KASALANAN
Kasalanan bang maging ganito?
Kasalanan bang maging santo sa harap mo?
Kasalanan bang magpanggap na maging katanggap-tanggap sa kaibigan mo?
Kasalanan bang maging gago para sayo?Ako'y isang batang uhuging may gustong makamit,
Makamtan ka katumbas ang langit,
Maging isang katanggap tanggap na persona kahit may ngunit,
Gusto kitang mahalin kahit na kita'y unti-unting pinupunit,Ayokong maging makasalanan sa harap mo,
Ayokong umalis sa sirkulo,
Kung saan nandyan ka sa iyong truno,
Ika'y reyna ko kahit saan man patungo,
Maging makasalanan man o maging santo ako.
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ng Pag-ibig (RANDOM THOUGHTS[ongoing])
PoesiaIsa po itong libro na may mga kabanatang may nakapaloob na tula. Para po ito sa mga taong nagmahal, nasaktan, iniwan, nagmakaawa, pinaasa, umasa, niloko, para sa lahat! Sana po'y inyong magustuhan ^^