Ang Utos

32 9 1
                                    

Si Vixem ay isang makapangyarihang nilalang na isa ring alipin. Limitado lang ang kaniyang mga kakayahan dahil sa sumpa sa kaniya ng kaniyang ama. May ipinag-uutos siya na hindi ko kayang labagin at iyon ay ang iwanan siya.

Hindi ko siya matindihan. Gusto niya din ba ako? Hinalikan niya ako.

Madaming araw ang lumipas at hindi ko na ulit nasilayan si Vixem. Matapos ang gabi sa plaza ay hindi na siya ulit lumabas sa kaniyang kastilyo. Marahil ay hindi niya na ako gustong makita dahil hindi naman talaga niya ako gustong halikan. Baka ayaw lang niya akong magsalita ng kung anu-ano pa sa harap niya kaya ginawa niya iyon para lang tumigil ako.

Ngayong araw ay balisa ako. Hindi ako mapakali dahil sa nakita kong pangitain sa plaza. Alam ko na may balak si Melian na saktan ang mga kapatid ko kaya naman minabuti kong lumabas na hindi nalalaman ni nanang Celsa.

Tinungo ko ang ampunan kung saan ko iniwan ang mga kapatid ko. Nang sapitin ko ito ay lumapit ako sa tarangkahan upang silipin kung nandoon ba ang mga kapatid ko. Hindi naman ako nabigo at nakita ko silang naglalaro. Mukhang inaalagaan naman sila ng maayos pero hindi pa din ako kampante.

Nakita ko na lumabas ang isang madre at nagulat ako nang yumakap dito ang mga kapatid ko. Hindi ako makapaniwala na para bang mahal na mahal siya ng mga ito. Si Meliana ang madreng tinutukoy ko. May kaunting kurot sa puso ko nang makita ko sila na ganoon. Pero, sa isang banda sa isip ko ay mabuti nalang at hindi sila sinasaktan doon.

Nagawa ko na ang pakay ko kaya naman naghanda na akong umalis nang muli ko silang masulyapan na pumasok sa kapilya. Nagtaka ako dahil sila lang tatlo ang pumasok at iniwan naman ang ibang bata na kasamang naglalaro ng ng mga kapatid ko.

Nagtago ako sa mga damuhan upang hindi nila ako makita. Umikot ako papunta sa likuran ng ampunan at binalak ko na akyatin ang pader upang masilip kung saan dinala ni Meliana ang mga kapatid ko.

Medyo masukal ang pader pero hindi naman ito ganoon kataas kaya naman alam ko na kaya ko itong akyatin. Ginawa ko ang plano at nagtagumpay naman ako. Nagkaroon nga lang ng punit ang palda ko pero hindi ko na iyon alintana dahil gusto kong malaman kung bakit napalapit ng husto sa babaeng iyon ang mga kapatid ko.

Tinungo ko ang likuran ng kapilya. Pinilit kong magkubli ng husto para hindi ako makita ng mga madre. Mabuti na lamang ay madaming damo at halatang hindi nila nililinis ang paligid kaya naman hindi mahahalatang may tao na magtatago doon.
May maliit na siwang malapit sa bintana at doon ako sumilip.

Kulob ang lugar kaya naman naririnig ng maiigi ang mga boses ng mga taong nasa loob. Kaya naman kahit na maliit ang siwang ay naririnig ko sila.

Nakita ko na nagsimula silang lumuhod sa altar ni Hefisia na para bang nananalangin. Tama nga ang hinala ko na pinapaniwala na ni Meliana ang mga kapatid ko sa kanilang dyosa.

“Humiling kayo kay inang Hefisia at tutuparin niya iyon.”

“Talaga po?” Sagot ng dalawang paslit.

“Ano ba ang kahilingan ninyo? Nagbibigay lang siya sa mga batang mababait. Kaya naman kung mabait kayo ay tiyak na tutuparin niya ang hiling ninyo.”

“Gusto po namin makasama muli si Cora.”

“Sino si Cora?”

“Siya po ang kapatid namin na namatay na. Magagawa po ba siyang buhayin ni inang Hefisia?”

“Oo naman, lahat kaya niyang gawin kahit pa ang bumuhay ng patay.”

Nagulat ako sa aking narinig. Kahit napakaraming dyos at dyosa. Alam ng lahat ng tao ang batas nila na kahit makapangyarihan sila ay hindi nila pwedeng buhayin ang mga taong namatay na. Kahit pa ang dyosang si Hefisia ay nakapagbibigay ng buhay ay hindi ito maaring labagin. Isa pa ay matagal na siyang patay at ang isang dyosang patay na ay hindi na dapat pa sinasamba.

A Bride For Vixem (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon