO KAYA DI AKO MAKAKATAKAS MAMAYANG GABI.

Unti unti akong tumayo at pinagpag ang sarili ko. At ng nakatayo naman ako dun, hindi ko malaman kung hahakbang ba ko at pupunta sa kama o dito nalang ako sa sahig matutulog.

"Tss. Umayos ka nga. Hindi naman kila lalapain o ano e." biglang sabi ni Chad kaya napatingin ako sa kanya. At dahil mabagal mag-process yung utak ko, nagulat nalang ako dahil bigla nya kong hinila papunta sa kama.

Medyo nagkamali ako ng bagsak kaya nahigit ko sya at nasama sya sakin. Kaya ang pwesto namin ngayon e, nakapatong sya sakin.


A W K W A R D.


Imbis na tumayo ay inismiran nya ko, "Kung makapag-react ka kanina kala mo hindi pa tayo nakakatulog ng magkatabi dati e no?"

Ramdam kong nag-init ang mukha ko sa sinabe nya kaya naman itinulak ko sya paalis sakin, "Whatever." I said to him as I rolled my eyes at inayos ko ang sarili ko. Mukha kasing wala pa syuang balak tumayo e. Pero pwede din naman. Hahaha!

He heaved out a sigh, "Wag kang mag-alala, di naman kita gagalawin at wala din akong balak. Alam mong malaki pa din ang respeto ko sayo." Then he paused at inayos nya na din ang sarili nya.

"Dyan ka nalang sa right at ako dito sa left. Okay na ba yun?" tanong nya at napatango nalang ako.

Namiss ko sya. Sobrang namiss ko sya.

Namimiss kong kausapin sya, namimiss ko yung mga panahon na nagka-cuddle kami bago matulog. Namimiss ko yung panahon na ako pa ang mahal nya. Pero syempre, hanggang dito lang ako.

Pumwesto nalang ako ng higa dun sa side ko para makatulog na. Naramdaman ko namang ganun din ang ginawa nya. We stayed silent, walang nangunang mag-converse samin. At kahit gusto ko syang kamustahin, wala ako sa posisyon.

Maya maya lang nariinig ko na ang paghinga nya, tulog na ito. At dun ko biglang sinabe ang mga gusto kong sabihin, hindi nya naman na kasi maririnig.

"Sana.. sana masaya ka na. Yun lang Chad, yun lang. Yun lang at magiging masaya na ko. At promise, ako na mismo lalayo sayo."

Tahimik akong umiyak pagkatapos kong sabihin iyon. Yun lang magagawa ko e. Kahit na gustong gusto ko syang yakapin. Kahit na gustong gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko pa din sya. Kahit na gustong gusto kong sabihin na bumalik na sya sakin, hindi ko gagawin. Wala akong gagawin o kahit anong sasabihin.

Tama lang 'to. Tama lang 'to sakin.

Unti unti akong tumayo sa kinahihigaan ko at naglakad papunta sa pwesto nya. Ibinaba ko ang sarili ko kapantay sa mukha nya pagtapos ay,

Lord, please. Please hayaan nyo muna akong magkasala. Kahit eto nalang po, pakiconsider nalang po. Promise hindi na ako uulit. Ngayon lang po talaga.

Hinalikan ko sya.


Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon