PAULIT-ULIT
Ako'y nakatingin sa isang laruan,
Laruang pabalik- balik ang alam,
Mata'y namula,
Habang nasa isip ko'y ako'y ganun din pala.Paulit-ulit ang nangyayari sa buhay ko,
Paulit-ulit akong nagmamahal ng maling tao,
At Paulit-ulit akong napupunta sa ibang distinasyon,
Dahil inuulit ko rin ang mali-mali kong desisyon.Paulit-ulit akong sinasaktan,
Na para bang binagsakan;
Ng napakaraming bato, kung saan;
Tagos mula kaluluwa ko't katawan.Paulit-ulit akong ginagago,
Dahil alam ko't alam mo na tanga 'ko,
Paulit-ulit akong winawasak,
Kung saan ako yung bato;
Ikaw yung kutsilyo;
Kaya yung sakit at hapdi sa'kin ay lalong tumatak.Pero paulit-ulit parin akong nagmamahal,
Dahil ayokong mamatay ng hindi man lang tinatanggal;
Ang sakit na sakin ay dinulot ng paulit-ulit,
Kaya pakiusap lang,
Ibahin mo sa puso ko ang nakaukit.
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ng Pag-ibig (RANDOM THOUGHTS[ongoing])
PuisiIsa po itong libro na may mga kabanatang may nakapaloob na tula. Para po ito sa mga taong nagmahal, nasaktan, iniwan, nagmakaawa, pinaasa, umasa, niloko, para sa lahat! Sana po'y inyong magustuhan ^^