Nakakalungkot ang naging kwento nila Ernis at Baylan Ade. Mayroon pala silang mapait na nakaraan at kaya nanggagalaiti si Ernis sa pulang dyablo na si Rexel ay dahil sa tinanggap nito bilang alay ang kaniyang pinakamamahal.
"Makasarili ka! Hindi mo kayang ipaglaban ang mahal mo!" Sigaw ni Kisana.
Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Tumalikod si Ernis at naglakad palayo. Mukhang wala na siyang balak na ipagpatuloy ang laban nila. Bakas na bakas sa mukha niya ang kalungkutang matagal nang nakatago sa kaniyang dibdib. Mababanaag pa sa mga mata niya ang mga luha.
Habang naglalakad siya palayo ay nakabangon muli ang kalaban.
Sumugod ito at akmang sasaksakin sa likod si Ernis. Nasa panganib siya sapagkat Hakuszia din ang makakapatay sa kapwa nito. Humarap siya at sinalag ang espada. Lubhang napinsala ang kamay niya at umagos ang itim na dugo mula sa kaniyang sugat.
"Pareho tayo." Malamig niyang sambit at tsaka tinadyakan sa sikmura si Kisana. Bago pa ito makabawi ay nakaabang na sa leeg nito ang kalawit ni Ernis.
"Magkaiba tayo Decarab. Makasarili ka."
"Pareho lang tayong gumagawa ng bawal. Mas masahol ka pa dahil nagmamahal ka ng mas mataas na uri kaysa sa'yo." Hinawakan niya ang tirintas nito at inilapit ang bibig sa may tainga nito.
"Mahal mo si Rexel 'diba? Kaya gusto mong masunod siya lagi? Kahit ayaw mo ay gagawin mo pa din? Nasaan ang dangal mo bilang Hakuszia? Pinutol niya ang isang tirintas ni Kisana at itinago. Muli niya itong tinadyakan at sa pagkakataong iyon ay nawalan na ito ng malay.
"Wala kang alam kung bakit ko ginawa ang mga bagay na 'yun." Sabay lakad palayo. Siguro at pupuntahan niya si Vixem.
Umalis naman si Rexel at nakita kong binuhat niya ang walang malay na si Kisana. Pagbalik nila ay bumalik na din ang malay nito. Lumuhod ito at niyakap ang mga paa ng amo.
"Kamahalan, patawarin niyo po ako. Natalo ako at hindi ko po mapapatawad ang sarili ko dahil doon." Lumuluha ito ng todo at talaga namang nakakaawa siyang panuodin.
Hindi umiimik si Rexel kahit na abot-abot ang paghingi ng tawad ng kaniyang bantay.
"Patayin niyo nalang po ako kamahalan, mas mapapanatag pa po ako ng ganoon kaysa maglingkod sa inyo ng alam kong nabigo ako."
Hindi ko inaasahang sasabihin ni Kisana ang mga salitang iyon. Totoo nga siyang matapat na alagad. Napakalaking sampal sa kaniya ang nangyaring pagkatalo sa kaniya ni Ernis.
Sumama ang tingin ni Rexel sa kaniya. Walang puso at malamig na tingin.
"Anong mapapala ko kung papatayin kita? Tinatamad ako." Muling ibinaling ng dyablo ang antensyon sa akin.
"Maglibang ka muna dyan. Matutulog lang ako at paggising ko maglalaro tayo. Isipin mo kung anong gusto mong makita at mapapanuod mo dyan sa bato."
Nagsimula nang matulog si Rexel at ako naman ay sinubukan kung uubra nga ang sinabi niya. Inisip ko ang mga kapatid ko at iyon nga ang lumabas.
"Ang galing!" Napasigaw ako sa tuwa.
"Shhssshhssshh! 'Wag kang maingay!" Saway sa akin ni Kisana.
"Pasensya na." Nahihiya kong sabi.
Nakita ko ang mga kapatid ko. Nakita ko na naglalakad sila palabas ng ampunan. Nagtaka ako noon dahil gabi na pero lalabas pa din sila. Pinagpatuloy ko ang panunuod at nakita ko na kasama nanaman nila si Meliana.
"Halina kayo mga bata, may ipapakilala ako sa inyo."
"Sino po?"
"Cora halika na." Mula sa dilim ay lumabas ang isang nilalang, nanlaki ang mga mata ng mga kapatid ko dahil hindi naman si Cora ang bagay na iyon. Isang naaagnas na ulo na nakakabit sa katawan ng isang aso ang lumantad sa harapan nila. Takot na takot ang mga kapatid ko at kahit akong nanunuod lang ay talagang kinilabutan sa hitsura ng halimaw na iyon.
Pulang pula ang mga mata nito at may mahahabang mga pangil. Nakakasuka at nakapandidiri. Kahit akong nasa edad na ay hindi kinakaya, paano pa kaya ang mga musmos kong kapatid?
"Hindi naman po 'yan si Cora!" Umiiyak na sabi ni Millie.
"Si Cora 'yan. Binuhay na siya sa ibang katawan ni inang Hefisia." Sagot naman ni Meliana.
"Sinungaling kayo! Hindi po 'yan ang kapatid namin!"
Sinampal ni Meliana si Maila sa irita dito.
"Si Cora yan! Kapag hindi kayo nagtino at kapag sinubukan niyong umalis dito... Siya mismo ang kakain sa mga lamang loob niyo! Pumasok na kayo sa loob! Bukas ng gabi, kayo ang magpapakain sa kapatid niyo."
Nanginginig na sumunod ang mga kapatid ko at pumasok na nga sila sa loob ng ampunan. Takot na takot sila at ganoon din ako. Nag-aalala ako para sa kaligtasan ng mga kapatid ko. Baka bigla nalang mabaliw si Meliana at patayin sila.
"Maila... Millie."
"Alam mo, noong nasa mundo pa ako ng mga tao nakatira, may kapatid din ako." Nagulat ako nang magsalita si Kisana.
"Huh? Paano nangyari 'yun?"
"Anak kasi ako ng dyos ng mga bituin at ng isang tao. Kaya naman sa mundo ako ng mga tao lumaki. Mabait ang mga kapatid ko at mahal na mahal ko sila. Pero, patay na sila dahil hindi naman ako tumatanda pero sila oo. Kinuha ako ng konseho para maglingkod para kay Rexel dahil siya ang kasabay ko na ipanganak."
Tinitigan ko si Kisana noon at ang ganda pala niya. Isang binibining nagkukubli sa kasuotan ng isang mandirigma. Napansin ko din na ang ganda pala ng mga mata niya. Parang hawak niya ang kalawakan sa mga mata niya lang.
"Gusto kitang tulungan na iligtas ang mga kapatid mo." Ngumiti siya sa akin.
"Pero... Bakit? Kaaway ka namin."
"Hindi naman. May misyon lang talaga kami ng kamahalang Rexel. Pero personal kong kagustuhan na tulungan ka. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa'yo binibini." Muli nanaman siyang ngumiti at sa pagkakataong iyon ay nalalaman ko na totoo siya sa kaniyang mga sinabi.
BINABASA MO ANG
A Bride For Vixem (Editing)
ParanormalJust a Gothic love story. Isang babaeng nakatakda para sa isang diyablo ng bayang Memento Mori. Si Antares Monte Agua ang ika-isandaang batang babaeng ipinanganak sa bayang iyon kaya naman siya ang nakatakda para kay Vixem, ang diyablong nagsumpa sa...