WAG AKO
Matamis sa una,
Nung tayo palang ay magkakilala,
Nilamon ng emosyon,
Naging tayo ng wala sa panahon.Ang tamis mo sakin,
Buong oras mo'y nasa akin,
Pinapakita mong ako'y mahal mo,
Hindi alintana na ako pala'y ginagago mo.Isang araw ay namulat,
Kaso nung araw na'yon ay isang mata ko lang ang dilat,
Hindi naanigan ng katotohanan,
Kahit na alam ko na ako'y masasaktan.Wala akong ginawa,
Ni hindi moko narinig ngumawa,
Pinabayaan kita,
Dahil para sakin ay minamahal kita sinta.Dumating ang araw na dalawang mata'y dumilat,
Halos sinampal ako ng tadhana; kanan at kaliwa,
Sa harap ko mismo,
Ginawa mo akong gago,
Sa harap ko mismo,
Parang sinampal moko na wala akong kwentang tao.Akala ko'y ako lang,
Yun pala'y may iba kang inuulam,
Akala ko'y tapat ka,
Yun pala'y katulad karin ng iba.Ngayo'y nagsisi dahil bakit ikaw pa?
Ikaw na akala ko'y habambuhay na; Yun pala'y hampaslupa ka,
Mahal wag ako,
May prinsipyo ako di tulad ng mga babae mo,
Malinis ang pakay ko; hindi tulad ng ginawa nyo,
Wag ako ang lokohin mo,
Wag ako.
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ng Pag-ibig (RANDOM THOUGHTS[ongoing])
PoetryIsa po itong libro na may mga kabanatang may nakapaloob na tula. Para po ito sa mga taong nagmahal, nasaktan, iniwan, nagmakaawa, pinaasa, umasa, niloko, para sa lahat! Sana po'y inyong magustuhan ^^