Sa Piling ni Vixem

40 5 0
                                    

Hinaplos ko ang buhok nila Maila at Millie. Pinaupo ko sila sa kama ko at sinuklayan.

"Patawarin niyo sana ako kung nagawa ko kayong iwanan sa ampunan. Hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari." Tumulo ang mga luha ko noon.

Nakita ko na tumitig sila sa akin at ngumiti.

"Ang importante, binalikan mo kami ate." Narinig ko na muling nagsalita si Maila at talagang napuno ng saya ang puso ko dahil doon. Akala ko ay napakalaki pa din ng galit niya sa akin dahil doon.

"Salamat sa inyo at nagawa pa din ninyo akong patawarin. Sobrang paghihirap ang dinanas ninyo dahil sa akin."

"Wag mong sisihin ang sarili mo ate. Walang may gusto na mapahamak kami." Yumakap sa akin si Millie at talagang nanabik ako sa kanila ng matagal.

Noong gabing iyon ay natulog kami ng magkakatabi; bagay na noon lang ulit namin nagawa.

Sa aking pagkakahimbing ay natangay ang aking diwa sa isang panaginip. Nakita ko ang mga nilalang na malalapit sa akin na nawala na.

Sila mama, papa, Cora, Ernis, Kisana at nanang Celsa. Lahat sila ay nakangiti sa akin at  nagpapaalam. Kumakaway sila sa akin at hanggang sa hindi ko na sila matanaw pa. Nalungkot aki ngunit naging masaya na din dahil alam ko na masaya sila para sa akin at magagawa ko na ang nakatakda para sa amin ni Vixem.

Buo ang loob ko na pakasalan siya sa ngalan ng nakatakda at sa ngalan ng pag-ibig.

Nagmulat ako ng mata at mataas na ang sikat ng araw noon. May araw? Matagal nang hindi sumisikat ang araw sa Memento Mori ng ganoon kaliwanag. Kadalasan kasi laging makulimlim ang langit.

Magandang araw para sa akin. Nagtungo kami ng mga kapatid ko sa bahay ni Baylan upang tumingin ng mga damit para sa mga kapatid ko at habang nasa daanan kami ay hindi ko maiwasang malungkot dahil wala na ni isang mga tao.

Sinapit namin ang bahay ni Baylan at doon nga kami namili ng mga bestida para sa mga kapatid ko. Dapat lang na maayos din sila sa gabi ng kasal ko.

"Ang gaganda niyo naman." Puri nu Baylan sa kanila. Si Maila ay nakapula habang si Millie naman ay naka asul na bestida. Naalala ko ang magkapatid na sila Rexel at Vixem sa kanila.

"Masaya ka ba ngayon?"

"May parte ang malungkot at may parte naman ang masaya."

"Wala na ang mga kaibigan ko."

"Pagkatapos nito ay magiging masaya ka na ng tuluyan." Ngumiti siya sa akin na parang may pahiwatig. Nagtaka ako kay Baylan dahil hindi na siya mukhang malungkot. Nakakangiti na siya ulit ng totoo. Nakikita ko iyon sa kaniyang mga mata.

Bumalik na kami sa mansyon at nag-ayos. Hinintay namin na sumapit ang hapon at tsaka kami gumayak.

Isinuot ko ang aking damit pangkasal at nagtulong naman ang mga kapatid ko upang suklayin ang buhok ko. Itinirintas nila ang mga gilid at tsaka inipit ang belo. Nilagyan din nila ng mga bulaklak na rosas ang ulo ko bilang putong.

Maganda pa din ang mga rosas na asul sa hardin at iyon na din ang ginamit naming bungkos para sa kasal ko.

"Ang ganda ganda mo ate." Saad ni Maila. Nakakatuwa na may katuwang ako sa pag-aayos ng aking sarili para sa mahalagang yugto ng aking buhay.

Sumapit na noon ang alas diyes ng gabi at inaasahan kong susunduin na kami ni Rexel.

Sumulpot na lamang ito bigla mula sa isang lagusan.

"Ang ganda ng bulate ngayon ah." Natatawang sabi nito.
Nainis ako noon pero natawa din pagkatapos. Sadyang ganoon lang talaga si Rexel. Mahilig mang-inis.

A Bride For Vixem (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon