UMAASA AKO
Nakadungaw sa bintana,
Ang init ay di alintana,
Mga taong nagdaraan,
Humihiling na ika'y dumaan.Ikaw ang taong nasa isip ko,
Mula't sapul na ginulo mo ang
Tahimik na buhay ko;
Ginulo mo, binago mo,
At ngayo'y naguguluhan;
Ano nga ba ang kahahantungan.Ako'y naglalakad sa isang daan,
Isang daan na hindi ko alam,
Isang daan na gusto kong pagsisihan; pero ayoko,
Ayoko dahil umaasa ako,
Ayoko dahil gusto kong bumalik ka sa buhay ko,
Ayoko dahil gusto kong maranasan ulit sa piling mo,
Ayoko dahil umaasa ako,
Umaasa akong pupunan mo ang pagkukulang mo,
Umaasa akong ibabalik mo ang nakaraang masaya tayo,
Umaasa ako dahil mahal kita,
Umaasa ako dahil minahal kita,
Sana bumalik ka,
Sana bumalik kana.Nandito lang ako,
Nakasulyap sa bintana,
At hinihintay ang pagbabalik mo.
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ng Pag-ibig (RANDOM THOUGHTS[ongoing])
PoetryIsa po itong libro na may mga kabanatang may nakapaloob na tula. Para po ito sa mga taong nagmahal, nasaktan, iniwan, nagmakaawa, pinaasa, umasa, niloko, para sa lahat! Sana po'y inyong magustuhan ^^