I woke up early even though my head is aching, even though I didn't sleep well. Damn you Fredick Garren. Naligo ako at binabalak kong magjogging tutal napaaga ang gising ko. Balak kong libutin ang buong vineyard ngayon.
Nagsuot ako ng sports bra at isang loose na racer back habang nakasapatos at lumabas na ng kwarto. Iniwasan kong hindi mag-ingay dahil tulugan pa ang mga tao rito sa mansyon. Nang makalabas ako ng matiwasay ay sinumulan ko ng isuot ang aking earphones at tumuloy na sa paglakad habang inaayos ang musika.
Lumakad muna ako bago ko inaadjust ang aking sarili sa pagtakbo. Pagkatapos kong magjogging dumeretso na ako sa process house kung nasaan ang imbakan ng mga alak na tone-tonelada.
Nakarating na ako dito kahapon pero hindi ako pumasok sa loob.
Sa bawat lalagyan ay iba't-iba ang mga alak na nakalagay dito. May matamis, mapait at malinamnam.
Mas matagal na pag-iimbak, mas masarap.
Tumungo ako sa ikalawang palapag kung saan makikita ang kabuuan ng unang palapag. May mga tao dito kahit maaga pa ngunit isang tao ang pumukaw ng atensyon ko. Hinahalo nito ng maigi ang isang malaking lalagyan ng alak.
Dahan-dahan akong lumapit ako rito at tiningnan ang kanyang ginagawa. Tahimik at masinop ang paghahalo niya pawang iniiwasan may matapon dahil puno pa ang lalagyan.
"Ang aga mong magtrabaho. Tulog pa si Manong Simon" pabiro kong saad habang nagbubukas ng kabilang lalagyan.
Ang bigat pala nito. Ang bigat talaga.
"Mas maganda na ang maaga kaysa sa tanghali" Umismis ako sa sinabi niya. Bakit ang sungit niya? Mukhang hindi maganda ang gising. Ni hindi man lang siya bumati ng magandang umaga sa akin. For sure naman napansin niya ako kanina noong dumaan ako sa may likod niya.
"Matagal ka na ba dito?" tanong ko habang sinimulan kong haluin ang alak kagaya ng ginagawa niya ngunit hindi ko akalain na mahirap pala itong prosesong ito. Nakakangalay, hindi pa man din kami gumagamit ng makina para sa mga ganitong bagay.
"Mahigit isang buwan na. ikaw? Bago ka lang? sabi ni Manong Simon dumating na daw si Senyora" Huh? Napatigil ako sa paghahalo at tumingin sa kanya.
Ano? Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo at napairap na lamang.
"Talaga? Hindi mo ba siya nakita kahapon? Kasama niyo ang anak niya kahapon. Kay ganda nga ni Senyora" sarkastikong saad ko. Tumigil ito sa paghahalo at tumingin sa akin. Seriously? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi.
"Maganda ngunit maingay, mukhang spoiled brat" nagulat ako sa sinabi niya.
Si tayla ang tinutukoy niya hindi ako! Hindi ko alam pero nainis ako bigla. Hindi ba ako mukhang kagalang-galang?
"Anong pangalan mo?" saad niya sa akin. Ngumisi ako habang sinasarado na ang lalagyan. Props lang yan. Hindi naman talaga ako naghalo, binuksan ko lamang ang lalagyan
"City" Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Sinalubong niya ako ng nagtatakang mukha
"Felicity Cassiopea Vaudeville" mahina ngunit mabilis kong saad na siyang nagpatahimik sa kanya at mukhang nagulat pa ito. Base sa naging reaksyon niya ay hindi alam ang gagawin. Nagpipigil akong tumawa at pinipilit na magmukhang matapang
"Senyora, sorry! Akala ko yung kasama nyong babae si senyora" taranta niyang saad nabitawan pa niya ang panghalo at napakamot sa ulo habang nakayuko. Buti mahaba ang panghalo at hindi lumubog ito sa wine.
Lumapit ako sa kanya ng kaunti para maabot ang tenga niya "Well, looks can be deceiving" bulong ko rito at tinapik ng bahagya ang balikat bago umalis.
YOU ARE READING
Scattered (EDITING)
RandomFelicity Cassiopea Vaudeville is a business woman who worked in their own company, the BlackSwan. Her life was almost perfect because she had a wonderful son, loving fiancee and a supportive parents but her world turns upside down when she discover...