Epilogue

3.8K 110 33
                                    

Bronze's POV:

Limang taon. Limang taon na ang lumipas ng maramdaman ko ang pag guho ng mundo ko. Yung panahon na hindi ko akalain na kakayanin ko.

Mahirap? Yes. Pero dahil sa mga taong hindi umalis sa tabi ko pinilit kong harapin ang lahat. Masakit man pero alam kong may kapalit na ligaya.

Inihinto ko ang sasakyan ko sa sementeryo na sya naman talagang pakay ko. Napangiti ako as I saw a bouquet of white roses sa passenger seat  at kinuha ito bago tuluyan bumaba sa sasakyan.

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Bumuntong hininga ako bago nag simulang maglakad. Papalapit pa lang ako ng makita ako ng kambal na nauna na dito.

"Paaaaapa!"

Hiyaw nilang sabay bago nagtatakbo palapit sa akin. Ibinaba ko muna ang bulaklak at sinalubong sila ng yakap na mahigpit. I kissed both of them on their head.

"Why are you late Papa?"

Tanong ni Brenda na inakbayan ng kapatid nya kaya napangiti ako. 9 years old na sila and their eyes mirror their mom's eyes

"I need to buy this." Iniangat ko pa ang bulaklak na hawak ko na ulit. "She'll be happy if I gave her this right?"

Sabay silang tumango habang nakangiti kaya ginulo ko ang buhok ni Brent na sinamaan ako ng tingin.

"PAPA!" Natawa naman ako ng bahagya sa mukha nyang iritado na.

"What?" Natatawa at painosente kong tanong.

"Don't mess his hair Papa. He spent almost 1 hour in our mirror to fix that."

Pambubuyo ni Brenda bago nagtatakbo palayo kaya hinabol naman sya ni Brent. Haaay! This is why I live. To spend my life with them.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at ng tuluyan na akong makarating sa grave nya ay naupo na ako at ibinaba ang bulaklak.

"Hey!" Mahina kong sabi at mapait na ngumiti.

If your just here, maybe hindi ganito ang lahat but still I am happy now. Napatingala naman ako ng may yumakap sa leeg ko.

"Hey buddy!" Bati ko sa isang batang lalaki na bigla akong tinalunan sa likod. He is 3 years old.

Humagikgik ito kaya pinupog ko naman sya ng halik bago tumayo at halikan ang babaeng nakabusangot.

"Bakit nakabusangot?"  Loko ko pero lalo lang syang bumusangot kaya naman natawa ako.

Lumapit sa amin si Brent at Brenda para kunin si Broxen Geremy Ford, ang pangatlo namin anak.

"Looove! Broxen's too kulit. He poop that's why I need to clean him on our car pa."

Ngumuso pa sya kaya natawa ako bago sya muling patakan ng halik sa labi. Yes people! My Gem's alive.

I remembered how I cried when the doctor announced the time of death pero hindi pa doon natatapos.

"Time of death. 11:37 PM." Umiyak ako. Lahat kami tumulo ang luha pero hindi ako makagalaw. I can't just accept it. "The baby's gone. Even though dugo palang sya I decided to tell you the time na nawala sya. Nakita ko kasi how you love both of them."

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon