Once.

46 1 0
                                    

*

"Sure ka ba talaga dyan?" Walang tigil ang pagtatanung ni Anna kay Priscilla. "Magaling ka na ba talaga?" Dagdag pa nito habang sabay nilang nilalakad ang hallway ng Unibersidad.

Napangiti si Priscilla habang napaikot nalang ang mata nito. "Hindi ba obvious? Paulit ulit? Ilang beses ka ba nag-unli? Ha?"

Napailing-iling nalang at napakamot sa ulo si Anna sa sagot ni Priscilla. Nagpasya nang pumasok ang dalaga ngayon araw dahil wala naman na itong nararamdamang kahit anong kakaiba. 

Tatlong araw na ang nakalipas simula noong gabi yun, at masasabi naman ng dalaga na simula nang lumipas ang tatlong araw nang pananatili nito sa kanyang condo ay naging maayos naman ang lahat.

"Ay teka." Napahinto si Anna sa paglalakad. "S-Si.. Nasan?" 

Napabaling naman ang tingin ni Priscilla rito at nangunot ang noo. "Sino?"

Napaismid si Anna. "Si papabells nasan na? Ilang araw na ding wala 'yun eh. Ano may sakit din? Ano ba nangyayari sainyo?" 

Natigilan naman si Priscilla sa pangungunot ng noo. "Papabells?" Napaisip pa ulit ito hanggang sa nakuha niya ang mata tingin ni Anna. "Si.. Lindoln ba?" Aniya.

At kasabay nang pag-banggit nang pangalan ng binata ay biglang nakaramdam ng kakaibang hangin nanaman si Priscilla, Napapikit ito. Pero pinilit ng dalaga na muling isawalang bahala ulit ang ito.

"Oy! PRISCILLA JANS BIANCO!" Baling ni Anna na kanina pa nagsasalita.

"Ay!" Napahawak sa dibdib si Priscilla dahil sa pasigaw na sinabi ni Anna. 

Binigyan naman ng makahulugang tingin nitong si Anna si Priscilla at nagsimulang maningkit ang mata. "Hmmm.. I smell something fishy.." Aniya.

"Ha!? Ano ba pinagsasabi mo dyan? Hay!" Nag-umpisa nang maglakad imuli si Priscilla. "Malay ko ba kung nasang bundok napadpad yung lalaking yun ngayon." Dagdag pa niya.

Ikinawit nalang ni Priscilla ang kamay niya sa braso ni Anna at niyaya na niya itong muling bumalik sa paglalakad nila.

Samantalang wala silang kaideya-ideya na nasa kabilang sulok lang pala si Lindoln habang pinagmamasdan silang dalawa.

Kailangan ko munang gawin ito.. Napangiti ng matabang si Lindoln at tumalikod na ito papuntang kabilang building.

Masayang natapos ang unang apat na subject ni Priscilla sa araw na 'to kaya naman nagpasya siyang ilibre sa lunch si Anna. 

"Alam mo may sakit ka nga yata." Sabi ni Anna na sumasandok ng kanyang napiling ulam. "Kakaiba talaga eh." Dagdag pa nito.

Napataas naman ang kilay ni Priscilla. "Anong kakaiba dito? Wala naman ha? Buti nga good mood ako, Libre ka sa lunch diba?" 

"Hmmmp." Nanahimik nalang si Anna at bumaling ang paningin sa kabilang side. Napansin niyang mag-isang nagtatanghalin si Dalton sa lamesa.

At may kung anong biglang dumating sa kanyang isip, Nagmadali siyang sumandok at pagkatapos nila dire-diretso siyang tumungo sa lamesa kung san nandun si Dalton.

"Hoy!" Sigaw ni Priscilla kay Anna.

Napangisi agad si Priscilla nang mapansin niyang naagaw niya ang atensyon ng mga ibang tao sa canteen. 

"Nako. Kahit kailan makati talaga 'to. Pahamaaaaak." Bulong ni Priscilla sa kanyang sarili habang nagmamadali nitong tinutungo ang pwesto nila Anna.

At nang marating nito ang lamesa. Agad siyang napangiti dahil parehas nakatingin si Dalton at Anna sa kanya.

"Join us." Nakangiti sambit ni Dalton. Abot tainga na yata ang ngiti nito.

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon