Chapter 13

8.1K 82 11
                                    

Den's POV

@ BEG :)

"Girls! Taas kamay! ... Block!!!! Den alerto dapat! Coverage nio!!" sigaw dito sigaw diyan ni Coach.

"Jem set!!.... Palo fille!!... Iblock mo gretch!!" Walang tigil na sigaw ni Coach.

"Valdez palo!!!" pagkapalo ni Valdez. Hindi ko nahabol.

"Okay.. break muna.." sabe ni coach. Tapos umalis na ito.. Sila Ate Fille napahilata sa gitna ng court Ako humiga naren. pinikit ko ang aking mata. Ng biglang bumigat ang tyan ko. Minulat ko ulit ang mata ko at nakita ko ang isang magandang nilalang.

"Hihihi... pahiga hahaha!" sabe nito saakin sabay ngiti. ilang minuto ren kaming ganito.. Hindi nagtagal ay dumating na si Coach at nagsimula na ang training. Tapos ay nagdismiss na ren. Nagshower na kami ng mga kateam ko... ng matapos ay nagsilabasan kami ng showeroom nakita namin ang Men's Basketball na nagaabang samin sa may bleachers. Shempre pinangungunahan ni Kiefer. Tsss. Mukha naming unggoy eh. Tumayo si Kiefer at lumapit kay aly..

Niyakap niya ito. At ikinagulat ito ni Aly mas lalo nako! Kung nakakamatay lang tingin ko jusko matagal ng patay yan bwiset.

"I love you......... Lagi mong tatandaan yan.." bulong ni Kiefer kay aly habang nakaakap parin. Hindi umimik si Aly. Kumalas na si Kiefer sa yakap at umalis na sumunod naman ang mga kasama nito. Napatingin kami kay Aly na nagmistulang binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi ito nagalaw. Biglang nag vibrate ang cellphone ko. Galing ito kay Kiefer..

Fr: Kiefer Ravena

I need to talk to you... Starbucks 6pm.. Sana mag punta ka importante ito...

Hindi ko na ito nireplyan.. Tutal 5:30 na umuwi na kami ng Dorm.. Tahimik paren si Aly. Alam ko namang tungkol kay aly itong paguusapan naming ni Kief... Tungkol naren siguro dahil dun sa sinabe niya diba.. Tahimik si Aly na nagbabasa ng Libro.. Palabas na sana ako ng Kwarto...

"Saan ka pupunta?" Tanong niya saken habang nakatingin paren sa binabasa niya.. "Iiwan mo din ba ako?" Huh? Naguguluhan ako.. umupo ako sa kama.. Iniintay ko ang kanyang susunod na sasabihin..

"Iiwan ulit ako ni Kiefer. Style niya bulok tss.. Hindi ko na panghahawakan yung mga huling salitang sinabe niya saken.." sabe niya saken.. Iiwan daw siya ni Kiefer? OH?! Edi masaya! Muahahahahahahhaahahahahaha! Bad ko ba?

"Ahh.. eh.. hindi ko alam eh... MagStarbucks lang sana ako saglit.." sabe ko ditto sakanya. Tapos nilapag niya ang book niya at tumingin saken.. Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti hindi ko alam kung ano ibig sabihin pero alam kong may meaning.. Lumabas nako at pumunta ng Starbucks.

Time Check: 6:13 pm.

Medyo late ako haha Shempre pa VIP muna diba. Pagpasok ko ng SB nakita ko agad siya mukha siyang natatae nung nakita niya ako palapit sakanya.. umupo ako sa harap niya pang 2 person lang ung table namin. Kaya umupo ako sa harap niya.

"Ano gusto mo bago tayo magsimula.." Sabe nito.. Mahihiya paba ako ditto? No way ahah.

"Frappe. Mocha.." sabe ko ditto at tumayo siya para umorder nito. Bumalik na ito sa upuan..

"So. Andito ako para sabihin sayo na---"

"aalis ka? Iiwan mo si Aly? Ako aantasan mo para magbantay at mag alaga sakanya? Ganun ba yon? Kahit na hindi mo sabihin saken yun ay gagawin ko yun.." sabe ko dito saktong natapos na yung frappe ko tumayo ako at kinuha ito.. bago ako umalis ng tuluyan hinarap ko siya ulit at nagsalita.

"Dahil Mahal ko si Alyssa.." sabe ko dito at tuluyan nakong lumabas ng SB. Bumalik nako ng Dorm saktong kakain na. Kaya umupo ako sa bakanteng upuan shempre sa tabe ni Aly..

"Saan ka galling dennise?" mapang asar na tanong ni Greta. Dennise ba naman tawag saken ang formal haha.

"Sa tabi tabi lang bakit miss mona ako?" sabe ko habang nagaantay ng pagkain..

"Asa oy" sabe nito. Tapos nakay Alyssa na yung plato ng kanin. Nilagyan niya yung sakanya. Aabutin ko sana ung plato ng kanin ng lagyan niya ng kanin yung plato ko.. napangiti nalang ako ditto.

"Ok na to?" tanong niya saken at tumango nalang ako.. Inunahan ko na siya sa Ulam. Kinuha ko yung plato ng adobong manok at nilagyan ang plato niya saka ako naglagay ng akin.. nginitian niya lang ako..

"ANG SWIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIT!!!!!!" pangungutya ng team. Natawa nalang ako dahil sila ay nagsubuan by pair. Biglang tumunog ang cellphone ko. Galing ito kay Mika Reyes. Nagyayakag daw ang mga Taft Girls na gumimik ulit rereplyan ko sana ng biglang hablutin ni Alyssa ang Cellphone ko.

"Uy ano ba" sabe ko dito. Kumunot yung noo niya ng malaman niyang nagyayakag ang taft girls na gumimik..

"Sabihin mo busy ka.." matipid na tugon niya at binalik saken ang cellphone ko. Pasimpleng sinipa ni Ate Gretch yung paa ko at tinignan ko siya. Binigyan niya lang naman ako ng nakakalokang ngiti. Nireplayan ko si Mika at sinabe kong busy ako gaya ng sabe ng Girlfriend ko chosss..

Aly's POV

Tsss. Gimik? Eh anong oras na gimik pa tsk. Sino kaya kasama nitong si Den sa SB kanina? Kanina pako nagiisip kasi hindi niya ako nirereplyan.. I love her of course Bestfriend ko siya.. Napagdesisyonan ng ALE na mag truth or dare. Andito kami ngayon sa Sala habang nakabukas ang Tv. Kumuha ng bote si Den. At yun ang ginamit namin para makapag truth or dare. Tumutok ito kay Amy..

"Truth or Dare?" tanong ni Ate Dzi dahil siya ang nagpapaikot ng bote. Ngumiti naman itong si Amy.

"Truth.." sabe nito. Biglang sumingit si Ella. "Sino Crush mo sa Ateneo" nakangising tanong ni Ella. Sumangayon naman sila sa tanong ni Ella at walang choice si Amy kundi sagutin ang tanong sakanya.

"Si Kuya Tec haha peace Ate Fille hihi..." Nahihiyang sabe ni Amy. Kaya tumungo ito.. natawa nalang si Fille sa sagot ni Fille. At siya namang dahilan ng pagkabadtrip ni Gretch. Pinaikot ulit yung bote at tumutok ito kay Marge.

"TRUTH!!" Agad na sagot ni Marge. Haha natawa naman kami duon. Napagtuunan ko ng pansin si Den na nakangiti habang nagcecellphone tss.. bahala siya magcecellphone din ako.

"Sino Crush mo sa MVT HAHAH" tanong ni Jirah. Nasamid naman si Marge sa tanong ni Jirah.

"Si Austin.." sagot nito. Haha (A/N: Gawa gawa ko lang po iyan ^_^ Tropa ko kasi may gusto kay Marge so siningit ko siya J )

Pinaikot ulit nila ang bote. At tumutok it okay Dennise. Pinatay niya naman ang cellphone niya.

"Truth or dare?" tanong ni Gretch..

"Truth shempre.." matipid na saad nito.

"May Mahal kana ulit?" tanong nito sabay nakangisi kay Den. Napatingin naman ako kay Den.

"Oo." Meron shempre ako HAHA! Joke -___-

"sino?" tanong naman ni Ate Dzi.

"whoops. Isang tanong lang hihi.." sabe ni Den. Haha sayang.. ng tamarin ang mga kateam ko ay napagpasyahan na magsitulog na. Pumasok na kami ni Den sa kwarto. Humiga na kami. Tumalikod ako sakanya. At naramdaman kong tumayo siya.. at lumabas.

Den's POV

Kanina pako nagiisip kung pano ko aaminin kay Aly yung nararamdaman ko.. naguguluhan pako eh. Baka hindi niya ako matanggap.. Dahil diba straight siya.. tch.. Alam ko na kung sino ang lalapitan ko pagdating sa mga gantong sitwasyon. Lumabas ako ng kwarto.. dumeretso ako sa kusina dahil nauuhaw ako. Sakto nman at nakita ko siya nakaupo..

"Ate Gretch.."

~~

Trying to love again (Alyssa Valdez-Denden Lazaro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon