KAHIT MINSAN LANG
Naging tayo,
Dahil sa mabulaklak mong pagsuyo,
Pero nagtagal lang tayo ng ganito,
Dahil sa paulit-ulit na bati at tampo.Tatlong salita,
Kung saan gusto kong magsimula,
Magsimulang magsalita ng kahit minsan lang,
Kahit minsan lang maging karapat dapat kang mister na sa altar ay nakaabang.Kahit minsan lang iwasan natin mag-away,
Para kasi tayong asong tumatahol ng walang dahilan,
Sana kahit minsan lang maging mabuti tayo sa isa't isa,
Tulad ng pagsasamang maria clara't ibarra.Sana maging masaya tayo kahit minsan,
Tulad ng mag-asawang masayang naghahabulan sa gitna ng dalampasigan,
Sana maging prinsipe't prinsesa tayo kahit minsan,
Yun para bang tayo'y may happy ending na at tuloy pa sa kasalan.
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ng Pag-ibig (RANDOM THOUGHTS[ongoing])
PuisiIsa po itong libro na may mga kabanatang may nakapaloob na tula. Para po ito sa mga taong nagmahal, nasaktan, iniwan, nagmakaawa, pinaasa, umasa, niloko, para sa lahat! Sana po'y inyong magustuhan ^^