Trece.

28 1 0
                                    

*

- Priscilla's Point of View. -

Nakakapanibago talaga. Dati si Anna buntot ng buntot sa akin kapag lunch time eh samantalang ngayon hindi na. Mag-isa tuloy akong kumakain ng lunch samantalang yung baliw kong kaibigan nandun sa table kasama ni Waytte.

Hindi kaya type na niya 'yun? Grabe lang talaga yung babaeng yun. Nung una si Lindoln yung kinukulit tapos ngayong wala na si Lindoln, Si Waytte naman yung ginugulo niya. Hirap espelingen ng babaeng yun. Isang linggo nang ganun yun eh. Nakakabaliw talaga ang topak ng kaibigan kong 'yun. 

Napairap nalang tuloy ako sa kawalan. Imbes na ubusin ko yung lunch ko, parang ayoko nalang yata kumain. Tutal, wala naman na akong subj for today dahil tapos na.. Makauwi na nga lang. 

Tumayo na ako at iniwan yung pagkaing hindi ko naubos. Dumiretso agad ako sa locker room para ibalik yung librong hindi ko iuuwi. 

Habang naglalakad ako tahimik na lumilibot ang paningin ko. Wala lang, trip lang siguro mag-observe ng sight ko? Ikaw ba naman ma-stop sa loob ng condo for 3days syempre maninibago ka kahit papano sa tanawin. Hindi naman porke't loner ako eh hindi ko na mamimiss ang mga ganito hehe..

Pagkadating ko sa tapat ng locker ko, Binilang ko muna ang librong iiwan ko tapos kinuha ko sa bulsa yung susi.

Pagkabukas na pagkabukas ko nagulat ako sa nakita ko. Ano 'to? O___O

Dinampot ko agad yung nakita ko tapos talagang chineck ko kung para sakin nga ba 'to.

From: W.

To: Priscilla Jans

Yan ang nakita kong nakalagay sa card, Pulang mga rosas ang nakalagay sa locker ko. Pero sino naman naglagay nun? At teka, Talagang initial lang yung nakalay sa nagbigay nito? 

Napailing nalang ako. Pero teka, Pano naman nakapasok sa loob ng locker ko 'tong flowers eh nakalocked 'to eh!? O__O

Hindi kaya may mga modus na dito sa loob ng University!? Nakooo! Nagmadali akong hinalungkat ang iba pang laman ng locker ko. Baka nanawala yung pera kong itinago dito noh.

Laking pasalamat ko naman na nandun pa yun pera. Hays, Wala talaga akong idea sa mga bulaklak na ito. Sino ba naman kasi magttyaga na magbigay ng mga ganito sakin? Wala

Ipinagkibit-balikat ko nalang yun at instead na itapon yung flowers eh iuuwi ko na. Ipapalamutak ko nalang sa snow white(dog) ko yun. Haha! Pero joke lang. Syempre hindi ko naman gagawin yun, Iuuwi ko lang yun pero hindi ko din alam kung ano gagawin ko. 

Pagkalabas ko nang University, Tumawag ako agad ng isa sa mga nakapadarang mga taxi. Pero naghintay ako ng ilang minuto wala manlang lumapit!? Seriously ayaw nila pumara sakin? Eh dati naman isang kaway ko lang go na sila tapos ngayon napansin lang siguro nila na kay hawak akong boquet eh ayaw na? Pambira yun ha!

Dahil sa asar ko, Lumipat nalang ako ng pwesto. Magsama kayong mga ewan! Padabog akong lumalakad para maghanap ng taxi. Kaasar talagaaaaa! Ayoko pa naman din sa lahat yung naghihintay sa wala. Hays, Umiiral nanaman ang pagiging mainipin ko. -__-

*Beep* *Beep*

"Ay kalabaw!" Halos mapatalon ako sa bumusina. Adik yun ah! Nasa gilid na nga ako't lahat lahat, Ano trip nun?

Nilingon ko yung bumusina sakin. Laking gulat ko nang makita ko sa sasakyan si Waytte. Ano ginagawa niya dito? Diba kanina lang nasa canteen sila ni Anna?

Nakangiti siyang nakatingin sakin habang bumababa ng sasakayan, Parang nailang tuloy ako. Pero kailangan kong umayos. 

Ngumiti ako.. Yung ngiting pilit. "Oh Waytte?"

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon