Entry | 0001

321 8 2
                                    

DATING TAYO

Isang kataga,
Labing isang letra,
Pero para sakin ika'y sapat na.

Sa isang araw at gabi'y tayo'y nag-uusap,
Sa araw at gabi'y sayo'y palaging nakasulyap,
Isang malaking tandang pananong saking isipa'y gumulong,
Ika'y nakilala sa nakaraan,
Ika'y pumasok sa buhay ko't dumaan,
Naging modelo ng buhay ko,
Hanggang sa ika'y naging inspirasyon nung naging tayo.

Pero ang araw ay dumaan,
Hinambalos, winasak, at dinurog ang relasyong iningatan,
Nawala; bumalik; nawala; at bumalik ulit.

Tadhana na mismo ang nagdesisyon,
Ang relasyon na dapat na ibaon,
Pero hindi ko magawa dahil ito'y may koneksyon;
Sa puso kong ikaw lang ang minahal; noon at ngayon.

Masakit isiping nakakulong ka sa iyong nakaraan,
Masakit isiping binigo ka ng iyong dapat kinasadlakan,
Pero nandito ako,
Tinitiis ang lahat ng to',
Nasasaktan ng hindi mo namamalayan,
Hinihintay ang kinahahantungan.

Gusto kong ibalik kung ano tayo noon,
Gusto kong ibalik kung ano man meron satin noon,
Gusto kong punan ang pagkukulang ko ngayon,
Kahit na ang isipan mo'y hindi sakin naaayon.

Ang panliligaw ko sayo'y sanay madama mo,
Dahil iyong iyo ako mahal ko.

Ang Tula Ng Pag-ibig (RANDOM THOUGHTS[ongoing])Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon