Kabanata 15

18 4 0
                                    

"Alex, this is Manong Simon and Edward. Kapag may kailangan ka ay sa kanila ka lalapit" malumanay kong sabi habang pinapaliwanag kay Alex ang mga bagay na gagawin. Magsisimula muna sila sa pagtitingin ng fermented grapes bago pumunta sa pagpoproseso.

They need to teach Alex the step by step procedure dahil iyon naman ang kanyang gusto. Tumango naman ito bago ko binaling ang tingin kay Manong Simon saka kay Edward.

"Manong, Edward. This is Alex. Tutulong siya sa paggagawa ng alak ngayon" hindi ko na dinagdagan pa ang mga details dahil masyado pang tatagal. We can lose time now. Masyado ng Malaki ang nawawala sa BlackSwan.

Kinamayan ni Alex si Manong Simon at sabay silang ngumiti sa isa't-isa. Mukha naman silang magkakasundo dahil madali lamang pakisamahan si Manong Simon.

Dumako naman ang tingin ni Alex kay Edward. Napansin kong kanina pa hindi maayos ang mga binibitawang tingin ni Edward sa akin at kay Alex. Okay? What's going on? Nagtitigan muna sila bago nakipagkamay si Alex kay Edward na malaliming tinitigan ang kamay nito bago inabot.

"But for now, Itotour muna kita sa buong plantasyon, you only saw the production area" baling ko kay Alex. Tumingin naman siya sa akin at tumango.

Kinuha ko sa gilid si lily at si Edward naman ang kumuha ng isa pang kabayo para kay alex. Hinawakan ni Edward ang tali at inibigay kay Alex na siya nitong mabilis kinuha at sumakay. Ganoon na rin ang aking ginawa at pinalakad na si lily.

"I'll meet you later po Manong" tumango sa akin si Manong at tumalikod na samantalang napadako naman ang tingin ko kay Edward na malalim na nakatingin kay Alex pero mabilis niyang binaling sa akin ang mga tingin niya at umiwas muli.

So ang una naming pinuntahan ay ang bahay bisita which is doon siya nanunuluyan ngayon, sinunod namin ang vineyard atsaka yung sa pagpipiga ng mga ubas dahil nasa gilid lang naman ng vineyard iyon. Medyo nagtagal pa kami doon sa vineyard dahil pinakita ko sa kanya ang mga dapat iharvest na at mga hindi pa.

Pinakita ko rin kay Alex yung mga pwede ng mapiga na ubas dahil hindi naman agad pwede na pagkaharvest ay gagamitin na agad ito para sa paggawa ng alak. Then we went to the production process which is nakpunta na rin siya doon kaya hindi na rin kami masyado nagtagal. Pati yung gate sa likod ay pinuntahan namin.

"Maybe in so other time, we can go to the lagoon" malumanay kong sabi kay alex. Pinabuksan ko kasi ang malaking gate kaya bigla ko naalala ang lagoon.

"Lagoon?" he stated. Tumango akong nakatulala sa daan. Ngayon ko lang narealize na parang ang lungkot ng daan na ito ah. Creepy. Para siyang daan sa mga horror movies. Tapos yung feels ganon din nakakatakot sa gabi.

"Some other time then" sagot ulit siya sa akin kaya napalingon na ako. Nakatitig rin siya sa daan na pawang gusto niyang makita ang tinititigan ko kanina.

Dumaan ulit kami sa vineyard para naman makapunta kami doon sa mga bahayan na naninirahan dito sa Plantasyon. Muli kami dito nagtagal dahil naghanda na naman sila ng kaunting pangtanghalian. Nakaupo ako sa gilid ng kubo kung saan lagi kami nakain kapag may kaunting salu-salo.

Tanaw kasi dito ang kalawakan ng vineyard atsaka ng rancho tapos mahangin pa at hindi rin nakakaramdam ng init tuwing tirik ang araw. Malakas na hinangin ang aking buhok kaya nilagay ko agad sa likod ng tenga ang ilang hibla pero natatangay pa rin ng hangin.

Ang malas naman dahil nakalimutan ko ang pang-ipit ko tapos hindi ko rin alam kung saan ko nailagay. Makakabili na naman ako ng wala sa oras. Haynako Felicity!

Ginawa ko na lang munang messy bun ang buhok ko kahit walang panali dahil naiisingit ko naman ang pinakadulong buhok sa pagkakaikot at nakakatagal naman kahit papaano.

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now