Being on the car with the person who's gonna help me to save my company makes me feel so damn nervous. Halo-halo ang aking naiisip. Is this worth a try or not? Knowing that Mr. Huston only wants to help me because of that damn ring I stole from him. At ang malala pa roon ay hindi ko alam kung saan ako unang maghahanap.
Sumulyap ako sa aking tabi bago tumingin sa daan. Tumaas ang aking mga balahibo ng mapansin kong puro talahiban ang madadaanan namin. Katulad ng paghahanap ko sa isang kumpanya kaninang umaga.
"Where are we going?" sambit ko habang nakatingin kay Mr. Huston na sa daan lamang nakatingin. Mistulang wala siyang kasama sa sasakyan. Inayos ko ang aking pagkakaupo sa kanyang limited edition na sasakyan. Minsan lang ako makaranas ng ganitong sasakyan kaya susulitin ko na!
Sumulyap lang siya sa akin ng bahagya at hindi sinagot ang aking tanong. Bakit ba ang tipid nito magsagot? Hindi kaya napapanisan siya ng laway?
At dahil sa overthinker ako, marami mga imahe ang namumuo sa aking isipan sa sitwasyon ko ngayon. Baka naman mamaya dadalhin niya ako sa gitna ng kagubatan at iwanan doon.
Shit! Sabi na eh dapat nagdala na lamang ako ng sarili kong sasakyan. Kapag ito tinigil niya sa isang masukal na lugar at walang katao tao ay tatakbo ako kaagad pa layo sa kanya at sasakay sa sasakyan niya at siya ang iiwan ko.
Ay mali. Shit. Baka mamaya hawakan ang pulsuhan ko. Ganito City, sisipain natin ang pinagkakaingatan niya bago ako tumakbo. Ganon. Ganon ang plano kung itatapon niya ako sa gubat.
Bakit kasi City sumama ka kaagad sa kanya eh hindi mo naman kilala?
Tsk.
"Don't worry. I'm not gonna threw you on the middle of the forest if you're thinking that" palihim akong napatingin sa lalaking ilang milya lamang ang agwat sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi sa lakas ng boses ko. Akala ko iniisip ko lang ngunit narinig pala ni Mr. Huston ang aking balak.
Nakakahiya!
Nakangisi ito habang nakatingin sa akin ng mabilisan. Nag-iwas agad ako ng tingin at napahilamos ang kamay sa mukha. Ang daldal mo naman City. Ayan tuloy ekis na agad ang plano.
"I was not." matigas kong sabi sabay iling. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa ngunit mabilis lamang iyon. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang bahagyang pagtawa.
"Maalam ka naman palang tumawa" galak kong sabi sa kanya animo'y sobrang malapit kami sa isa't-isa. Ngunit sa aking sinabi ay mabilis niyang binawi ang tawa niya at bumalik sa pagiging poker face. Ang moody naman ng taong ito.
Naging tahimik ang paligid kaya pinagmasdan ko na lamang ang bawat nadaraanan namin para mabihasa rin ako sa aming pupuntahan. Feel ko kasi maganda ang kakalabasan ng aming pupuntahan ni Mr. Huston.
But then ang aking pinagtataka ay magkapareha lamang ang dinaanan ko kanina papunta sa AJH. Inc pero hindi nga ako natuloy dahil sa tingin ko ay maliligaw lamang ako.
AJH....
Bahagya kaming tumigil sa pwesto kung saan tumigil rin ako kanina kaya napatingin ako kay Mr. Huston.
Seryoso itong nakatitig sa daan bago minaobra muli ang sasakyan. Lumiko kami sa isang masukal na daan ngunit kasya naman ang sasakyan na pawang sadyang dinaraanan.
"M-mr. Huston. Where are we going?" I nervously asked. Hindi ito tumingin sa akin kaya nalingon na lamang ako sa harapan.
Kumalabog ang aking dibdib habang ang isang kamay ay nakahawak sa bukasan ng pinto nitong sasakyan niya. Minabuti kong magmas amid ngunit puro damo at mga puno lamang ang aking nakikita na mas lalong napatibok ng aking puso sa kaba.
YOU ARE READING
Scattered (EDITING)
DiversosFelicity Cassiopea Vaudeville is a business woman who worked in their own company, the BlackSwan. Her life was almost perfect because she had a wonderful son, loving fiancee and a supportive parents but her world turns upside down when she discover...