Ocho.

66 1 0
                                    

*

Hindi ko nais gawin ito.. Pero may kung anong pilit na nagtutulak sa aking isipan para gawin ang bagay na ito.. Maharil sa kadahilan na gusto kong mas makilala ang dalagang nasa aking harapan.. Aniya ni Waytte sa kanyang isipan habang maamong nitong pinagmamasdan si Priscilla na mahimbing na nagpapahinga.

Dahan dahan nitong inilapat ang kanang palad sa ulo ng dalaga at kasabay noon ang dahan dahan rin pagpikit ng mga talukap ng mga mata ni Waytte.

At sa pagpikit ni Waytte, Unting unti lumabas ang mga puting ulap kasabay nito ang..

"Bakit kaya walang gusto makipaglaro sakin?" Malungkot na sambit ng isang batang nakaupo sa isang sulok.

Tanaw tanaw nito ang mga ibang pang bata na masayang nagtatakbuhan sa playground. Ang mga ngiti ng mga ilang bata ang lubos na nagpapakirot sa damdamin ng batang nakaupo sa isang sulok. 

Pero pinilit ng batang may lungkot sa labi na tumayo at lumapit sa mga batang naglalaro. 

"Uhmm..Hello bata? Pwede bang makisali sa laro niyo?" Ang lungkot na sa labi ng bata ay unti unting napalitan ng walang kasiguraduhang mga ngiti.

Pero agad na tumakbo ang batang kanina lamang ay kausap ng batang nagtanung. Muli, Ay lumingon ito at matalim na bumaling ang tingin sa batang isa "Ayaw ko sayo! Lumayo ka samin!"

Ang mga ngiting walang kasiguraduhan na nasa labi ng bata ay tuluyan nang nawala..

"Bakit... Bakit.. Ano ba ang ginawa ko.." Malungkot na tanong nito sa kanyang sarili habang naglalakad na ito palayo sa mga batang masayang naglaro muli.

"Ma, Mayroon po akong nakuhang medal!" Tuwang tuwang sambit ng dalaga na nag-uumapaw ang mga ngiti sa labi. Tuwang tuwa nitong iniwawagayway ang medalyang hawak habang ang mga tingin nito'y nasa kanyang ina.

Humigit ilang segundo pa ang hinintay ng dalaga para sa inaasam na pagsabat ng kanyang ina pero naramdaman ng dalaga ang patuloy na pananahimik ng ina habang ginagawa nito ang mga ilang papels.. nabigo ang dalaga, Umatras nalang ito hanggang sa napangiti nalang ito ng matapait.

Imbes na malungkot ito ay sa halip ay bumaling ang tingin nito sa kanyang ama na dahan dahan humahakbang pababa ng hagdan.

Agad nabuhayan ng loob ang dalaga.. Humakbang ito papalapit sa kanyang ama habang hawak hawak padin ang melday at muling ngumiti, "Pa, may medal po ako sa academics. Para sa inyo po ito ni mama."

Hindi naman nabigo ang dalaga sa atensiyon ng kanyang ama ngunit kinuha lang ng ama nito ang hawak na medalya na kanyang sinilip at "Sige, Anak. Mamaya nalang ulit, Mauna na kami ng mama mo." Kasabay nito ay ibinalik ng ama ang medalya sa mga kamay ng dalaga. 

Magkasamang lumabas ng pintuan ang kanyang mga magulang habang siya naman ay naiwang nakatayo sa tapat ng pintuhan, Dala dala ang medalya na puno ng pagsisikap kaya natamo niya ito.

Pakiramdam ng dalaga ay bigong bigo siya sa halos isang dekadang pananatili nito sa mundo kaya naman nang sumapit ang ikalabing lima nitong edad ay agad itong gumawa ng desisyon.. Ang pamumuhay ng mag-isa ay mas pinili nito.

Nang magpaalam ang dalaga sa kanyang mga magulang na magbukod, Agaran itong pumayag at walang pag-aalinlangan ang pagkusa nito. Sa tulong pa din ng kanyang ama ay nakuha ito ng maliit na condo unit.

Dahil sa agarang pagpayag ng mga magulang niya, ay mas lalo lamang nitong napatunayan sa kanyang sarili na walang nagmamahay sa kanya.. Kundi ang tanging mahalin sarili lamang niya..

At hindi nagtagal, Namuhay ng maayos ang dalaga na kahit mag-isa lang ito ay nakukuha niyang ngumiti. Natutunan niyang makisama sa kanyang sarili, na kahit walang nakapalibot sa kanyang mga tao, ay nakukuha niya paring ngumiti.

"Hindi nila ako mahal.." Ang huling sumambit sa isipan ni Waytte.

Napahugot ng malalim na hininga ang binata at kasabay nito ang pagbuklat ng mga mata nito'y may mga kakaibang tingin..

Matapos ang pagtuklas ni Waytte sa nakalipas ni Priscilla ay agad niyang tinanggal ang kanang kamay nito sa noo ng dalaga. 

"Hindi ko sinasadya.. Priscilla.." Aniya nito sa kanyang isipan.

Malungkot na pinagmasdan ni Waytte ang dalagang mahimbing pading natutulog. Hindi nito lubos akalain na sa angking ganda ng dalaga ay may hinanakit pala itong itinatago.

Awa ang naramdam ni Waytte para kay Priscilla. Ang buong akala ng binata ay walang sakit na itinatago ang mga ngiting nasa mga labi ni Priscilla sa tuwing nakikita niya ito.

Napabuga nalang ulit ng malalim na hininga ang binata sa kanyang mga natuklasan sa nakaraan ni Priscilla. Tumayo ito at lumakad papunta sa terrace. Tanaw na tanaw niya ang bilog na buwan kung saan may ilang ilan mga ulap ang nakapalibot.

Sa paglipas ng araw na mga ipinalagi niya sa mortal na mundo ay mas lalo niyang napatunayan na totoo ngang magkaiba ang uri ng pamamumuhay ng mga imortal at mga mortal. Ang mga mortal na mabilis masaktan sa kahit anong uri, Sa pisikal man o ma' pa-emosyon. Samantalang ang mga imortal ay hindi basta basta nasasaktan sa kahit anong paraan.

Kapangyarihan ang aming lakas.. Samantalang ang mga ngiti naman ang nakikita kong nagpapalakas sa isang tulad nila.. ng mga mortal.. Aniya sa kanyang malalim na pag-iisip.

Maya maya pa't nakadinig ng mahinang kaluskos ang binata at napakunot ang noo nito habang malalim pa din ang pagtingin nito sa kalangitan.

Sa paghampas ng malamig na hangin sa kanyang mga braso ay napangiti ang binata na para bang walang pangamba ito, Ang pangungunot ng noo nito'y nawala na din. 

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Aniya nang boses na bumulong sa kanyang mga tainga.

Lalong napangisi si Waytte sa kanyang nadinig sa kanyang isipan. "Nakangisi." Aniya at kasabay noon ang pag-alis niya sa terrace.

A/N:

Short chapter lang po muna. Hihi. ^^ Abangan niyo po sana  ang next chapter.

For typo errors, I'll edit them kapag natapos ko po ang story. :)

Vote?

Comments for suggestions?

Fan?

Are always welcome. Thank you! :)

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon