Masaya akong naglakad pauwi. Alam ko na matutuwa ang mga bata kapag nalaman nilang makakatulong na ako sa kanila at makakabili na din kami ng mga masasarap na pagkain.
Sinalubong ako ni Maila ng isang matamis na ngiti.“Mukhang masaya ka ate Eris? Ano ba ang nangyari sa lakad mo?”
“Maganda naman ang naging resulta. Bukas ay magsisimula na ako sa trabaho. Makakakain na tayo ng masarap dahil magtatrabaho ako sa La Innocencia Carenderia.”
Nakita kong naging masaya ang mga bata sa balita ko sa kanila at lumipas ang araw na iyon na lahat kami ay nakaramdam ng kapanatagan.
Kinabukasan ay maaga akong gumising at pumasok sa unang araw ko sa trabaho. Naging tagahugas ako ng plato at taga ipon ng mga tira-tira.
Maayos naman ang naging takbo ng buhay ko sa trabaho kong iyon at napakabait ni Mrs. Rivera sa aming mga katiwala niya. Sumasahod kami ng isang daang tanso sa isang araw at may ibinibigay din siyang mga sinupot na tirang mga ulam na hindi nauubos.
Masaya sila Maila dahil hindi na kami nakakaranas ng gutom, kuntento na kami sa buhay namin na ganoon. Sa mga susunod na taon ay nakaplano nan a si Maila naman ang ipapasok ko sa trabaho sa pag-asang makakahanap na kami ng mas matinong tutuluyan.
Nagpatuloy lang ang mga masasayang araw hanggang sa…
“Pumanaw na daw si Mrs. Rivera!” Iyon ang balitang gumulantang sa aming lahat. Unti-unting tumulo ang mga luha ko.
Naging malapit na ako sa kaniya at itinuring ko na siyang para ko na ring ina. Ipinaramdam niya sa akin ang kalinga na matagal kong hinanap sa malamig na mundong ginagalawan ko.
“Ang anak na daw niya ang mamamahala sa restaurant na ito simula ngayon. Darating siya dito bukas para makilala niyo.” Lumabas na ang mensahero ng pamilya Rivera at kaming mga tagasilbi naman niya ay naiwang tahimilk.
Kinagabihan ay nagpasya kaming bisitahin ang burol ng amo namin pero hindi kami pinapasok ng mga kaanak niya. Mababa ang tingin nila sa amin at sa palagay nila ay wala kaming karapatan na masilayan man lang siya.
Napakalungkot ng araw na iyon para sa akin. Hindi ko maihinto ang pagluha ko hanggang makauwi ako kina Maila. Hindi ako kumain ng hapunan at sa halip ay nakatulog na ako agad.
“Eris… huwag kang malungkot sa pagkawala ko. Mas masaya na ako sa kinalalagyan ko kung saan walang mga pasakit at pagdurusa. Mapayapa na ako ngayon.”
Nakita ko sa huling sandali si Mrs. Rivera sa huling sandali at napakaganda pa din niya.
Pinunasan niya ang mga luha ko at tsaka na siya lumakad papalayo hanggang sa hindi ko na siya makita. Nagising ako noon na pawis na pawis at umiiyak.
Parang totoong totoo ang bawat detalye sa panaginip ko at masaya ako na nagpaalam sa akin si Mrs. Rivera.
“Simula ngayon ay ako na ang mamamahala sa inyo, kung naging mabait sa inyo si Mama… asahan ninyo na hindi ako magiging katulad niya.
Ako nga pala si Alice Rivera, ako ang Unica Hija ng amo ninyo. Dapat lang kayong magtrabaho ng mabuti para mabawi ang lugi ng restaurant na ito dahil sa ilang araw na walang namamalakad dito. Doble kayod dapat ang lahat at walang tatamad tamad.”
“Opo.”
Hindi ko alam kung bakit napakasungit ni Ms. Alice sa amin kahit na nagagawa naman namin lahat ng iniuutos niya. Mainit ang dugo niya lalo na sa akin.
“Eris! Ang tanga tanga mo talaga! Ang sabi ko sa'yo, pagkatapos mo na linisin ang banyo, hugasan mo yung mga malalaking kaldero!”
“Pero Ms., wala naman po kayong sinabi kanina.”
BINABASA MO ANG
A Bride For Vixem (Editing)
ParanormalJust a Gothic love story. Isang babaeng nakatakda para sa isang diyablo ng bayang Memento Mori. Si Antares Monte Agua ang ika-isandaang batang babaeng ipinanganak sa bayang iyon kaya naman siya ang nakatakda para kay Vixem, ang diyablong nagsumpa sa...