Dieciséis.

53 1 0
                                    

*

 

Nakaramdam ng gulat at labis na pagkangamba si Dalton sa kanyang nakita kanina. Tila lalo pa itong labis na naghinala sa kanyang mga nakikita nitong mga huling araw. Lalo pa nang masaksihan nito ang unti unting paglaho nang nilalang na nagpakita sa kanya kanina, Naging hangin ito na pilit yumakap sa kanyang mga braso.

 

Napabuntong-hininga nalang ito at napamasahe nang kanyang noo. "Ano ba ang mga nangyayari.." Aniya.

 

Mapait na lumipat ang kanyang mga tingin sa isang malaking salamin na nababalot nang isang itim na tela. Lumakad ang binata para lapitan ito, at muli isang mabigat na paghinga ang kanyang pinakawalan.

 

Dahan dahang hinila nang binata pababa ang telang itim. At nang tuluyan nang bumagsak sa sahig ang tela, Biglang lumiwag ang malaking salamin sa kanyang harapan.

 

Napalunok ang binata at baon baon nito ang pag-asa sa kanyang isipan na muling tutugon na ang kanilang butihing Butler. Walang iba, kundi si Butler Maxx.

 

"Butler Maxx.." Mahinang sambit ng binata habang napapikit ang mga mata nito.

 

Lumipas ang ilang saglit ngunit wala pading pagtugon. Kasabay nang pagpasya nang binata na muling takpan ang malaking salamin nang itim na tela ay muli itong nagbuntong-hininga.

 

Nagsalin nang alak sa kanyang baso ito at matapos ay lumabas sa kanyang terrace. Napakatahimik na kalangitan ang sumalubong sa kanya at ang hangin ay humahampas sa kanyang itim na buhok.

 

Sa unti unting pag-inum nito nang alak, ay mas lalong lumalalim ang kanyang mga naiisip. Tulad nalang nang kanyang mga naiwang pamilya sa kabilang mundo, Ang kanyang dapat na responsebilidad, at higit sa lahat ay babaeng kanyang nagugustuhan, Si Priscilla.

 

Muling bumalik ang tingin nang binata sa langit, Nakita nito ang mga bituin at labis na napangiti siya.

 

Sa mundong imortal ay walang mga ganitong klaseng bagay pero dito sa mundong mortal ay labis na nakakaiba. Tunay ngang ibang iba ang magkaibang mundo, at 'yun ang labis na nagpapamangha sa akin.. Aniya sa kanyang isipan habang nakangiti pa din ito.

 

Nang matapos ang binata sa kanyang ginawa ay nagpasya na itong lumakad patungo sa kanyang silid. Marahil ay bilang isang nilalang na nakasanayan nang mamalagi sa mundong mortal ay nakaramdam na rin ito nang pagod.

 

--

 

"Okay class, Listen. This weekend, Magkakaroon tayo ng camping sa napasabing lugar. At bilang isang founder nang nature club, Dapat siguro tama lang na anyayahan ko kayong dumalo, Hindi ba?" Ani nang babaeng propesor habang nakataas ang kilay at nakapamewang.

 

"Yes, prof." Sabay sabay na sabi nang mga estudyante.

 

"Good. So, I am expecting that all of you will participate. Is that clear?" Sambit muli nang propesor habang palakad lakad ito at huminto sa tapat nang kinauupuan ni Priscilla.

 

Samantalang si Priscilla nama'y nakayuko at nang mapansin nitong may nakatayo sa kanyang harapan ay unti unting umangat ang ulo niya.

I love you, Vampie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon