Diecisiete.

36 0 0
                                    

Isang madilim na tanawin ang sinisilayan ng isang lalaki, Nakatayo ito nang tindig at bahagyang nakahalukipkip ang makikisig nitong mga braso. Mabibigat mga kulay gintong nitong mata habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng kanyang palasyo.

Hindi naglayun, Nang mabagot na ang lalaki ay mabilis itong naglakad patungo sa isang malaking salamin na babalot ng item na tela. Ang paligid nito'y napapalibutan ng mga puting usok na siyang nagbibigay sigla sa dekorasyon dito. Tanging ang ilaw galing sa candelabra ang nagsisilbing liwanag sa loob ng silid na yun.

Dahan dahan namang iniaalis nang makisig na lalaki ang itim na tela hanggang sa malaglag na ito sa sahig nang mga usok, Ang mabibigat na tingin nito'y napalitan naman ng pagkamuhi.

Bahagyang nag-igting ang panga nito at sa hindi inaasahan, isang kurba ang naporma sa kanyang mapupulang labi. Napangiti nang makahulugan ito habang pinapanuod ang mga replekasyong nabubuo sa harapan niya gamit ang isang malaking salamin.

“Magaling.“ Ani nito gamit ang isang malamig at baritong boses. “Napakalapastangan.“ 

Pinagmamasdan niya mula sa isang malaking salamin ang replekasyon ni Dalton Waytte Gundisalvus. Matapos lumipas ang ilang buwan nang paglisan nito, hindi maipagkakaila nang Mahal na Duke ang pagkadismaya. Ni minsan, Hindi nito naisip o sumagi manlang sa kanyang kaisipan ang binalak ng Prinsipe.

Tahimik na linisan nang Mahal na Dukeng Edwardson ang loob ng silid na 'yun, Napagpasyahan niyang bisitahin ang nakababatang nitong anak na si Prinsesa Amaryliss Leigh.

Mabilis na nakarating agad ito sa silid nang Prinsesa, Gamit gamit ang kapangyaring hangin. Pagkabukas na pagkabukas nito'y tumambad sa kanyang harapan ang tulalang Prinsesa habang nakaupo ito sa harapan ng salamin.

Dahil na din sa kadahilanang hindi makausap ang Prinsesa ay nagpasya nalang itong muling isara ang pintuhan ng silid. 

Tumungo ang Mahal na Dukeng Edwardson sa lugar kung san nandun ang isang mahabang lamesa at kumikintab na mga palamuti sa taas. Pumuwesto agad ang Mahal na Duke sa pinakaunahan ng lamesang iyon.

Pinagdaop ang kanyang palad habang matalim na pinagmamasdan ang isang bote. 

Muling napaigting ang panga nito sa kanyang naisipan. Muling naglaro ang mga ngising kakaiba sa kanyang labi. 

“Panahon na para bumalik sa dating kaanyuhan mo, Prinsepeng Dalton.“ Ani nito at mabilis na nagsalin nang alak sa kanyang manipis at babasaging baso.

“Hindi ka pa nadala sa nangyari sa Prinsesa. Makikita mo ang hinahanap ng isipan mo. Bardus.“ At mabilis na tumayo ang Mahal na Duke na para bang sumabay sa agos ng malakas na hangin.

--

Malapermisong kulay nang langit, sariwang hangin at nagliliparang dahon ang sumalubong sa pagdating ng mga estudyante sa kanilang destinasyon. 

Ang iba sa kanila'y matamlay na dahil sa haba ng oras ng byahe habang ang iba naman ay tuwang tuwa pa habang masiglang bumababa ng bus. Kanya kanyang agad labasan ng kanilang kamera ang ibang estudyante, kumpol kumpulan ang iba at hindi magkaundagaga sa pagkuha nang litraro dahil sa kagandahan ng tanawin.

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon