Kabanata 2

57 7 2
                                    

My alarm clock is trying to wake me up! Damn! Not now please! Sobrang sakit ng ulo ko. Naparami yata ang inom ko kagabi. Mabilis kong kinapa sa side table at pinindot ang button ng alarm clock habang nakapikit pa. Maaga pa naman. I always set my alarm on or before 7 in the morning ngunit napabalikwas sa kama ng mapagtanto kong may halaga nga pala akong meeting ngayon.

Tatayo na sana ako kaso napahinto ako ng biglang umikot ang paligid. Urg! Ang sakit. Damn this headache. I have a freaking appointment today! Malalate ako nito. 8 ang simula. Tapos ang layo pa ng meeting place. Tss! Tapos ang bagal ko pa kumilos tapos traffic pa!

Ano na City, paano ka uusad kung laging ganito buhay mo!

Sa sobrang pagmamadali ko habang inaayos ang gamit ko para sa gagamitin mamayang meeting ay nahulog lahat ng dala ko nang malakas na tumunog ang phone ko. Great! Masusuntok ko ang tumatawag na ito lalo na kung hindi importante. Hudiyo! Dali-dali kong hinahanap ang phone at natagpuan ko ito sa ibabaw ng kama.

"Goodmorning Ma'am. This is the secretary of Mr. Huston from AJH's Company" tumigil ang dalagang nagsasalita. Huminga ako ng malalim at pumikit. Mas lalo akong malalate nito. Partida wala ng hello-hello yan, good morning agad

"How may I help you?" mabilis kong pinulot ang mga gamit ko habang nakaipit sa kaliwang tenga at balikat ang phone ko. Time management besh!

"Mr. Huston wants to postpone the meeting. If it is okay with you ma'am. We'll be the one to contact you for the exact date" natigil ako sa pagliligpit at napaupo na lamang sa sahig. Hindi ko maiwasang bumuntong hininga at umirap dahil sa aking narinig. Bwusit!

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Shit.

"Sure, no problem" magaan kong saad kahit na naiinis na ako

"Thank you ma'am. Good morning again"

Tumayo na ako at sabay na binagsak sa kama ang mga gamit ko at ang sarili ko. Nagmadali-dali pa ako tapos hindi pala matutuloy! What a nice morning I got today!

Kung hindi ko lang siya kailangan hindi kona siya hahabulin. Ang hirap lang talagang kumuha ang schedule niya. Porket siya ang hinahabol may gana na siyang magpostpone ng meetings!

Tumayo na ako at kinuha ang wallet kasama ang phone ko. Kakain na lang ako sa labas tutal nakakawalang gana magluto at nabubwusit ako baka masunog ko lang ang apartment ko.

I wore a plain black and white business attire but nakapants ako and I'm more comfortable with it rather that skirts. My hair is tied up in a formal bun while I put some lipstick on. I feel so matured. Hindi naman ako ganong kaalam magmake up kaya hanggang lipstick na lamang ako, isa pa medyo na ngangati ang mukha ko kapag may make up kaya for special occasions lang talaga ang pagmemake up ko.

I ended up in Starbucks near my apartment, while I was waiting for my name to be called, I open up my facebook account. Kahit naman tapos na akong mag-aral nagfafacebook pa din ako. I still keep In touch with my colleagues. I scroll my news feed and found one interesting post.

*Frederick Garren added a new photo: Soon to be Mrs. Garren* kumalabog ang pintig ng aking puso habang binabasa ang post na ito ngunit hindi natuloy dahil sa malakas na pagsigaw ng aking pangalan.

"One java chip and strawberry flavoured donut for Felicity" nagulat ako sa sigaw ng crew shookt! This past few days parang nagiging balisa na ako.

Tumayo ako at kinuha ang order ko. Bakit kaya ganito sa starbucks pwede naman siguro silang kumuha ng waiter. Nagtitipid ba sila ng crew? Kaya nauso sa ibang cafe ang ganitong istilo gawa nila!

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now