MAHAL KITA NOON, HINDI NA NGAYON
Mahal kita noon,
Hindi na ngayon,
Kasi noon,
Ibang tao ang nakilala ko kesa ngayon,
Mas pinahalagahan ako noon,
Mas binigyan ako ng halaga nung lalaking yun,
Mas naramdaman ko yung pagmamahal ng lalaking yun na saki'y nakatuon,
Pero iba na ngayon.Ngayon,
Para bang bumaliktad ang mundo kung saan hindi dapat nakaayon,
Para bang umihip ang hangin sa ibang dereksyon,
Ibang iba yung lalaking nakilala ko noon kesa ngayon,
Ibang iba yung ugaling pinakita nya noon kesa ngayon,Minsan naisip ko,
Naisip kong ihalintulad sa isang bagay ang salitang "tayo",
Para tayong nasa isang orasan,
Umiiba ang lahat pag nag-umpisang kumilos ang kanan,
Nilalayo tayo sa nakaraan,
Kung saan masaya tayo't nagmamahalan,Alam mo at alam ko,
Na mahal natin ang dating tayo,
Pero ngayon para bang yelo,
Naging yelo ang nakaraang ating binuo,
Nalusaw ang pagsasamang binuo natin noon,
At napalitan ng lamig ang bawat puso natin ngayon,
Mahal natin ang isa't isa noon,
Pero para bang kay sakit sabihin na hindi na ngayon.
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ng Pag-ibig (RANDOM THOUGHTS[ongoing])
PoetryIsa po itong libro na may mga kabanatang may nakapaloob na tula. Para po ito sa mga taong nagmahal, nasaktan, iniwan, nagmakaawa, pinaasa, umasa, niloko, para sa lahat! Sana po'y inyong magustuhan ^^