Veinte Dos.

29 0 0
                                    

Isa isa nang nakapila ng isang tuwid na linya ang bawat isa at handang handa na sa kanilang pag-alis sa iilang saglit na lamang. Ayon sa kanilang napag-usapan ng mga propesor, nagbago ang kanilang unang plano, imbes na activity ito ay naging isang challenge na.

Tatagal ang nasabing challenge ng dalawang araw, kailangan nilang makita ang limang bagay na una nang naitago ng mga propesor sa bawat sulok ng gubat. Hindi naman masyadong nakakalito ang gubat dahil nadin sa mga signboards nito. Iisang grupo lamang ang maaring manalo sa nasabing challenge na ito.

Naikalas nadin ng mga ibang estudyante ang tents, Kailangan nilang dalhin ang iba rito dahil iyon ang gagamitin nila sa pagtulog sa gabi. Bawat isa sa kanila'y may buhat buhat na camping bag kaya naman ang karamihan sa kanila'y sising-sisi sa pagsali pa dito.

“Psssh, nakuha pa talagang magsoundtrip.” Ani ni Anna habang pinagmamasdan si Sandra habang bahagya itong napapaindak dahil sa kanyang mp3 player.

Isa-isa namang ipinatawag ng lalaking propesor ang bawat leader ng grupo. Si Anna naman ay masyadong alisto kaya naman kahit hindi pa nakakarating ang leader ng group 1 ay agad na siyang pumuwesto sa unahan.

Nakangiti ang lalaking propesor habang bitbit ang iilang bagay na labis na ikinatataka ng mga leader.

“I'll give each one of you these.” Inilahad niya ito sa mga leader. “Just push that button kung sumusuko na kayo. We'll rescue.”

“Aye, Prof!” Ani ni Anna na sumasaludo pa, sa ipinapakita nitong lakas ng loob ay mukhang ipinapalabas na niyang sila ang mananalo.

“Alright. Have a safe trip!” Nakangising sambit ng lalaking propesor habang bahagya nitong inaayos ang kanyang salamin.

Sabay sabay nang naglakad ang lahat, pero pagkadating sa entrance ng gubat, isa isa na silang nagsipag ibahan ng mga direksyon. Ang group 1 at 2 ay bahagyang napunta sa kanluran, samantalang ang group 3 ay nagdedesisyon pa din kung san nga ba sila mauunang pupunta. Ang group 4 ay pumatimog. At ang huling grupo naman'y puma-silangan.

Luminga-linga si Dalton sa paligid. Batid nito ang papadilim na langit kaya napabuntong-hininga siya habang bahagya namang napatingin si Sandra na sa kanyang gilid. 

“Are you okay?” Mahinahong sambit nito. “You look frustrated.”

Mabilis na umiling si Dalton at ibinalandra niya ang kanyang ngiti. “Ayos lang ako.”

Si Anna ang nauunang maglakad dahil siya na din ang may hawak ng mapa bilang isa itong leader. Sila Dalton at Sandra naman ang sumunod rito, Si Adam at Brando ay magkalinya ding naglalakad. Si Priscilla naman ay nasa likuran habang napapatingin sa paligid habang bahagya itong napapahawak sa strap ng kanyang bag.

Ilang minuto pa ang dumaan at sumilip na sa kanila ang batis na dati na nilang napunta. Unti-unting nabuhay ang kaba sa dibdib ni Brando dahilan para mas mabilis na itong maglakad. 

“Pfft. He's really scared now. Now-” Ani ni Sandra na agad napahinto dahil sa mabilis na baling ni Anna rito.

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon