Cinco.

90 2 1
                                    

*

"Mahal ko.. Patawarin mo ako.." 

Napakurap kurap ako sa aking nakita, Totoo ba talaga na nasa harapan ko siya? Nagbalik na basiya ulit sakin? Wala na bang hahadlang samin ngayon?

Maingat akong humakbang papalapit sa kanya ngunit sa bawat hakbang na aking ginagawa hindi ko maintindihan.. B-Bakit parang may lungkot sa kanyang mga mata?

"Magkakasama na ulit tayo, Mahal ko. Wala nang makakapaghiwalay pa satin. Halika." Aniya ko sa kanya at inihalahad ang aking kamay.

Unti unti akong napangiti sa mga oras na ito, Hindi ko lubos maisip na sa lahat ng nangyari, meron pa din palang pag-asa ang lahat.

Tahimik kong pinagmamasdan ang mukha ng prinsesa habang patuloy padin ang paglahad ko nang aking kamay..

Ngunit...

Bakit hindi siya gumagalaw para lapitan ako?  Bakit tila parang tinititigan lamang niya ang aking kamay? Bakit walang ngiti ang kanyang mga labi? Humugot ako nang malalim na hininga.

"Halika, Mahal ko. Wa'g kang mangamba. Ako ang bahala sa atin." Aniya ko ulit.

Binawi ko ang aking kamay mula sa pagkakalahad nito. Nagsimula akong humakbang muli para lapitan siya..

"Hanggang diyan ka na lamang, Hindi na tayo maari pang magkita, Lindoln Ray Mercedes."

Tila ang matamis kong mga ngiti ay unting naglaho..

B-Bakit nasabi niya iyon? Hindi na ba ako mahal ng prinsesa? Tuluyan na bang nalason ang utak niya!?

Naalimpungatang walang pasabi'y bumuklat ang mga mata ni Lindoln mula sa isang masamang panaginip at tila balisang balisa ito sa kanyang nararamdaman. Pinilit niyang ikalma ang sarili pero walang padin tigil ang paghingal na kanyang nadarama.

"Hindi maari ito.." Pinilit nitong tumayo para kuhaan ang kanyang cellphone na nasa kabilang table. "Dapat kong tawagan siya" Napasabunot pa ito sa kanyang buhok.

Nagmadali niyang idiniall ang number ni Priscilla matapos niyang maramdaman ang kakaibang presence na hindi naman kakaiba sa kanya, pero yung presence na yun ay ngayon lang ulit niya naramdaman kaya naman mayroon pagtataranta ang kanyang naramdaman.

*The number you've dialled is out of coverage area. Please try again later.*

Lalo pang nakaramdam ng pagkataranta si Lindoln dahil sa hindi nito ma-kontak ang number ni Priscilla. Hindi niya alam kung ano dapat niyang gawin. Lumipas ang ilang saglit at umupo ito sa tabi ng bintana habang pinagmamasdan ang papasikat na araw.

"Mauulit nanaman ba ang lahat?" Malungkot niyang tinatanaw ang mala-kulay na asul na may halong puting langit. "Hindi.." 

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon