Seis.

77 3 0
                                    

*

- Dalton's Point Of View -

Hindi ako mapakali sa pagkuyom ng aking kamao! Halos lumabas na ang tunay kong kataohan kanina! Wala pading pinagbago si Lindoln, Isa parin tunay na hangal! 

Pero dapat siguro mas maging gising pa ang aking diwa para maiwasan iyon. Nakakasiguro akong nakakasama 'yon sa pananatili ko dito sa mundong mortal kapag lagi akong nagkakaganun.

Tahimik kong binabadya ang daanan papasok ng building kung san ako tumutuloy. Naalala ko naman agad si Priscilla..

Bakit ba sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang hitsura niya para akong nawawala sa katinuhan? 

"Butler Maxx." Aniya ko nang mabilis akong nakapasok sa loob ng aking unit.

Agaran namang lumiwanag ang harapan ng salamin na nababalot ng itim na tela rito sa aking salas. Hudyat na nandyun na si Butler Maxx para makipag-usap sa akin.

Lumapit ako rito at dahan dahan kong tinanggal ang itim na tela. "May mga ilang katanungan lamang akong gustong magkaroon ng sapat na sagot."

Litaw na litaw ang hitsura ni Butler Maxx, Sa mga oras na ito pakiramdam ko nasa malayo na nga talaga ako sa mundo naming imortal.

Gumuhit ang ngiti sa bibig nito. "Ano ho ang mga katanungan nyo, Master Dalton?"

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin mula sa salamin. "B-Bakit.." Napailing-iling pa ako. Marahil ay hindi pa ako handa para maitanong ito?

"Wa'g kang mag-atubili saking magtanong, Master." Aniya ni Butler Maxx.

Napapikit ako. "Bakit noong nahawakan ko ang pisngi ng dalaga nawalan ito ng malay?" Napatingin ako sa harapan muli ng salamin. "Noong niyakap ko din siya, Bakit nawalan ako ng malay?"

Napakunot ang noo niya, Marahil ay nagtataka siya kung bakit ko ginawa ang mga yun, Ayun din ang mga tanong na naglalaro sa aking isip. Masyadong akong naninibago sa aking mga ikinikilos.

Humigit ilang minuto pa ang bumilang bago nagsalita muli si Butler Maxx, "Mag-ingat ka sa mga ikinikilos mo, Master." Aniya niya habang hindi ito nakatingin sa sakin.

Labis ang pagtataka ko. Magdamag sumagi sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Butler Maxx, Ano ba ang nais niyang iparating sa akin? Pinag-iingat niya ba ako dahil sa aking ikinikilos? Mali ba ang mga nasimulan ko rito sa mortal na mundo?

Nagsalin ako ng wine sa baso at lumabas sa terrace para magpahangin. Bakit kaya ganito ang hitsura ng kalangitan? 

Marahang napapikit ako sa lamig ng hangin na aking naramdaman.. B-Bakit parang tila pamilyar sa akin ang mga haplos ng hangin na 'yon?

Nilagok ko ang wine, Tama ba ang aking hinala? Ang hangin na 'yon ay mula sa haplos ng aking ina..

S-Si...Reyna Shelomith Taylor Gundisalvus..

Sa mga puntong ito, Marahil nga'y alam na talaga nila kung san ako naroon, Pero wala silang magagawa para maalis ako dito. Hindi ko pa lubos alam ang aking mga sadya rito pero iisa lamang ang tiyak.

Ang kilalanin si Priscilla Jans Bianco.

End of Pov.

*

Lumipas ang ilang araw at sumapit na ang Lunes, Kung san gaganapin ang Acquitance Party ng mga estudyante.

"Girl! I'm so excited!" Aniya ni Anna na tuwang kasama ang ibang kaibigan.

Samantalang tahimik na naglalakad si Priscilla patungo sa loob ng Unibersida. Suot niya ang puting bestida na mistulang isang goddess ang kanyang hitsura. May headband rin itong may maliliit na iba't-ibang kulay ng bulaklak na nakasuot sa buhok ng dalaga habang ang dulo ng buhok nito'y medyo kulot. 

Tahimik pero halata sa hitsura ng dalaga ang kaba dahil sa unang pagkakataon nitong dumalo sa ganitong klase ng Party dahil sa anyaya ng mga kaibigan niya. Nakasanayan na kasi ng dalaga na hindi dumalo noon sa mga ganitong klase ng Party.

Umikot ang paningin niya sa loob ng University Gym nila kung san nandun dinadaos ang party. Literal na napanganga ang dalaga sa ganda ng pagkaka-setup ng mga palamuti na nakadisenyo sa bawat kanto ng paligid.

Mayroon usok sa ilalim, May mga sumasaboy na maliliit na iba't ibang kulay na bulaklak mula sa itaas. Tamang tama ang ganitong hitsura ng lugar para sa kanilang Aquitance Party na ang thema ay pagsusuot ng iba't-ibang anyo.

"Oy! Friend!"

Saglit naman napahinto sa paglalakad si Priscilla nang nadinig niya ang boses ng kaibigang si Anna.

Napangiti naman ang dalaga sa paglapit ni Anna sa kanya, "Hello.." Bati ni Priscilla.

"Friend! Ang ganda mo ngayon ah!?" Tinapik nito ang balikat ni Priscilla. "You look like a goddess in that white stunning dress!"

Bahagya naman natawa si Prisiclla. "Pffft. Whatever." 

Bumaling naman ang tingin niya sa kaibagan nakasuot din ng bestida na sobrang haba na mukhang isang fairy godmother ang ginagaya nito.

"Infairness, Bagay talaga sayo friend. Haha!" Aniya ni Priscilla habang inagaw niya ang wand ni Anna at winawagayway.

Napailing-iling nalang si Anna at hinila ang braso ni Priscilla para tumungo na sila sa mga iba pang classmate.

Habang hila-hila ni Anna sa braso ni Priscilla ay siya naman itong napatingin tingin sa paligid, Masaya ang mga taong nakaupo sa iba't-ibang pwesto, May mga nagbubulungan at mayroon ding mga nagsasayawan.

Hawak pa din ni Anna ang braso ni Priscilla habang napapikit ang mga mata ng dalaga sa kanyang naramdaman. Isang napakalamig na hangin mula sa sahig. Agad itong napahinto sa paglalakad at tinanggal niya ang kamay ni Anna sa braso niya.

"Bakit friend?" Napakunot noo nang labis si Anna. "Ayaw mo ba dun?"

Umiling si Priscilla. "Mauna ka nalang, Anna."

Nagkibit-balikat nalang ang kaibigan niya at mag-isa itong lumakad papunta sa iba pa nilang classmate. Samantalang napatulala ng lubusan si Priscilla sa kanyang nakita.

Si Lindoln na dahan dahan papalapit sa kanya. Suot ang itim na suit, May mga ngiti ito sa labi pero hindi maiikaila ang mga malungkot nitong tingin kay Priscilla.

"L-Lindoln.." Bigkas ni Priscilla. Pagkatapos ay napayuko agad ang dalaga.

"Anong nangyayari sakin?" Bulong na tanong nito sa kanyang sarili.

Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari sa kanya sa mga oras na ito, Ang biglaang pagsaboy ng hangin mula sa sahig, Ang biglang pagsulpot ni Lindoln. Lubos na nalilito ang dalaga.

Naramdaman niya na may kung anong dumapo sa kamay niyang mainit. Agad niya itong tinignan, Ang kamay ni Lindoln ay nakahawak sa kanya.

"Wa'g ka lalayo sa akin, Priscilla." Aniya ni Lindoln sa tono ng boses palang nito ay mukhang seryoso ang mga binitawang salita.

Nabaling ang mga mata ni Priscilla sa mga mata ni Lindoln. Puno ng katanungan ang mga mata ni Priscilla. 

"Hehe." Ngumisi nalang si Lindoln para maiwasan ang pagtanung ng dalaga. "Tara na?" At naglakad na sila muli.

Wa'g kang bibitiw sa aking mga kamay, Priscilla.. Aniya ni Lindoln sa kanyang isip.

A/N.

Lindoln ---->

Abangan niyo po ang continuation. Salamat. :)

Vote?

Comments for suggestions?

Fan?

Are always welcome. Thank you! :)

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon