We just got home from that shopping district and a grocery store. Buti nalang hindi kami nakilala ng mga tao doon. Yun pala yun, kaya ayaw nyang sa mall kami magpunta ay dahil makikilala kaming dalawa. Baka- ma-trace sya sa ganung paraan kaya naman kahit risky sa part ko, doon kami sa lugar na iyon pumunta.
Pero sa totoo lang nag-enjoy at masaya pa din ako kahit na pinabitbit nya ko ng sandamakmak na plastik ng mga gamit na binili nya tas lahat pa ng pagkain na binili namin ako din may dala. Kahit na ganun, masaya pa din ako. Totoo.
Siguro kung ako lang ang dating Chad, malamang nagrereklamo na ko. O kaya naman iniwan ko na sya sa daan palang. Pero hindi e, natutuwa pa ko. Taena. Palibhasa kasi sabihin nya lang yung word na asawa nya na ko e, halos magtatatalon na ang puso ko.
Bakit ganun? Bakit hanggang ngayon sobrang lakas pa din ng epekto nya sakin. Bakit?
"Hey, how long are you going to stay there? I'm hungry. Magluto ka na." biglang sita nya. Dun ko lang napansin na nasa labas pa pala ko ng unit ko habang dala dala yung mga plastik. Kaya ayun, pumasok na ko.
Maya maya lang nag-ayos na ko ng mga ingredients para sa dinner namin. Habang sya tinatanggal yung ilang tags ng pinamili nya at itinutupi ito. Mag-asawa na nga kami.
Ang bilis lang talaga ng pangyayari at hindi ko alam kung paano ko sasabay. Hiwalay na kami, matagal na. Nagkita lang kami ulit last time dahil sa kasal ng kaibigan naming. Hindi nya ko kilala. Nakapag-move on na ko sa kanya tapos bumalik kami sa dating kami at ngayon, kasal na kami. Hanggang ngayon para kong nananaginip.
"Alam mo, kanina ka pa ganyan. Bigla ka nalang mapapahinto sa ginagawa mo tas tititig sa kawalan. May sakit ka ba?" sita neto ulit sakin. Oo nga no? Basta maisip ko yung sitwasyon namin napapahinto ako.
"A-ah. Wala. Huwag ka mag-alala." sagot ko.
"Look, I'm just a concerned citizen at hindi ibig sabihin nun nag-aalala na talaga ko para sayo. Ayoko lang magkaroon ng asawang may sakit kasi baka mahawa ako. Got that?" sabi nya tsaka umalis. Taena. Kala ko pa naman nag-aalala na. Napailing nalang ako at itinuloy ko nalang ang ginagawa ko.
Nang matapos ako, ako na din naghain para samin. Hindi pa din kasi ito tapos sa ginagawa nya. Sabi ko nga, madami as in, madami talaga syang pinamili.
Isa sa ayaw ko sa mga dini-date ko noon ay pag inaaya nila akong mag-shopping. Madalas na iniiwan ko na sila kapag ako ang pinapadala nila ng mga pinamili nila. Bwisit e, bibili bili ng marami tapos hindi kayang dalhin. Tapos isasama ako para tagabuhat? Di na uy. Bahala sila.
Pero nung sa kanya, puta ngumiti lang ako at tinanggap ko lang lahat ng pinabuhat nya. Tindi talaga ng epekto nya sakin.
"Babe, let's eat." tawag ko at sumunod naman ito.
"Tell me, paano natin mababalik yung memory ko?" tanong nya tsaka sya umupo.
"I don't know. Iniisip ko pa din kung pano e." sagot ko naman habang naglalagay na kanin sa plato nya.
"Maybe, we should start kung saan tayo unang nagkita. And the rest follows. What'cha think?" suggest nya.
BINABASA MO ANG
Brat Girl Meets Bad Boy
Fiction généraleA'ishah is not your typical spoiled-brat princess. She's mean, she fights a lot, she says whatever she wants but deep inside she's just fragile, she don't want anyone hurting her or any of her loved ones and yes, she do have a heart. Chad is not the...