Prologue

77 20 6
                                    


Minsan ba naisip mo na wala ka nang mapapala sa buhay mo? Tipong walang nagmamalasakit sa'yo? Ako kasi oo. Sino ba naman ang taong gugustuhin ang isang ulilang katulad ko.

Walang tahanan at pamilya, walang may gustong kumalinga.

"Palimos po... maawa na po kayo sa akin, pambili ko lang po ng pagkain."

Pagmamakaawa ko sa isang ale na kakalabas lang sa isang grocery. Umismid lang siya sa akin at tsaka tumuloy sa paglalakad.

Nakaramdam nanaman ako ng awa sa sarili ko. Bakit ba kasi kailangan ko pang maging palaboy?

Bakit ba kasi kailangan kong maging ulilang lubos at tumira sa lansangan. Nanlabo ang paningin ko noon at doon ko nalang napagtanto na lumuluha na pala ako.

Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan at hindi ko alam kung saan ako sisilong. Tumakbo ako hanggang sa may makita akong waiting shed.

Nangangatog ako sa ginaw at nagsisimula na ding mangulubot ang balat sa palad ko.

"Ang ganda ng marka sa likod mo hija ah." Nagulat ako nang biglang may magsalita mula sa likod ko.

Wala pang nakakakita sa marka sa likod ko bukod sa akin. Iniangat ko ang punit-punit na manggas ng aking damit para muling maikubli ang aking likuran.

"May naghahanap sa iyo hija." Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na ang taong iyon at nakita ko ang isang pulubing matandang babae.

"Ano po ang sinasabi niyo?"

"Kahit na nasaan ka pa ay mahahanap ka ng tadhana mo."

Ngumiti ito sa akin at tsaka naglakad na palayo hanggang sa hindi ko na siya natanaw pang muli.

Ano kaya ang ibig sabihin ng matanda?

Saglit lamang iyon na bumagabag sa akin at bumalik nanaman ako sa sentimyento ng pagiging malungkot.

"...Kahit nasaan ka pa, hindi mo matatakasan ang iyong tadhana."

A Bride For Vixem (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon