Panibagong Banta

34 8 1
                                    

"Ang pag-ibig ang magdadala sa atin ng sakit."

Malayo na ang narating ko. Malayo ngunit ang sakit ay nasa loob pa din ng aking dibdib. Hindi ko mapigilan ang malungkot sa mga sandaling naiisip ko na itinakda ako sa isang dyablo na hindi nararapat umibig.

"Kamahalang Vixem, nandito na po si binibining Antares."

Sumilakbo ang puso ko ng ubod lakas nang masilayan ko siya. Siyang nakatakdang umangkin sa akin. Siyang hindi ko makakapiling.

Yumuko ako sa kaniyang luklukan. Hindi ko siya matingnan sa mata. Ang mga mata niyang sing itim ng gabi ay nagdadala ng kamatayan.

"Gusto niyo daw po akong makita?"

"Hindi." Malamig niyang tugon.

"Kung ganoon po ay aalis na ako." Tumalikod ako sa kaniya at naghandang humakbang nang hawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. Tulad ng mga labi niya ay napakalamig ng kaniyang palad nang ito ay dumampi sa akin.

"Di ko namalayan na tumulo pala ang mga luha ko noon." Bakit ba niya ako pinahihirapan?

Hindi ko siya maintindihan.

"Gusto kitang isayaw. Hindi ko 'yon nagawa."

Nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko magawang magsalita ng kahit ano.

Tumayo siya at hinawakan ang baywang ko. Sinimulan niya akong iindayog at iikot ng malabing. Walang tugtog noon ngunit dama ko na ang mga puso namin ang siyang lumilikha ng musika ng mga oras na iyon. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Bakit ka umiiyak?"

"Dahil sa'yo."

"Wala naman akong ginagawa."

"Pinahihirapan mo ako."

Hinalikan niya ako sa noo at sinabing:

"Ako ang nagligtas sa'yo sa sunog noon. May malaki akong kasalanan, at kailangan ko iyong pagbayaran. Pinili kita. At, kahit ngayon... Pipiliin pa din kita." Ngumiti siya noon at talagang napakatamis. Noon ko lang siya nakitang ngumiti. Lalo akong naiyak dahil sa totoo nga ang sinabi ni Meliana at Ernis na pipiliin ako ni Vixem.

Nasasaktan akong pumili sa pagitan ng mga kapatid ko at ni Vixem. Sa buhay ko at sa buhay niya.

"Kung pipiliin mo ako... Madaming maaapektuhan. Magiging mortal ka. Magagalit sa'yo ang iyong ama at maghahari na si Meliana dito sa Memento Mori."

Hindi siya kumibo ng matagal noon. Hindi ko nababatid ang tumatakbo sa kaniyang isipan pero kinakabahan ako sa mga mangyayari.

"Kahit anong mangyari. Pakakasalan mo ako. Sa ilalim ng Luna, sa tuktok ng bundok ng Memento Mori sa unang kabilugan ng buwan. Dalawang linggo mula ngayon."

Nilingon ko noon si Ernis na nakangisi habang nanunuod sa amin. Kahit kailan ay nakakaloko siya.

Nagpaalam ako kay Vixem at inihatid na ako ni Ernis sa mansyon ni nanang Celsa. Hindi ako mapakali sa pag-iisip kung ano ang gagawin ko. Pero nagtitiwala ako kay Vixem, alam ko na tama ang mga hakbang na gagawin niya.

"Bakit nga pala parang hindi ka masaya na gusto ka na din ni Vixem?" Tanong sa akin ni Ernis. Nakakaloko ang tanong na iyon dahil kaya naman niyang basahin ang isip ko pero hindi niya ginagawa.

"Basahin mo nalang ang nasa isip ko."

"Tinatamad ako e. Tsaka mas maganda na may permiso mo para malaman ko." Natatawa niyang sabi. Ang sarap niyang sabunutan noon pero kumalma lang ako.

"Eh kasi napakakumplikado na ng lahat e." Yumuko ako.

"Hindi din. Ikaw lang ang nagpapakumplikado ng lahat."

"Sabihin mo nga sa akin... May alam ka ba?"

"May alam ako kung iisipin mong may alam ako." Tumawa lang siya ulit. Nakakainis siya, kaya siguro hindi sila nagkasama ni Baylan Ade dahil puro kalokohan lang ang alam niya.

Ilang minuto pa ay natahimik na kami sa paglalakad. Malamig ang simoy ng hangin noon at wala nang tao sa paligid dahil gabi na. Nagulat ako nang biglang sumeryoso pa lalo ang mukha ni Ernis at hinanda niya ang kaniyang sarili. Luminga linga siya sa paligid at hindi ko namalayan na may nakaamba na palang panganib sa amin.

Tatlong palaso ang tumama malapit sa aming mga paa. Hindi ko nakita kung saan nagmula ang mga iyon pero kinabahan na ako. Ang isang palaso ay may nakaipit na baraha. Alas. Pinulot ko iyon at may nakasulat na:

"Para sa binibining Antares, mamamatay ka." Nabitawan ko ang baraha at nagsimulang manginig ang kalamnan ko.

"Poprotektahan kita. Wag ka mag-alala." Sabi ni Ernis.

Ilang sandali pa ay lumabas sa kakahuyan ang isang lalaki. Wala itong suot na pang-itaas pero may puting balabal at may kadenang bakal ito sa magkabilang kamay at paa. May katamtamang pangangatawan, maputlang balat, pulang buhok at matang na parang sa pusa. Nakakakatakot. Kakaiba ang kaniyang hitsura at kung hindi siya isang dyos, isa din siyang dyablo.

"Ang ganda ganda naman ng binibining Antares, kaya nga lang ay mamamatay din." Ngumisi ito ng maluwang.

"Rexel." Iritang sambit ni Ernis.

"Uy, Ernis Decarab. Tagal nating hindi nagkita a. Kumusta na nga pala si Adeia? Balita ko makinis pa din siya ngayon. Hmmm, naaalala ko pa ang nakaraan." Pang-uuyam niya.

"Tumigil ka!" Nakikita kong naiirita na si Ernis sa kaharap. Nagkuyom na din siya ng kamao.

Hindi ko naiintindihan. May kakaiba nanamang nilalang ang gustong pumatay sa akin.

"Sino siya Ernis?" Nanginginig kong tanong.

"Siya si..."

"Shhhsssshh... Hayaan mo akong magpakilala binibini. Ako si Rexel, kilala mo na ang kapatid ko, si Vixem. Kung may asul na dyablo syempre may pula at ako 'yun. Kung ako sa'yo sa akin ka nalang. Hindi nalang kita papatayin at gagawin nalang kitang isa sa mga babae ko." Ngumiti ito sa akin at nilingon ulit si Ernis.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Wala naman, biro ko lang na papatayin ko ang babaeng 'yan. Pinadala lang ako ni ama para siguraduhin na magagawa ni Vixem ang dapat niyang gawin. Nangungulila na si ama kay Vixem e. Pero, sabi niya... Kung hindi susunod si kuya, patayin ko na daw yung babae at maghitay nalang siya ulit ng isang daang taon."

Humalakhak ito at tsaka inayos ang kaniyang buhok. Arogante at nakakainis. Magandang lalaki nga pero malayo siya kay Vixem. Hindi ako makapaniwalang magkapatid sila.

A Bride For Vixem (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon