Diecinueve.

14 0 0
                                    

Matapos ang insidenteng yun, mas pinili nang bawat isa na ilihim nalang ito para nadin sa ikakatahimik ng camping nilang lahat dahil sila Adam naman mismo ang nagpumilit gumawa noon. Samantalang kahit hindi padin mabilik sa tamang ulirat si Brando matapos ang pangyayari, nagpasalamat ito nang tapat kay Dalton sa pagligtas sa kanya.

Ngayon tapos na din silang kumuha ng mga dahon dahon para sa gamot, meron na lamang silang natitirang 40mins para matapos pa ang iba. Dahil na din na mukhang hindi maisasagawa ni Brando ang inako niyang pagiging leader kanina, Si Anna na mismo ang nagprensetang tumayong leader ng grupong 5.

Hawak hawak niya ang mapa na nauna sa paglalakad, Kasunod nito si Dalton, Sandra, Brando at Adam habang si Priscilla naman ay naglalakad mag-isa sa likuran nila.

Kung sa inyong pagbabasihan, Ang itsura ni Priscilla sa mga oras na ito'y normal, pero ang buong kaisipan nitong gulong gulo. Habang patuloy sila sa paglalakad, hindi naman maiwasan nitong pagmasdan ang binata kahit nakatalikod ito sa kanya, hindi niya maiwasang maalala ang bawat detalyang na nagawa nito kanina.

Mistulang may kung anong ritwal, kapangyarihan o kung ano pa mang ginamit ang binata na ginamit dahil sa bilis ng pagligtas nito kay Brando. Ang pinagtataka niya, Si Adam na sumusubok tulungan si Brando, Maging si Anna ay tumulong din, ay hindi nagtagumpay dun. Tanging si Dalton lamang ang nakagawa.

Marahas siyang napailing nang maisipang mali ang kanyang pag-oobserba at pahihimay ng mga detalye tungkol sa kaibigan nito. Napakagat na lamang siya ng labi at mabilis sumabay sa paglakad ng iba.

“Ay shocks!“ Baling ni Anna na mabilis umikot sa harapan ng mga kagrupo niya nang may maalala ito. “Dapat pala yung dahon ng saging kumuha tayo para maging instant kubo!“

“Nako, Oo nga noh?!“ Sangayon naman ni Adam na mukhang dismayado at nanghihinayang.

Humalakhak naman si Sandra na para bang walang kahirap kahirap ang naisip nitong ideya kaya binalingan siya ng masamang tingin ni Anna.

“Duh? Pabalik na tayo, So I assume, Madadaanan natin ulit yun.“ Humalukipkip ito.

Umikot sa kawalan ang mata ni Anna. “Buti naman at naisip mo yun, Akala ko wala ka na talagang magagawa eh.“ Umikot si Anna muli para simulang maglakad muli.

Napagdesisyuhan muli nilang bumalik sa may puno ng saging, para na din kumuha ng mga dahon dito. Si Dalton na ang nagbitbit ng mga ilang plastic ng saging nakuha nila habang hati hati naman ang iba pa sa bitbitin. Tanging si Sandra na lang ang walang bitbit maliban sa maliit na kulay pink nitong bag.

Nang makarating agad nila ang puno nang saging humalukipkip muli si Sandra at bagot na bumaling sa kawalan. Kaya naman si Anna na may hawak na patalim ay mabilis tumungo kay Sandra.

“Oh.“ Ani Anna habang iniaabot ang patalim kay Sandra.

Napangiwi si Sandra. “Anong gagawin ko diyan?“

Bahagyang napatawa si Anna habang pinaglalaruan ang kanyang dila. “Ikaw kumuha ng mga dahon.“ Pinandilatan niya ng tingin ito. “Ako leader dito! Sumunod ka.“ Banta pa niya.

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon