Sa Piling ng mga Palaboy

78 15 10
                                    

Tumila na ang malakas na ulan at balik nanaman ako sa maingay na kalsada. Pinaalis na ako ng mga bagong salta sa eskinita na tinitirhan ko dati.

Maaangas at akala mo ay walang simpatya sa mga kapwa nila lagalag. Hahanap pa tuloy ako ng bagong masisilungan at hindi iyon madali sapagkat nagkalat ang mga masasamang loob ngayon. Kapag natyempohan ako ng mga sindikato na nag-iisa, baka kunin pa nila ako at alilain o kaya naman ay ibenta para kunin ang mga lamang loob ko.

Napadaan ako sa isang panaderya at nakita ko ang isang cake na kulay asul. Naalala ko noong nabubuhay pa ang mga magulang ko ay binibilhan nila ako ng cake kapag sumasapit ang kaarawan ko. Pero, iba na ngayon. Wala na sila at mag-isa na lamang ako. Wala na din akong karapatang maging masaya sa kaarawan ko. Labing walong taon na ako ngayon at matatawag na ding ganap na dalaga pero walang may pakialam.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang may bumangga sa akin. Napaupo ako sa sahig at ininda ko ang sakit sa aking likuran.

“Ate… okay ka lang ba?”

“Hmm, medyo masakit ng likod ko.”

Sinipat ko ang anyo ng nakabangga sa akin at nakita ko na isa din itong palaboy na katulad ko. Bata pa siya, siguro ay nasa sampung taong gulang lang. Nakasuot siya ng malaking kamiseta na puno ng putik at gula-gulanit. May dala din siyang isang supot ng pandesal.

“Magnanakaw!” Sandali pa ay may isang galit na mama ang humahabol na sa kaniya. Pinilit kong makatayo at dahil sa taranta ng bata ay kinuha niya ang kamay ko at tsaka kami kumaripas ng takbo.

“Bilisan mo ate!” Apura niya.

“Teka lang! Saan ba tayo pupunta?”

“Kailangan nating mataksan 'yung si manong panadero.”

Abot-abot ang hingal ko nang makarating kami sa isang mabahong eskinita na malapit sa isang pabrika. Masangsang ang amoy dahil sa mga nakatambak na basura doon.

“Pasensya ka na ate ah. Pero mukhang wala ka din namang pupuntahan kaya isinama kita e.”

“Dito ka ba nakatira? Tanong ko sa kaniya.

“Oo, kasama ko ang kapatid ko na sila Millie at Cora. Ako nga pala si Maila.” Pakilala niya.

“Parang hindi naman tunog pang lalaki ang pangalan mo.” Natatawa kong sabi sa kaniya.

Tinanggal niya ang bonet na suot at lumugay ang mahaba niyang buhok.

“Hindi naman kasi talaga ako lalaki ate e.” Sabay ngiti.

“Ikaw ate, anong pangalan mo?”

“Ako si… Uhmm, hindi ko matandaan ang pangalan ko.”

“Huh? Pwede ba 'yun?”

“Naaalala ko ang nakaraan ko maliban sa pangalan ko.” Malungkot kong tugon.

“Ganoon ba ate…”

Inaya niya ako na pumasok pa sa looban ng eskinita at doon ko nakita ang kanilang tulugan.

Magkakakabit na kumot ang dingding nito at isang kalawanging yero naman ang bubong.

Sinalubong kami ng mga kapatid niya na parehong maliliit pa.

“Ate Maila, may pagkain ka bang dala? Nagugutom na kasi kami ni Cora e.”

Iniabot ni Maila ang isang supot ng pandesal sa kapatid at nakita ko kung gaano kasaya ang mga ito. Para silang mga dagang sabik sa kakarampot na pagkain.

“Ate, sino siya?” Sabay turo sa akin.

“Ah, siya ba? Siya si ate…”

“Ate?”

A Bride For Vixem (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon