Dieciocho.

32 1 7
                                    

Kinaumagahan, Masiglang bumabati ang sikat nang araw sa bawat bagay sa loob ng gubat, maging ang ingay ng mga ibon ay nakisama din.

“Get ready, We'll start our activity in 15mins!“ Masiglang mga ngiti ang binalandra ni Prof. Dimaano sa harap ng kanyang mga estudyante.

Napairap si Anna na kagigising lamang, “Sobrang aga naman. Alas-sais lang eh.“ Maktol niya sa katabing si Priscilla.

Nakapikit si Priscilla habang dinadama ang malamig na simoy nang hangin, Napakasariwa dahil galing mismo ito sa malinis na kapaligiran sa gubat. Hindi niya iniintindi ang mga maktol ni Anna dahil masyado na itong nahahalina sa kapaligiran.

“Good morning, Dalton!“ Ani ni Anna na mukhang masigla na ang tono ng boses nang makita niya si Dalton na nakatayo sa tapat ng tent nito.

Suot suot nang binata ang simpleng puting tshirt at pantalon. Hindi maipagkakaila na kahit sa ganung kasuotan niya ay mapapansin pa din ang kakisigan ng binata.

Napadilat si Priscilla sa malakas na bati ni Anna kay Dalton, Napatingin din ang dalaga dun kaya naman ngumiti agad ito sa binata.

Ngumiti din pabalik si Dalton pero hindi ito lumapit sa kanila. Bumalik si Anna muli sa loob ng tent para maghanda na habang si Priscilla naman ay nakatayo lamang sa labas nito.

Habang nakatayo si Priscilla ay mistulang niyang pinaglalaruan ang kanyang mga kamay, animo'y pumapalakpak ito habang sumasabay sa agos ng malamig na hangin.

“Alright, Let's start! Labas na kayong lahat.“ Ani naman ng isang Propresor.

Nagtungo ang lahat sa gitna nang gubat, Dun napag-usapan ng mga propesor na unang magsawa ng activity. Ang kauna unang activity na nakaatas sa kanila ay ang paghahanap ng mga maaring maging survival kits. 

“This can't be. Survival kits? Serioulsy? May ganun ba sa forest?“ Reklamo ng isang babae habang tinatapik ang kanyang hita dahil sa mga damo.

Napairap si Anna at tumingin kay Priscilla na mistulang ginagawa nito ang arte ng isang babae kaya naman napatawa si Priscilla sa biro ng kanyang kaibigan.

“Umaayos ka nga, makita ka nun baka ikaw pa pagbuntungan nun eh.“ Saway naman niya.

“Eh ang arte arte kasi. Nako, Kung nakita mo lang yan kung pano maging linta kay Dalton kagabi. Grrrrrr.“ Ani ni Anna na umaakto pang nanggigigil.

Napanguso nalang si Priscilla sa mga pinagsasabi ni Anna. Nang matapos gumawa nang mga lista ng mga bawat groups ang mga propesor, isa isa na silang tinawag para magtungo sa kani-kanilang grupo.

“Group 1!“

“Sana magkakagroup tayo!“ Sambit ni Anna kay Priscilla habang abala ang isang propesor sa pag-asikaso nang pagbanggit ng mga pangalan.

“Jimenez, Garcia, Jones, Tan, Lee, Pascual,“ Isa isa nang nagsilapitan ang mga natawag na pangalan sa tabi ng propesor. “At ang huling para sa group 1 ay si, Lagman!“

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon