Entry | 0004

167 3 0
                                    

MAG-ISA

Ako'y dumilat,
Sa ganda ng umaga'y ako'y namulat,
Bumangon; Umupo; uminom ng hindi kaayang-ayang lasa ng kape,
Yun yung palaging ginagawa ko; mapaumaga't gabi.

Hindi ko maikakaila sa aking sarili,
Na ako'y nag-iisa sa kamang malamig gabi-gabi,
Mga kabalastugan ay ginagawa,
Sa kadahilanang ako'y mag-isa lang talaga.

Ayoko ng maging ganito!
Maging isang santa na walang santo,
Maging isang dalagang walang lalaki,
At matulog ng walang kayakap sa malamig na gabi.

Gusto kong magkaroon ng kasama,
Sa panahong laganap ang salitang pamana,
Maging isang butihing asawa,
Ngayon man o sa susunod na taon pa.

Nasa'n kana ba ha?
Wag ka ng magtago pa,
Pakiusap lang; ako'y handa na,
Sa pagtanggap sayo bilang aking sinta.

Wag ka ng magtago pa,
Kasi ayoko ng maging si Maria Clara;
Na nakadungaw sa bintana;
Habang hinihintay ang aking sintang si Ibarra.

Ang Tula Ng Pag-ibig (RANDOM THOUGHTS[ongoing])Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon