Kabanata 7

23 4 0
                                    

Gabi na ng marating ko ang apartment at hanggang ngayon hindi pa rin matapos tapos ang mga papels na binabasa ko kaya nagdala ako dito pero sa palagay ko ay hindi ko rin ito mabubuklat dahil sa pagod.

Binagsak ko ang sarili sa kama at mabilis na pumikit habang nakababa ang aking paa sa sahig. Hindi ko maiwasang bumuntong hininga dahil sa sunod-sunod na pangyayari.

Ano bang balak ni Fred? Hindi ko pa rin maisip kung anong gagawin niya at bakit niya iyon ginawa. Nakakasakit na ng ulo. Isa pa bakit niya pa ako kakausapin? Ano bang pinopoint niya.

Dinilat ko ang aking mga mata at tumitig sa kisame na may nakalagay na glow in the dark na stars. Siguro kung may papasok sa apartment ko matatawa na lang sa mga nakadikit na glow in the dark dito. I don't know why but I am fascinated on stars. Kaya kapag na hindi ako makatulog dito lang ako nakatitig and the stars will do its magic.

Kinapa ko ang papel na binigay ni Renzo sa aking bulsa at binasa muli ito ng paulit-ulit. Naiintindihan ko naman siya pero bakit hindi magsink-in sa akin ito.

Hinayaan kong bumagsak ang aking kamay sa kama at pumikit muli.

Urg! Mababaliw na ako sa kaiisip. Tumayo na ako sa kama kalaunan at nagpalit ng damit nang ako'y makatapos ay dumeretso ako sa kusina para kumuha ng isang cereal at inilagay sa isang tagayan bago hinaluan ng gatas.

Tinatamad ako magluto kaya eto na lang muna ang aking kakain. Minsan talaga kapag mag-isa ka sa bahay tatamadin ka na lang kumain dahil wala kang kasabay at iyon ang nangyayari sa akin ngayon.

Naglakad ako pabalik sa mini sala at umupo doon. Inilapag ko ang bowl sa maliit na lamesa bago kinuha ang remote para mabuhay ang tv. Nang makahanap ako ng magandang palabas ay kinuha ko ulit ang bowl saka sumandal sa upuan at itinaas ang mga paa sa sofa.

Condo type itong apartment ko kaya medyo maliit pero kasiya na ang dalawang tao. Sooner or later magiging akin na rin siguro ito dahil gusto na ipagbili ng may ari. Pagpasok sa pintuan nito ay parang maliit na path way ang unang bubungad sa gilid ng pintuan ay naroon ang aking mga sapatos na pang-araw-araw at mga tsinelas. Sa likod naman ng pinto ay naroon ang sabitan ng mga coat or jacket at kapag naglakad pa ng kaunti ay makikita na agad ang sala. Ang sofa ay nakaharap sa pintuan pero nakasabit sa dingding ang tv at may nakadisplay sa gilid nito. Sa likod naman ng sofa ay naroon ang isa pang mas mahaba na sofa at may bintana sa likod nito. Sa kanang bahagi ng nito ay naroon ang pinto para sa kwarto ko habang nasa kaliwang bahagi naman ng mahabang sofa ang kusina.

Hindi pa ako nakakakalhati sa aking kinakain ay may biglang nagdoorbell kaya napalingon ako roon kahit na alam kong nakalock ang pinto. Tumayo ako at pumunta muna sa kwarto para makuha ang aking roba dahil nakapantulog na ako.

I didn't know someone will drop by.

Pinilupot ko ang roba sa aking katawan at dumeretso na sa pintuan. Muling tumunog ang doorbell kaya napasigaw na lamang ako. "Coming"

Halos magtatakbo na ako papunta sa pintuan dahil nakailang tunog na naman ang doorbell at sa pagkakataong ito ay sunod-sunod na.

Mabilis kong binuksan ang pinto at sumalubong sa akin si tita Jessie?

Mommy ni Frederick.

Nang makita niya ako ay niyakap niya agad ako. Bigla akong naestatwa sa aking posisyon at hindi nakayakap kay tita pabalik.

"Tita..." mahina kong saad bago niya kinalas ang yakap sa akin. Imbis na mapatanga ako sa may pintuan ay niaya ko na agad siya papasok sa loob. She seems so bothered and worried at the same time.

Why?

Kahit na nagtataka ako ay pinaupo ko muna siya sofa at sa tingin ko ay napansin niya ang aking kinakain dahil dumako ang tingin niya sa cereals ko at tumingin sa akin ng nakakunot ang noo bago bumalik ang tingin sa cereals.

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now