AF 11

3.4K 105 27
                                    

Gem's POV:

Nagising ako ng masakit ang leeg at parang may mabigat sa kaliwang kamay ko. Bigla naman nanlaki ang mga mata ko ng marealize kong nakasakay nga pala ako sa eroplano kani-kanina lang.

Nilingon ko ang may nag memay ari ng mga kamay na nakahawak ngayon sa kamay ko. At halos hindi ko maialis ang tingin sa natutulog na si Bronze Axel Ford. May biglang kumirot sa ulo ko kaya napailing ako.

Tumingin ako sa labas ng bintana just to see a white sand and a beach outside. Na excite ako kaagad sa nakita ko and I almost shriek kung hindi ko lang naalala ang katabi ko. Hini din nakaligtas sa paningin ko ang isang bahay sa di kalayuan na luma na. Bahagyang pinaliit ko ang mata ko and by the looks of it para syang isang napakalaking bahay nang mga sinauna. Naramdaman ko ang pag galaw ng katabi ko kaya bigla kong hinila ang kamay ko.

Kunwari kong inayos ang buhok ko at pinapagpag ang damit ko which I found lame excuse kasi ni isang alikabok ay wala dito sa eroplano. Natatakot man ay nilingon ko ang katabi ko, bahagyang nag tama ang mga mata namin but he hissed after na ikinataka ko.

Mabilis syang tumayo at nag ayos ng damit bago kausapin ang isang piloto. Nilingon ko naman si Daisy na secretary ni Bronze, ngumiti ako pero nagulat ako ng samaan nya ako ng tingin at irapan. Nagtataka man ako ay ipinagsawalang bahala ko nalang ang ginawa nya. Tumayo na din ako at isinukbit ang bag na dala ko bago tuluyang bumaba.

May isang lalaki na nakaabang sa pintuan ng eroplano para umalalay. Hahawak na sana ako sa kamay nung lalako ng may humawak sa bewang ko, nilingon ko ito pero isang bumababang Bronze ang nakita ko.

Kita ko ang pag senyas nya sa lalaking yumuko sa  kanya bago ito umalis at iniabot ang kamay sa akin. Nanginginig man ako ay hindi ko na pinansin, I hold his hand tightly as I can na parang mahuhulog ako anytime.

Pagkababa ko ay binitawan na nya ako at nauna ng maglakad papunta sa bahay. Nang makalapit ako ay tsaka ko lang napansin ang iilang manggagawa sa lugar. Huminto ako sa tabi nya habang nakatitig sa bahay.

       "It looks old." Simula ko kaya nilingon nya ako. I smile sweetly and talked again. "Are you sure they want to build here their house? Why not resort, right? By the looks of the sand and the place, this will surely click." Comment ko ng maalala na bahay nga pala ang pinagagawa sa lugar na 'to nung client.

         "The client is a private person." Matigas na sabi nya kaya napatango naman ako. Sabagay, I am just a worker here. Haaaay!

          "Why don't we renovate the house instead of building one?" Suggest ko ng makita ang laki ng bahay.

Kinuha ko ang paper and pencil na dala ko at nagsimula ng iguhit ang bahay. Alam ko na tinitingnan lang ako ni Bronze. Kagat-kagat ko ang dulo ng lapis ng mapatingin ako bigla kay Bronze at bigla akong kinabahan ng makita ang maliit na ngisi sa mukha nya. Pamilyar talaga sya sa akin. Hmmmm?

Pagkatapos kong i-drawing ang bahay na luma ay naupo ako sa pinakamalapit na ilalim ng puno kaya naman sinundan nya ako.

          "What do you think Bronze? We can renovate this instead of building one na siguradong matagal magagawa." Tanong ko bago pa sta makaupo sa tabi ko.

            "You choose. The client wants the best and you of all people should know what will be the best." Sabi nya at sumandal sa puno.

Ipinaliwanag ko sa kanya ang balak ko at hindi ako makapagpaliwanag ng maayos dahil sa lakas ng hangin ay sumasabog sa mukha ko ang buhok ko. Nagulat ako ng italikod nya ako at nawalan ako ng kibo ng kalutkutin nya ang buhok ko. Ilang minuto lang ay ipinaabot nya ang isang pantali at itinali sa buhok ko. Nagulat ako ng makita ang braid na buhok ko at hindi ko mapigilan ngumiti.

Sumasakit ang ulo ko, parang may naaalala ako sa nangyari? Mabilis kong hinalungkat ang gamot na inirekomenda sa akin ng Doctor at ininom. Kunot noo naman nya akong tinititigan sa ginagawa ko.

           "What's that?" Rinig kong sabi nya habang umiinom ako kaya naman nilingon ko sya ng bahagya just to see na masama ang tingin nya sa kamay ko kung nasaan ang mga natirang gamot.

            "This?" Takang tanong ko at itinaas ang gamot na ibinigay sa akin ng Doctor sa Baguio. "For migraine." Simpleng sabi ko at ibabalik na sana sa loob ng bag ko ang mga gamot ko kaya nabigla akonng hablutin nya mula sa kamay ko ang mga ito.

            "What the?!" Gulat na sabi ko at tuluyan na syang hinarap.

Halos mapaatras naman ako ng makita ang sama at lamig mula sa mga mata nya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha basta bigla nalang akong kinabahan at natakot sa itsura nya ngayon. Mukha syang papatay ng tao dahil sa galit.

Kuyom ang mga kamao nya at malamog akong tiningnan.

           "Who gave you this?" Seryosong-seryoso ang pananalita nya kaya mabilis akong sumagot.

           "S-sa Doctor sa Ba--Baguio. Nagpacheck up kasi ako after mapadalas ng pagsakit ng ulo ko. Four years ago." Nakayuko at mahaba kong paliwanag.

Napakislot naman ako ng marinig ko ang malakas nyang mura.

           "D*mn it!" Natatakot man ay nilingon ko sya. And right at this moment ay hawak na nya ang cellphone nya. "I want you to investigate the Dictor in..." Hindi nya natapos at nilingon ako.

          "What hospital?" Madiin nyang sabi.

          "Baguio General Hospital." Simpleng sabi ko at hindi ako makapagsalita kung bakit sobrang galit sya sa mga oras na 'to.

           "Baguio General Hospital...Yes Cob, Right.At. This. Moment." Halos lamigin na ako sa tono ng boses nya. "And I'll email you this medicine I'm holding right now. I need you to know what itbis and for what it is. F*ck! I want it ASAP." Pagkatapos nyang sabihin yun ay inis nyang ibinulsa ulit ang cellphone nya.

Napatingin sya sa kamay nya kung nasaan ang gamot ko at bigla iyon ikinuyom. Itinago nya ito sa bulsa nya at nilingon ko kaya napaayos ako ng tayo.

Yumuko sya para pulutin ang gamit ko na hindi ko na namalayan na nalaglag pala dahil sa gulat ko sa mga nangyayari at ikinikilos ni Bronze.

          "Your not gonna take that meds again." Madiin nyang sabi habang diretsong nakatingin sa mata ko.

Hindi ko kinaya ang bigat ng mga tingin nya kaya ako ang unang nag iwas ng tingin.

          "B--but what if, sumumpong ang ulo ko?" Nagulat man sa sinabi nya at nagawa ko pa din sumagot ng kahit utal-utal.

          "I'll give you another one." Kita ko ang galit sa mata nya. "The right meds for you!" At halos magtatakbo ako dahil talagang natatakot ako sa itsura nya ngayon.

. . . . . . . . . . .

Guuuuys! Sorry talaga, sira kasi cp ko kaya hindi ako nakakapagtype. Sana maintindihan nyo naman ako o. Mahal ko kayo. 😘😘 Comments please! #NoBrain #KathNiel

Always and Forever (LOAA Book2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon