Veinte Tres.

35 0 0
                                    

“Ang lahat ay magbigay pugay! Dumating na ang Mahal na Prinsipeng pangunahing panauhin ng patimpalak na ito!” Sigaw ng isang matandang lalaki habang kapansin-pansin ang matingkad itong pula at itim na kasuotan.

Masugid namang sumunod ang lahat. Sa loob ng isang napakalaking bilog na entablado nagtitipon tipon ang mga iba't-ibang klaseng uri ng mga imortal. Naroon ang mga babang uri at higit sa lahat ay ang Pamilyang nakakataas sa lahat. Walang iba ang Pamilyang Gundisalvus.

Habang nakatayo ang mga ito, Sumulpot ang isang makisig na binata. Suot suot ang puting mahabang manggas habang nakapatong rito ang magarbong itim na dyaket nito. 

Nang huminto ang binta sa kanyang paglalakad, Isang ngisi agad ang kanyang ibinalandra sa mga ito habang ang mga kamay niyang nasa likuran niya nakalagay. Kapansin-pansin ang itsura nito na hindi nalalayo sa kanyang nakakatandang kapatid na si Dalton Waytte Gundisalvus. 

Mistulang purong tsokolate ang kulay ng buhok nito, mapupungay ang mata na malaman din kung tumingin, matatangos na ilong, at mapulang labi. Hindi din maipagkakaila ang kakisigan nito lalo na't sa taas nito'y lahat ay napapaibig kahit ang mga babang uring imortal.

Dumalo ang Prinsipeng Janus para mapanuod ng taonang palimpalak. Walang iba kundi ang paglalaban ng mga mahuhusay sa larangan ng digmaan.

“Ako ay lubos na nagagalak sa paanyaya niyo sa akin.” Malugod na ngumiti ang binata. 

Kilala ito sa pagiging pilyo, sa kanilang Pamilyang Gundisalvus, siya ang itinuturing maluwag sa lahat. Mabait at kakaiba ang ugali nito kumpara sa inaakala ng nakakarami.

“Maraming salamat sa inyong pagdalo, Mahal na Prinsipeng Janus.” Ani ng matanda, “Maari na kayong maupo, Sa iilang saglit lamang ay magsisimula na ang patimpalak.”

Marahang tumango ang Prinsipeng Janus, Kahit bagot ang pakiramdam nito ngayong araw ay hindi na niya ito ininda para lamang masulyapan ang iniutos ng kanyang Amang si Dukeng Edwardson.

Kung alam ko lang na ito ang magiging kapalit ng paglisan ni Prinsepeng Dalton, sana'y noon pa lamang ay pinigilan ko na ang isang hangal na iyon. Ani nito sa kanyang isipan habang kunwaring nanunuod ito ng maayos.

Naging laman na ng patimpalak na yun ang pagiging marahas. Duguan at naiwang nakalumpasay sa sahig ang talunan mula sa bakbakan na labis na hindi nagugustuhan ng Prinsepeng Janus, ngunit dahil na din sa utos ito ng kanyang ama ay hindi niya maaring suwain ito.

Tumagal ng humigit isang oras ang labanan nang sa wakas ay tuluyan ng sumuko ang isa. Madaming naghiyawan sa tuwa dahil na din sa pagkakapanalo ng isa ngunit madami din ang napapailing dahil sa kawawang kalaban nito na duguan.

“Mahusay ang iyong pinakita. Asahan mong makakarating ito sa Mahal na Duke.” Tuwid at buo ang pagkakabigkas ng binatang Prinsepe habang maamo itong nakabaling sa lalaking nanalo.

Nagpasya nang bumalik sa loob ng kaharian si Prince Janus upang bisitahin ang kanyang kapatid na si Prinsesang Amaryliss. Malapit ang dalawa simula pa noon. Silang dalawa ang magkasundo. At kahit alam ni Prince Janus ang nangyari dati sa punot-dulo nito na nagdulot ng sakit sa kanyang kapatid na babae ay hindi pa din niya nagawang pigilan si Prinsepeng Dalton sa maaring kahinatnan nito sa kanyang ginawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon