AF2

3.3K 95 10
                                    

Bronze's POV:

           "Sir, napag alaman ko po na nung araw na sumabog ang sinasakyan na kotse ni Ms. Gem ay yung araw din kung kelan nawala ang babae na 'to."

May inilapag sya na isang picture ng babae na halos nasa edad ko rin sa lamesa na nasa harapan namin. Mabilis kong kinuha ang picture at sinuri.

           "Sinuri ko ho ang mga kalapit na lugar kung saan nangyari ang aksidente at may natagpuan po akong isang maliit na baryo doon at doon ko po nalaman ang lahat ng ito." Seryoso lang akong nakikinig pero ang tibok ng puso ko ay unti-unting mas lumalakas ang paniniwala na buhay si Gem. Buhay ang mahal ko! "Ang sabi ho ng mga tao doon ay huli nilang nakita ang babae na yan" Itinuro nya ang picture na nakalapag sa lamesa. "Nung hapon bago mangyari ang aksidente upang mangahoy sa kagubatan at ni hindi na nila ito nakitang bumalik hanggang sa gumabi na at nabalitaan nalang po nila ang nangyaring aksidente pero hindi na po matukoy ang bangkay dahil nga ho ito'y sunog na."

Napatango naman ako sa mga sinabi nya.

          "I want you to check it immediately. I don't want false hopes detective." Matapang kong sabi at tiningnan sya na tumango sa akin.

          "Masusunod ho sir." Sagot nya bago nagpaalam sa akin.

Finally! May isa ng pag asa na baka sakaling tama ang sinasabi ng puso ko na buhay nga si Gem.

Dinukot ko sa bulsa ang cellphone ko habang palabas ng restaurant kung saan kami ng kita ni Detective ng tumunog ito.

           "What?!" Sikmat ko kaagad sa tumatawag.

           "Where are you Tito Bronze?! Namumuti na mga mata kakahintay sayo aba!" Salubong naman din sa akin ng nasa kabilang linya kaya napatingin ako sa cellphone to see Cob's name in it.

           "I'm on my way." Alam kong sasagot pa sya kaya sinundan ko na kaagad. "Just order first." Sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at nag drive papunta doon. Inuna ko kasing i-meet si Detective at hindi din naman ako mapapakali hanggang hindi ko nalalaman ang gusto nyang sabihin. At tuluyan na ngang nawala sa isip ko ang lunch with them dahil sa nalaman ko.

Pag dating ko sa restaurant kung nasaan sila ay nagsimula na kaming kumain. Kumpleto sila, hanggang ngayon ang samahan na itinayo nila noon ay matatag pa din ngayon.

         "Bakit ba late ka Tito? Maaga naman kami nagpa schedule aa?" Nagtatakang tanong ni Lexie kaya ngumisi ako at uminom ng tubig.

Pinunasan ko muna ang nguso ko bago sumagot.

         "I need to see an important person first kaya ako nalate." Malamig ko naman sagot kaya nilingon nila ako.

           "Aa Tito." Nilingon ko naman si Hope ng tawagin nya ako. "Kung may time ka, iimbitahan ka sana namin sa friday sa mansion. That's my birthday." Mahina nyang sabi.

5 years ago ng huli akong makisama sa mga trip nila at limang taon na din ang nakakalipas ng huli akong tumuntong sa mansion though madala akong dumalaw kay Mama kung saan sya nakalibing.

           "Susubukan ko." Tiim bagang kong sabi. "Madami din kasi akong aasikasuhin sa company ngayon dahil nangangailangan kami ng architectural firm kung saan may mga bago at magagaling na architect." Sabi ko sa kanila kaya napatango naman sila.

          "We'll wait for ypu on friday then." Singit naman ni Chesca na nakatingin sa cellphone. "I need to fetch Chester already." Sabi nya at tumayo na kaya tumayo na din kami. "Bye guys!" Paalam nya pagkatapos bumeso.

           "Hoy Cooob! Bayad-bayad." Malakas na sabi ni Josh kaya napapalingon sa amin yung mga tao.

          "Aba anong ako?! Ikaw naman! Kuripot nito." Sagot naman ni Cob bago nag mamadaling lumabas ng restaurant ng nakangisi.

          "Kuya Teejay?" Tawag ni Josh kay Teejay na ngumisi at sumunod na din kay Cob. Bahagya pa nitong tinapik sa balikat si Josh na unti-unti ng nalulugmok.

Tumingin si Josh kay Hope at Lexie na nilakihan lang sya ng mata bago bumeso sa akin at nagpaalam na lalabas na din. Hanggang ngayon mga bully pa din sila.

Lumapit ako kay Josh at humawak sa balikat nya. Naglapag ako ng 5 thousand sa table bago sya hinila palabas ng restaurant. Bumalik ang sigla sa mukha nya kaya napailing nalang ako.

Nagpaalam din ako kaagad sa kanila at madami pa akong aasikasuhin sa office.

Mabilis ko naman narating ang kumpanya ko at taas noo akong dumiretso sa opisina. Naabutan kong nakikipagkwentuhan si Daisy sa labas at napaayos sya ng makita ako.

Kita ko ang takot sa mukha nya at bahagyang pag ayos ng damit nya habang papalapit ako. Daisy is beautiful, I can say that! She's kind and obedient. She knows how to interact with people, she had the body and mestiza skin but I dont like her. Never na akong naattract sa babae since I fell hard on Gem.

            "My schedule Daisy." Sabi ko at dumiretso sa loob ng opisina.

Tinanggal ko ang coat ko at ibinaba sa sofa bago dumiretso sa swivel chairm. Itinitiklop ko ang long sleeve ko until it reach my elbows ng pumasok si Daisy at kita ko ang pag ngisi nya sa ginagawa ko.

           "Siir." Napalingon ako sa kanya dahil iba ang tono ng boses nya.

Kita ko ang paglapit nya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Ibinaba nya ang planner sa table ko at lumapit sa akin. Dahan-dahan nyang niluwagan ang neck tie ko at bahagyang hinagod ang dibdib ko.

          "I know you want me sir. Alam ko pong matagal na kayong hindi nakakaranas ng sarap." Pababa ng pababa ang kamay nya at bago pa ito dumapo sa kung saan ay hinuli ko na nag kamay nya at itinulak sya palayo.

Tumayo ako at tiim bagang syang tiningnan at kita ko pa ang gulat sa mga mata nya.

         "No one dare to touch me! At sa susunod na gawin mo yun, hindi ako mag aatubiling humanao ng bagong secretary!" Namutla naman sya dahil sa hiyaw ko. "Now, get out!" Madiin kong sabi at halos madapa naman sya sa pag sunod.

Akala ba nila hindi ko sinubukan? I try! Sumubok akong gumamit ng babae just to forget Gem but everytime na gagawin ko yun may isang bagay na magpapaalala sa akin sa kanya.

Sinubukan ko na paniwalaan na patay na sya pero ayaw talagang maniwala ng puso ko. Ayaw ng maghanap ng iba ng puso ko. Si Gem lang ang gusto nito. Si Gem lang ang kukumpleto sa pagkatao ko. Si Gem lang ang mahal ko. Sya lang ang may karapatan sa akin. Sya lang at wala ng iba.

At dahil sa nangyari, I cancelled all my meetings dahil alam kong mapagbubuntunan ko lang silang lahat ng galit. I locked my office and drunk until I'll get wasted. Dito sa opisina ko ako mas sumasaya kasi kahit sa larawan man lang, nakikita at nakakasama ko sya.

. . . . . . . . ...

Hala! Wala akong maisip na paraan kung paano na? Hahahaha 😂😂 Sana so far nagugustuhan ko. Salamat guuuys! Mwuaps! 😘😘😭 #NoBrain

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon