Pagbagsak ni Meliana

20 5 0
                                    

Tinatanong ko sa aking sarili kung bakit kailangang humantong ang lahat sa kamatayan ng mga malalapit sa amin? Siguro nga ito ang kapalaran ko. Ang masaksihan kung paano mawala ang mga importanteng mga nilalang sa buhay ko. Magbalik tanaw tayo sa nakaraan ko.

Isa akong palaboy na nakahanap ng kanlungan sa katauhan ng mga batang lansangan. Napadpad akong muli sa bayang ito para tanggapin ang kapalaran ko. At, ito na nga... Malapit na ang huli. Nakatulala ako habang nagngingitngit na sa galit si Rexel at kalmado naman si Vixem.

Parang minsan ay gusto kong maniwala na wala nga siyang nararamdamang awa. Ano kaya ang naglalaro sa isip niya? Totoo kaya na siya ang pinakamasamang dyablo dahil sa pagpaslang niya sa kaniyang kapatid na si Hefisia? Ang daming tanong sa isipan ko.

"Isa... Dalawa... Tatlo." Pagbilang ng ikatlo ni Rexel ay sinugod na nila si Meliana.

Nag angat ito ng ulo at bumanggit ng mga litanya. Nabalot ng marka ang kaniyang katawan at nagliwanag. Pagkatapos ay nagkaroon ito ng baluti.

Galit na galit noon si Rexel at siya ang mas agresibo kung umatake. Tinanggal niya ang kaniyang balabal at tumambad ang kaniyang mga marka sa dibdib.

"Redemfira Firaga! Mamamatay ka sa kamay ko at dudurugin ko lahat ng buto mo!" Naglaho siya sa harap ni Meliana na ipinagtaka nito. Ginamit itong pagkakataon ni Vixem upang pakawalan ang kaniyang asul na apoy upang tupukin si Meliana.

"Endelmef Fira." Bumalot sa katawan ni Meliana ang apoy ni Vixem at ininda niya ang sakit mula dito.

Lumabas naman mula sa isang lagusan si Rexel at doon pinakawalan niya ang mga masasamang kaluluwang alaga niya. Nakita ko kung paano pumasok sa bibig ni Meliana ang mga kaluluwa at kung paano niya indahin ang matinding sakit ng kaniyang ulo.

Ngunit, nakabawi din ang madre at sa pagkakataong iyon ay itinodo na niya ang kapasidad nf kaniyang kapangyarihan at nabasag ang korona dahilan upang magbago siya ng anyo at maging isang halimaw. Naging kulay puti ang kaniyang balat at nawala ang kaniyang mukha ngunit bibig nalang ang natira. Nagkaroon din siya ng apat pang kamay at paa.

"Kita mo nga naman... Nilabag na ang batas. Ayan tuloy." Natatawang sabi ni Rexel.

Sinugod sila ni Meliana at talagang malakas na ito kaysa dati. Nawawasak na ang buong paligid at nagsimula na ding malaglag ang katawan ng mga taong nakabitin sa kisame.

"Baylan, kailangan na nating umalis dito! Hanapin natin ang mga kapatid ko pakiusap." Sabi ko kay Baylan na noo'y nakatulala lamang.

Nakita kong nasasaktan na din sila Rexel sa patuloy na pagwawala ng halimaw na si Meliana.

"Vixem... Ikaw ang pumatay sa ina ko! Ina ko si Hefisia!"

"Hindi ako ang pumatay kay Hefi."

"Sinungaling! Kung ganoon, sino ang pumatay sa kaniya kung hindi ikaw?"

"Ang konseho ang pumatay sa kaniya."

Nagulat din si Rexel sa narinig mula sa kapatid ngunit isinantabi nalang niya ang lahat ng kaniyang mga katanungan.

"Kuya, tapusin na natin 'to. Inaantok na ako." Tumango si Vixem at naghawak sila ng kamay ng kapatid at umusal sila ng isang orasyon.

Nagbago ang kanilang mga anyo. Humaba ang kanilang mga buhok at nagliwanag ang kanilang mga marka.

Tumingin si Vixem sa akin at sinenyasan niya ako na tingnan ang marka ko sa likuran at nagulat ako nang maaninag ko mula sa aking gilid na lumiliwanag din ito. Totoo nga na magkaugnay kami. Hindi totoo na wala akong kwenta dahil ang ilang porsyento ng lakas ko ay naibabahagi ko sa kaniya. Napangiti ako noon.

"Andaluzxia Ivemef." Mula sa kanilang dalawa ay nagmula ang apoy na lila na naghugis dragon na siyang tumupok kay Meliana. Ang apoy na dragon ay katulad ng kapangyarihang ginamit nito kay Ernis upang higupin ang lakas nito.

"Para iyan kay Kisana."

"Para kay Ernis."

Parang ipo-ipong tinupok ng apoy si Meliana at umalingawngaw ang kaniyang mga sigaw sa lugar. Nagsimulang gumuho ang gusali dahilan upang akayin ko si Baylan para hanapin ang labasan.

"Tara na Baylan." Tinungo namin ang isang pinto papalabas at habang naglalakad kami ay naririnig pa din namin ang mga sigaw. Hinanap ko ang mga kapatid ko at nakita ko si Maila at Millie na nakasiksik sa isang sulok. Gumuguho na ang mga pader at delikado kami.

Natauhan na si Baylan at binuhat niya si Millie habang kinukumbinsi ko naman si Maila na umalis na sa sulok at sumama sa akin.

"Tara na Maila. Mamamatay tayo dito." Kinaladkad ko siya ngunit parang ayaw niyang sumama. Naiyak ako at pinilit ko siyang hilahin ngunit kaya pala hindi siya tumitinag ay naipit ng adobe ang paa niya. Pilit kong tinanggal ang mga tipak ng bato sa paa niya ngunit nagulat kami nang may isang halimaw ang papalapit sa amin. Isa sa mga gawa ni Meliana.

Wala na kaming matatamkbuhan at pilit ko pang inaalis ang paa ni Maila sa pagkakaipit. Katapusan na ba namin? Hindi maari.

Napapikit ako sa pag-aakalang masasaktan na kami ng halimaw ngunit may liwanag na nagmula sa kuwintas na suot ni Baylan at iyon ang pumrotekta sa amin.

Unti-unti ding naabo ang halimaw, indikasyon na natalo na nang tuluyan si Meliana.

Nagmamadali kaming lumabas nang matanggal ko mula sa pagkakaipit si Maila at sa kabutihang palad ay ligtas kaming nakalabas.

Ilang minuto na kami sa labas ng ampunan at basang-basa na din kami ngunit hindi pa din namin nakitang lumalabas sila Vixem.

Napasigaw ako nang makita kong gumuho ng tuluyan ang kumbento ngunit wala pa ang magkapatid sa labas.

"Rexel, Vixem." Napaluha na lamang ako.

"Bakit ka umiiyak? Nakalimutan mo na bang hindi namin kailangan ng pinto?" Nagulat ako nang mula sa isang lagusan ay lumabas sila Vixem. Nakalimutan ko nga na kaya palang gumawa ng mga lagusan ni Rexel. Hindi ko napigilan na yakapin si Vixem ng mahigpit.

"Alam kong kaya niyo siyang talunin." Natutuwa kong sabi.

Hinalikan niya ako sa noo at sinabing,

"Binigyan mo din ako ng lakas para magawa namin iyon."

"Tara na... Doon na muna tayo sa Dracus."

Binuksan muli ni Rexel ang lagusan at doon ay nakita namin ang nakakulong sa malaking hawla na si Meliana.

"Bakit hindi niyo siya pinatay?"

"May mga bagay pa siyang gustong malaman. Nakiusap siya na wag siyang papatayin. Nakikilala namin siya. Siya ang isa sa mga pinakabatang naging heneral ng mga Hakuzsia noon. Hindi namin lubos maisip na mag-iiba ang ihip ng hangin sa kaniya."

Hindi na kami nakaimik ngunit nang makita kong nakakulong si Meliana sa isang hawla na binabantayan ng lilang dragon, nakita ko na isa lang din siyang ordinaryong nilalang. Ang dating makapangyarihang Meliana ay isang kalunos lunos na babaeng bihag na walang saplot at puno ng sugat sa katawan.

A Bride For Vixem (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon