AYOKO
Sa isang pop-up,
Nagbago lahat,
Sa isang pop-up,
Puso ko'y iyong buhat,
Sa isang pop-up,
Nawala lahat,
At sa isang pop-up,
Natulog ang puso ko't di na dumilat.Ng dahil sa pop-up ng messenger,
Ng dahil sa pop-up na palaging appear ng appear,
Nakilala kita wala sa oras,
Kinilala ang buhay mo't ugali'y di pinalampas,
Pero kung gaano kabilis kitang nakilala,
Ganun din kabilis kitang kakalimutan at ayoko ng maalala pa.Ayaw kitang maalala pa,
Para kanv bangungot na sakin isipa'y nakatatak pa,
Ayaw kitang makilala pa,
Ang pananakit mo sakin at paggulo kasama ang masama mong persona.Ayoko na sayo,
Ayoko ng maging biktima ng sariling bangungot ko,
Ayoko na sa mga lalaking tulad mo,
Dahil ayokong patayin ako ng sariling desisyon na ginawa ko,
Ayoko na sayo,
Ayoko na sa mga pananakit mo.Ayoko ng magmahal ng tulad mo,
Ayoko ng lalaking walang alam kundi paiyakin ako,
Ayoko sa lalaking di kayang mahalin ako ng buo,
Ayoko na sa lalaking ni hindi man lang ako binigyan ng halaga,
Ayoko sa lalaking magaling lang sa una,
Ayoko sa lalaking una pa lang ng pagsubok umaayaw na,Ayoko...
Ayoko...
Ayoko ng magmahal ng mga katulad mo...
Ayoko..
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ng Pag-ibig (RANDOM THOUGHTS[ongoing])
PoesíaIsa po itong libro na may mga kabanatang may nakapaloob na tula. Para po ito sa mga taong nagmahal, nasaktan, iniwan, nagmakaawa, pinaasa, umasa, niloko, para sa lahat! Sana po'y inyong magustuhan ^^