Tres.

156 1 0
                                    

*

- Dalton's Point of View -

Nagising akong nakasakay na lamang sa isang magarang sasakyan, Kakaiba talaga dahil hindi ito karwahe..

Pumukaw din sa aking paningin ang magara at kakaiba kong kasuotan kumpara sa aking nakasanayang suotin..

"Kaylangan kong umakto na parang isa sa kanila.."

Oo tama. Yan ang hambilin sa akin ni Butler Maxx, Ang maging isang mortal sa aking kilos..

Bumababa ako sa sasakyan at nakita ang isang napakataas na gusali. Marahil ay ito na ang aking tutuluyan..

Alam kong nandito din nakatira ang dilag na 'yon.

Marahil ay nagtataka kayo kung sino ito?

// Flashback. //

Tahimik kong binabaybay ang diretsong daan patungo sa silid ng aking ina, Gamit ang hawak kong chanukiah na nagsisilbing ilaw..

Sa gitna nang aking paglalakad ay pumukaw agad sa aking mga paningin ang isang silid na para bang nababago sa aking paningin..

Pinilit kong pinasok ang silid at nakita ko ang isang salamin na napapaligiran ng usok..

Bago ako nagpatuloy, Nagmasid-masid muna ako. Wala sanang makakita sa akin dito..

Lumapit ako sa salamin at tinanggal ang pulang tela na nakatakip dito, Ito pala ang salamin na naglalaman ng mga bagay na nagpapakita ng buhay ng mga mortal sa kabilang mundo ayon sa Mahal na Dukeng Edwardson Fay..

Unang nakatawag sa aking pansin ay ang mga himlayan ng mga namayapang mortal na tinatawag nilang sementeryo.

Napakatahimik at payapa pala ang hitsura nito..

Pero napatigil ako sa pamamasasid ng mapansin ko ang isang dilag na naglalakad mag-isa..

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero hindi ko maialis ang aking paningin sa kanya..

Nagpatuloy lang ito sa pagsunod hanggang sa marating ito sa kanyang tanahan..

at simula noon,

Hindi ko na tinigilan ang pagmamasid rito..

// END OF FLASHBACK //

Sinimulan ko nang basahin at tignan ang mga bagay na ipinadala sa akin ni Butler Maxx.

Simula muna ngayon, Pipiliting kong mamumuhay nang isang mortal.

Babaguhin ko ang aking sarili at pati na din ang aking pananalita.

Pero ano kaya ang ibig sabihin ni Butler Maxx?

'Na wag daw magmahal ng isang mortal?

Ano ang magiging epekto nito kapag ito'y aking sinaway?

**

*DINGDONG*

"Hmm?" napalingon si Priscilla sa harapan ng pintuan at sinilip ang maliit na butas,

Nagulat sya sa kanyang nakita, "Tsss. Ano naman kaya ang nakain nito at pumunta dito?" tanong nito sa sarili.

Binuksan naman agad nya ang pinto, "Helloooo!" masayang bati ng isang boses babae.

"Anong kailangan mo?" Walang kagana gana at mahinahon na tanong naman ni Priscilla.

"Eto naman.. Hindi mo lang ba ako papasukin dyan sa loob?"

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon