AF8

3K 108 22
                                    

Bronze's POV:

Inis at kunot noo akong naglalakad papasok ng kumpanya.

         "Paanong nangyari 'to?!" Galit kong tanong pagkapasok na pagkapasok ko sa conference room.

Natahimik ang kanina na puro bulungan. Dumiretso ako sa upuan na naka assign sa akin bago sila tingnan isa-isa. Kumukuyom na ang mga kamao ko dahil sa inis. Bukod sa hindi ko nakita ang bata kahapon at ni isa sa mga pang gulo ay walang nakapagturo kung saan ito gumawi ngayon naman sasabihin nila na may nakapasok na kriminal dito sa loob ng company ko.

Hindi biro ang halagang 500,000 na nawala sa company ko at kailangan kong malaman kung sino ang may gawa nito at paano nangyari.

        "I need the CCTV footage yesterday." Madiin kong sabi kaya kaagad naman na kumilos ang secretary ko. "ASAP!*" Nang gigigil talaga ako sa inis dahil sa nangyari. This is the first time at lahat even the securities are here to explain everything to me.

Mag pasalamat silang lahat at handa sila sa mga kakailanganin ko dahil malapit ng mapagot ang pasensya.

Tahimik ang lahat at matiyaga akong nanunuod sa CCTV ng entrance at exit ng company. Nakita ko din ang pagpasok ng mga nagtatawanan kong pamangkin at hindi nagtagal ay ang paglabas namin ng company but what caught my attention ay yung babae na bumaba sa taxi ng makaalis kami.

Noong una ay nakatalikod pa ito kaya naman para akong na engkanto ng makita ang kabuuan ng mukha nito sa screen.

          "Stop!" Alam kong lahat ay nagulat pero kaagad din naitigil and video sa CCTV.

Pinaulit ko and stop at the same position earlier. Hindi ako pwedeng magkamali, sya yun. Sya si Gem. Sya ang mahal ko at buhay sya. Pero, ano ginagawa nya sa company ko?

. . . . . . . . .

Gem's POV:

Kunot noo kong tinitingnan ang mga empleyado na pabalik-balik at parang problemado. Nakita ko ang isang security na makakasalubong at may kausap ito sa walkie talkie nya.

Nalaglag ang ballpen ko kaya yumuko akoa t pinulot yun. Kita ko pa ang paglampas ng sapatos ng security sa tapat ko.

Ipinagkibit balikat ko nalang ang nangyari at sumakay sa elevator. Nakangiti kong pinindot ang 50th floor, bahagya kong hinila ang laylayan ng dress na suot ko at ngumiti sa reflection ko.

Hindi din nagtagal ay narating ko ang 50th floor at lalo akong nagtaka ng parang ghost town ang taas dahil ni isang tao ay wala. Dumiretso naman ako sa sinabing opisina ko kahapon at nag ayos ng kaunting gamit.

Halos isang oras na ako dito ay wala pa ni isa akong nakikita. I'm bored! Wala pa sakin ibinibigay na gagawin dahil the big boss should be the one na may authority na utusan ako and he's nowhere to be found. Haaaay!

Dumukdok ako at nag desisyon na matulog muna, napuyat kasi ako sa dalawang chikiting ko kagabi kakasagot ng mga walang katapusan nilang tanong. Hindi naman siguro ako mahuhuli dito ng kahit sino. Pinapatupad naman siguro dito ang kasabihan na 'knock before you go.'. Saglit lang 'to. Promise.

Hindi pa ako naiidlip na nakarinig ko ng mahinang pagkatok sa pintuan ng opisina ko pero dahil sa sobrang antok ko ay hindi ko nalang pinansin at tuluyan ng nakatulog.

. . . . . . . . . . . .

Bronze's POV:

       "Kelan yan kuha Tito?!" Nagtatakang tanong sa akin ni Teejay.

Kung kanina ay sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon naman ay hindi na ako mapakali dahil ang babaeng matagal ko ng hinahanap ay nasa paligid ko lang pala.

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon