Matapos namin kumain ay dumeretso na agad kami ni Alex sa production process at nagsimula na din kaagad. Wala na kaming inaksayang oras. Hindi ko siya gaano kinakausap dahil busy ako sa pag-eexperiment habang siya naman ay tinutulungan ako sa pagnonotes ng process.
Nakakapag-usap lang kami kapag may hindi siya naintindihan dahil sa bilis ko. Nahihiya kasi ako sa kanya. Ang buong akala ko naman kasi sa binanggit niya kagabi ay ang mga prutas lang na meron siya pero eto siya ngayon kasama ko gumawa ng makabagong alak.
"Wait Felicity, If you combine the green grapes with blackberries. Maybe it will taste good" suwessyon niya. Kanina pa kasi ako naghahalo ng mga prutas na bago niyang dala dito dahil naubos ko na kagabi yung pinitas ko.
I'm mixing berries with apple pero ang masama ng kinalabasan. Tumango lang ako sa kanya dahil pagod na ako. Tumayo siya at ako naman ang umupo sa kinauupuan niya.
"Watch this" he said while picking green grapes and blackberries. He pressed it with each other while the juice of it fell down in the glass beaker.
Tinitigan ko ang bawat kilos niya. The two upper button on his sleeves was open due to the hot weather. Bukas naman ang mga bintana at may hangin namang napasok pero parang wala lang iyon kay alex.
Nakatupi rin ang manggas nito hanggang siko at mula sa aking kinauupuan ay kitang kita ko ang mga ugat nito sa braso. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya.
Pinaypayan ko ang aking sarili dahil sa nagsisimulang init na aking nararamdaman. Sobrang init pala dito. Dapat pala doon na lamang kami sa labas.
"Felicity are you listening?" nag-angat lang ako ng tingin sa kanya ng tawagin niya ako. Bahagya akong tumango at muling pinagtuunan sa kanyang ginagawa.
Wala siyang tinira sa dalawang prutas basta makuha niya ang katas ng bawat isa. Nang matapos ay nilagyan niya ng iba't-ibang klase ng ingredients. Noong una ay tig-iisang takal lang bago niya tinikman at nagdagdag pa muli ng bago.
Nang makuha niya ang lasa ay tumingin siya sa akin habang hinahalo pa din gamit ang stirring rods. Tinaktak niya ang stirring rod bago kumuha ng malinis na kutsara at isinawsaw sa beaker.
Lumapit sa akin at pinatikim ito. Nanlaki ang mata ko ng malasahan ko dahil sa eksaktong timpla nito.
How did he do that?
"How?" galak kong saad sa kanya. Tumayo ako at sinilip ang laman ng beaker. Hinawakan ko ang stirring rod at hinalo ito. Medyo thick siya pero madali na naman iyon palabnawin basta alam ang bawat ingredients na nailagay.
Ngumisi ito sa akin at nilagay ang kutsara na hawak niya sa isang tissue dahil nasa labas ang lababo kaya wala kaming mapaglagayan ng nagamit ng tools.
"So now that you have a new ingredient. Pwede ka na maglaunch. We just need to make alot" tumango ako sa kanya.
Muli kong tinikman ang alak dahil nasarapan ako.
"Can we reduce the sweetness?" tanong ko kay alex na nakatingin lang sa ginagawa ko. Tumango ito sa akin
"You don't want sweet?" he asked curiously.
Hindi naman. In fact I love sweets.
"I just want to taste the bitterness. Doon kasi kilala ang BlackSwan" I said.
Mag-gagabi na rin kami bago natapos dahil mas inayos ni alex ang lasa ng dalawang prutas. Lumabas na kami ng production process at nagtungo sa ilalim ng isang puno. Inalis ko ang pagkakatali kay lily at gayon din ang ginawa ni alex sa isa pang kabayo. Hapunan na at sigurado akong gutom na rin itong kasama ko.
YOU ARE READING
Scattered (EDITING)
RandomFelicity Cassiopea Vaudeville is a business woman who worked in their own company, the BlackSwan. Her life was almost perfect because she had a wonderful son, loving fiancee and a supportive parents but her world turns upside down when she discover...