Quince.

81 1 0
                                    

*

 

Mabibigat na paghiga ang tanging bumubuga sa bibig ng binatang si Lindoln kasabay nagpaghakbang nito pababa sa hagdan. Hindi niya lubos na kagustuhan ang pag-alis niya sa mga panahon na ito ngunit nang matuklasan nito ang pagtatangka ng dati nitong kasintahan sa buhay ni Priscilla ay wala na itong magawa kundi ang lumisan.

 

Bago ang lahat, naisipan munang tumungo nito sa Unibersidad para masulayap ang dalaga, Nagbabasakali ang binata sa kanilang pagtatagpo kahit papano.

 

At nang makasakay na ang binata sa kanyang sasakyan, Mabilis nitong pinaandar ang kotse. Hindi nagtagal ay narating din nito agad ang Unibersidad na puno ng estudyante sa mga oras na ito. 

 

Hanggang sa pagbaba nito ng kotse ay mabibigat pa din ang paghingang ibinubuga nito. Sinimulang pumasok ng binata sa canteen para tignan kung naroon ang kanyang ibang kaibigan. 

 

Lumipas ang ilang minuto ay nakapagpaalam na din ito sa iba niyang mga kaibigan.

 

"Mamimiss talaga kita, Lindoln! Bakit ba aalis ka? Ayaw mo ba matuloy.." Aniya ni Anna at umiwas ng tingin ito sa mga mata ng binata. "...Yung pagtitinginan natin?"

 

Bahagya namang napatawa si Lindoln at ang mga mata nito'y malikot pa din dahil sa hindi niya pa din nakikita si Priscilla. "Kailagan kung umalis talaga.. Kung hindi lang dahil 'dun, Hindi ko ipapaubaya sa kawalan ang lahat.." Sagot ni Lindoln.

 

Napakunot naman ang noo ni Anna sa binitawang salita ni Lindoln. "Hmmmp.. Ang lalim naman. Di ko mareach! Basta balik ka, Papa Lindoln ah? Continue natin ang lahat ng ito." Hinawakan pa ni Anna ang kamay ng binata.

 

Napatango-tango nalang si Lindoln at napapangisi sa mga kalokohang sinasabi ni Anna.

 

"Oo nga pala, Kung hahanapin mo si Jans, Eh.. Wag mo na isturbuhin 'yun. Busying busy eh!" Aniya ni Anna na humahagikgik pa.

 

Bahagya naman napatigil si Lindoln sa pagtingin kung saan saan at tinignan nito nang maayos si Anna, "Ha? Busy saan?"

 

"Sikretong malupit! Sigurado ako basta pagbalik mo dito, May lovebirds na!" Tuwang tuwang pumapalakpak pa si Anna habang ang pisngi nitong banat na banat sa kakatawa.

 

Lubos na napaisip si Lindoln sa sinabi ni Anna hanggang sa nagpaalam na itong umalis. Kunot noo padin itong naglakakad sa kanyang naiisip. 

 

Pero lahat ng pangungunot nang noo at pagiisip niya'y nawala ng mahagip ng kanyang paningin si Priscilla na naglalakad patungo sa kabilang building, Sinundan ito ni Lindoln na may mga ngiti sa kanyang labi.

 

"Jans.." Aniya at napaawang ang bibig sa kanyang nakita.

 

Nakaramdam ng kurot sa kanyang damdamin ang binata ng makita nitong magkausap sila Dalton at Priscilla habang nagtatawanan. Napakuyom ang kanyang kamao ngunit wala din itong nagawa kundi ang muling sulyapan sa huling pagkakataon ang masayang mukha ni Priscilla.

 

At sa pagtalikod ng binata'y may mga ngiting mapait ang gumuhit sa kanyang labi, baon baon ang nakita nitong pangyayari.

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon