AF25

2.9K 70 4
                                    

Gem's POV:

Nagising ako na wala na ang mga anak ko sa tabi ko that's why I checked the time at mabilis akong napabangon ng makita it's almost 8. Wala pang pagkain ang mga anak ko, baka gutom na ang mga iyon.

I took a half bath bago bumaba. I am wearing a simple white sando and maong short while wearing my flip flops slippers. Paikot-ikot ang mga mata ko at ni anino nila ay hindi ko makita ko.

Mabilis akong napababa sa hagdan pero napahinto din ng marinig ang mumunting boses nila at ang boses ng lalaking kinabubwisitan ko.

"Yes Papa. We helped Mama cooked all of that."

Bahagya akong sumilip para makita ang tinutukoy nito. Napairap ako ng makita si Bronze na nakatingin sa bukas na ref habang ang mga anak nya ay nakaupo sa harap ng lamesa at may mga gatas na kaharap.

"Sorry baby." He kissed Brenda's hair bago lingunin si Brent na nakatingin lang sa kanila at nakabusangot. Kita ko ang pag ingos nito sa Papa nila.

"What did you do ba kasi Papa? We fell asleep waiting for you that's why we don't know if you come late or you really forget us."

Bahagyang humina ang boses nito, naawa naman ako sa anak ko. Lumapit si Bronze sa kanya dala ang kinuhang tubig sa ref bago ito buhatin.

"I'm sorry anak. That's not gonna happen again. Promise."

Bahagya pa itong ngumiti pero napatigil sila ng makita ako ni Brent at sumigaw ito.

"Mama!!" Hiyaw nito at tumakbo palapit sa akin. Binuhat ko naman ito at hinalikan sa pisngi.

"Good morning. How's your sleep?"

Tanong ko at kita ko ang pagbaba ni Brenda mula sa Papa nya bago lumapit sa akin. I kissed her too.

"We slept well Mama." Sagot ni Brenda kaya ibinaba ko na si Brent at parehas silang hinawakan sa kamay.

Nakatingin lang sa akin ang ama nila. Ngayon ko lang napansin na ready na ang breakfast. Lumapit sya sa amin at balak akong halikan ng umiwas ako.

"Kids, wash your hand first."

Paalala ko sa mga bata kaya sabay silang lumapit sa sink. I even saw them na tinulak ang bangko para may matungtungan. At ramdam ko ang pag titig ng pares ng mga mata sa akin.

Bumalik sila sa akin at hindi ko tinapunan ng tingin si Bronze. Brent sit beside me habang tinabihan naman ni Bronze ang babae namin. Kung kahapon ay sobrang saya namin ngayon at halos tunog nalang ng kutsara ang maririnig.

Iniabot sa akin ni Bronze ang rice pero hindi ko iyon pinansin sa halip kinuha ko ang ulam at nilagyan ang plato ko pati ang sa mga anak ko. Bumuntong hininga sya at nilagyan nalang ng rice ang plato ni Brenda. Nang matapos sya at ilapag muli ay tsaka ko lang kinuha ito at naglagay sa amin ni Brent.

"Do you want to go to amusement park today? Let's go! Papa's don't have work today."

Masayang sabi ni Bronze at nilingon ako bago ang dalawang bata. Tahimik lang si Brent habang si Brenda ay mukhang na excite sa sinabi ng ama.

"We have plans today." Singit ko bago pa muling umasa ang mga anak ko sa kanya.

"H--ha?" Nauutal pa sya pero nagsalita na si Brent na parang matanda.

"We will go to Kuya Chester today ate." Tawag nito sa kapatid at nanlaki pa ang mata ng kapatid nya bago masayang tumango. "We will play with him. Maybe, he will not disappoint us."

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon