Entry | 0012

7 0 0
                                    

BAKIT

Bakit nung una nating pagkikita'y naramdaman ko'to?
Bakit nung nagkilala tayo'y ang bait-bait mo?
Bakit nung medyo magkalapit tayo'y ang lambing-lambing mo?
Bakit nung naging tayo'y ang lamig-lamig mo na mahal ko?

Bakit nung una'y inaalala mo'ko?
Bakit nung una'y pinaparamdam mo na mahal mo'ko?
Bakit ngayon ay wala ka ng pakialam mahal ko?
Bakit ngayon ay ang lamig-lamig mo na sakin at pinaparamdam mo na wala lang ako sayo?

Mahal sabi mo'y nasa bahay ka ninyo,
Bakit mahal nakikita kita ngayong may kasamang babae sa MCDO?
Mahal sabi mo'y kaibigan mo lang sya,
Bakit mahal ang saya't saya niyo habang nakayakap kayo sa isa't isa?

Bakit mahal nasasaktan ako?
Bakit mahal parang pinapakita mong mas masaya ka sa piling nya kesa sa piling ko?
Bakit mahal iba ka tumingin sa kanya?
Bakit mahal parang iba yung turing mo sakin kesa sa kanya?

Bakit mahal parang iba yung mundo niyong dalawa kahit nasa pagitan nyo'ko?
Bakit mahal parang tumatagos yung tinginan niyong dalawa kahit nakaharang ako?
Bakit mahal parang naiinis ka pagpinag-uusapan natin syang dalawa?

Bakit mahal parang naiinis ka pagtinatanong kita tungkol sa kanya?
Bakit mahal hindi ka makasagot sakin ng deretso sa mata,
Pagtinanong kita ng "mahal, sino ba saming dalawa?"

Dumating yung araw na sinampal ako ng katotohan,
Katotohanang pinagsisihan ko kung bakit ko inalam,
Mahal, nasagot lahat ng "bakit" na nasa isipan ko simula nung umalis ka't lumisan sa buhay ko.



Ang Tula Ng Pag-ibig (RANDOM THOUGHTS[ongoing])Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon