Scattered 23

7 1 0
                                    

Mabilis kaming natapos kumain. Dumeretso na agad kami sa suite na gagamitin para sa ilang araw. Nilibot niya ako sa kwarto na halos ilang lakad lamang sa kanyang restaurant. Napansin ko ring halos lahat ng tao rito ay mga naglalakad lamang at tabi-tabi ang mga kainan at hotel rooms.

Malaki ang kinuhang kwarto ni alex para sa akin. May maliit na kusina at sala habang isang malaking kwarto naman para sa aking kama kasama pa nito ang isang walk in closet na hindi gaanong kalakihan. Isa-isa kong pinaglalagay ang aking gamit sa closet at sa mga dapat paglagayan nito. Itinabi ko ang aking maleta sa loob ng isang closet na hindi ko napaglagyan ng mga damit dahil kakaunti lang din ang dala ko.

Kung tutuusin,ayos na ako sa isang maliit na kwarto pero hindi pumayag si alex kaya wala na akong nagawa pa.

Siguro ang kwartong ito ay para sa mga bagong kasal dahil sa laki at iisang kama lamang ang mayroon.

Nagbihis muna ako ng isang puti dress at pinarehasan ko ng isang puti tsinelas. Inilugay ko ang aking mahabang buhok bago kinuha ang dlsr. Pumunta ako sa balkonahe ng suite na ito.

Tanaw rito ang pool ng hotel sa 'di kalayuan at sana tanaw rin rito ang araw tuwing dapithapon. Sa gilid ng balkonahe ay may maliit na Jacuzzi na siyang maari kong gamitin sa ilang araw kong pamamalagi dito.

Umupo ako sa isang upuan at tahimik na kumukuha ng mga larawan sa paligid nang biglang tumunog ang aking phone.

Mabilis kong kinuha ito at sinagot ang tawag

"Hi mommyy!" napangiti ako sa boses ni tim. Ilapag ko sa hita ang dslr at huminga ng lalim habang nakatingin sa paligid.

"Hello baby, hindi ka pa natutulog"

"I'm about too but I want to see your face first!" I can hear his Manang's voice as the background. Mukhang tutulog na nga ito.

Pinindot ko ang videocall para Makita ko siya. Naghinatay ako ng ilang Segundo at nakita ko siyang nakahiga na sa kanyang kama. Nakatitig sa akin na pawang naghihintay akong Makita

Lumaki ang ngisi niya ng nakita na niya ako ng maayos, bigla itong umupo sa kama kaya nagalaw ang camera at nakita ko ang kisame, ilanng sandal lamang ay hinarap na niya muli sa kanyang mukha

"I want to see Greece, Mommy!" mabilis kong pinakita sa kanya ang tanawin, mabagal kong inikot ang phone ko, kitang-kita ko ang kanyang reaksyon. Halos ngumanga siya at sobrang halata ang kasiyahan sa mata niya.

"It's so beautiful mommy. I can go there too?"

"Ofcourse, when you grow up" lumapad ang ngisi nito habang inabot ni manang Isa ang isang baso ng gatas.

"Thank you Manang" masayang bati nito.

Sumilip si manang Isa sa screen. Nang makita niya ako ay ngumiti ito at ibinuka ang bibig pero hindi ko kaagad naintindihan ang kanyang sinasabi dahil biglang bumagal ang aking hotspot ngunit muling bumalik na sa dati.

"Ano po iyon" saad ko

Ngumisi siya at umiling

"Sabi ko. Kamusta ka dyan?" umawang ang bibig ko bago tumango sa kanya. Bumuntong hininnga muna ako bago nagsalita.

"Ayos naman po, may kaunting jetlag pero so far ayos naman po" tumango ito at hindi na tumingin muli sa screen

Umalis na ito ng maubos ni tim ang kanyang gatas. Humiga na siya at inayos ang kumot pataas sa kanyang balikat. Nakita kong naghikab na ito at kinusot ang kanyang isang mata. Mukhang inaantok na nga ito

"Sleep na timothy" tumango ito. Muli na siyang umayos ng higa at nagpaalam na sa akin.

Nilapad ko ang aking phone sa lamesa. Mabilis kong kinuha sa aking hita ang kamera at tiningnan ko ang mga larawan na kinuhanan ko kanina. Napangiti na naman ako ng masatisfied ako sa aking kuha pero binubura ko ang ibang hindi magandang larawan.

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now